Patuloy lang yung party ni Mommy na wala akong ibang ginawa kung hindi ang manood lang sa mga pangyayari habang yung mga kaibigan ko naman na kasama dito ay nag-uusap.
Nagplano din sila na pagkatapos nitong party ni Mommy ay gusto nila na may after party. Pero kami-kami lang din ng mga kaibigan ko.
Nautusan pa nga ako na magpaalam kay Mommy. Idea nila yun pero hindi nila magawang magpaalam sa parents ko. Sigurado akong maglalasing sila kasi yung iba sakanila may balak pang makitulog dito sa bahay ng parents ko.
Hindi ko na rin sila pinipigilan kasi sigurado akong kahit hindi ako magpapaalam kay Mommy papayag naman yun.
Naka ilang red wine na din ako pero wala pa akong naramdaman na pagka tipsy o lasing. Siguro tong wine na binibigay saamin walang alcohol kasi alam naman nila na puro matatanda yung bisita ni Mommy. Except nalang sa mga anak ng bisita ni Mom.
Nang natapos na yung party ay kanyang-kanya na sila magpaalam sa mga parents nila sa plano nila ngayon. Oo nila kasi hindi naman ako sumali e pero may magagawa pa ba ako kung yung tatlong kaibigan ko na mismo ang nagpaplano? Wala.
Bumuntong hininga muna ako bago naglakad kung saan ang parents ko. May kausap sila ngayon na isa sa director of the board. Nong makalapit na ako ay sabay silang tumingin tatlo saakin.
"Your daughter is here. Good evening Ms. Avellino" Bati naman ng kausap nila Mommy.
Tumango lang ako bilang pagbati sakanya.
"I have to go Mr and Mrs. Avellino." Pagpapaalam niya na yumuko din ng kaunti as a sign of respect.
Tumango naman yung parents ko sakanya. Ng makaalis na siya ay hinarap ko naman yung parents ko sa nakangiti na saakin.
"What is it anak? May problema ba?" My mom asked me, getting closer to me. She then touched my arm.
"Wala pong problema Mom Dad. Gusto ko lang magpaalam sainyo. My friends are planning an after-party for you, Mom." I said.
Nagkatinginan naman silang dalawa ni Dad bago nila ibinalik yung tingin saakin.
"Sure, hindi mo na kailangan magpaalam saakin anak. The backyard is all yours. You all can do whatever you want." She said.
"Talaga tita?" Pagsulpot ni Brianna sa likuran ko at talagang umakbay pa talaga siya saakin.
"Yes hija, just don't do illegal things."
Brianna chuckled after hearing what just my mother had said. "Don't worry tita hindi naman kami gumagawa ng ganyan. We're responsible enough not to do that kind of stupid thing po."
"Okay good, enjoy you all. Papasok na kami kasi kailangan na din naming matulog. Alam niyo naman pag matanda na ang aga na antokin." My mom said chuckling. Umakbay naman si Daddy sakanya.
"Sure tita, goodnight po." Brianna said sabay halik sa pisnge ng parents ko.
Humalik din ako sa mga pisnge nila. "Goodnight to the both of you." I said.
Tinanaw ko naman sila papasok. Nang hindi ko na sila makita ay humarap na ako sa mga kaibigan ko na kanina pa pala naghihintay saakin.
Napailing nalang ako nong nakita kong may dala ng hard drink si Avery at Ryuu. Pinakita pa nila talaga saakin wearing a smirk to their faces.
Tanging si Amaia lang yung may ibang reaction sa mukha. Sobrang sama na naman na tingin yung pinupukol niya saamin ni Brianna na para bang gusto niya nalang na patayin kami sa pamamagitan ng pagtitig niya saamin.
Isinawalang bahala ko nalang yung tingin niya.
"Alam naming hindi mo na enjoy yung party ng Mommy mo. So now we can all enjoy." She said habang hinihila ako palapit sa mga kaibigan namin.
BINABASA MO ANG
Ethereal (gxg)
Storie d'amoreSerendipitous Taste Series #1 Darkness and loneliness, that was the two girls felt. What will happen if the two different worlds collide? Can they find the light and the happiness of each other? Or it'll be another darkness in their lives? A wealth...