Chapter 36

150 9 0
                                        


Kasalukuyan akong nagbibihis para sa gala namin. Sinigurado ko na naka high waisted jeans ako kasi sa Disneyland Park yung first destination namin. Naka sneakers lang din ako.

Buti nalang talaga marami akong jeans na naimpake. Hindi na din ako nag lagay ng make up. Hindi din naman ako pupunta ng opisina. Naglalagay lang ako non pag nasa company at pag may ka meeting ako na investors.

Lumabas naman ako agad at nadatnan ko si Yumi na naka upo sa sofa. Wala na don yung bags niya kaya I'm sure nalagay na niya don sa kwarto ni Quisha. Umupo din naman ako sa isang single sofa. Halata sa mukha niya na ang lalim ng iniisip niya.

Tumikhim naman ako para makuha yung atensyon niya, mukha kasing hindi niya napansin na nadito ako e.

"So okay na kayo?" I asked her but she just shook her head.

Minsan talaga tumataas yung pride ni Quisha. Sana lang talaga kayanin ni Yumi yun kasi kung hindi, nako panigurado iiyak yung Quisha na yun.

"Kausapin mo lang siya ng kausapin. I'm very sure hindi ka matitiis non." I said to her.

Nag-uusap kami na hindi man lang tinatapunan ng tingin yung isa't isa.

"How sure are you?"

"I met Quisha since we're gradeschool so I know her already." I just simply answered.

Napapa-isip naman siya sa sinabi ko. Wait, kaya niya ba yung pinapagawa ko sakanya ? E sobrang tipid nga nitong sumagot e. Natahimik naman kami at lumabas din si Avery sa kwarto nila. Umupo si Avery sa isang single sofa at sumandal.

Nagpabalik-balik naman yung tingin ni Avery saaming dalawa ni Yumi.

"Siguro pag kayo yung kasama ko palagi? Panigurado sobrang peaceful ng buhay ko. Yung walang maingay." Avery said.

Hindi naman namin siya pinansin at tahimik nalang nakikinig sa susunod na sasabihin niya. Knowing Avery hindi yan titigil hangga't walang sasagot sakanya.

"Bakit ba kasi bad mood yung si Quisha?" Tanong ni Avery kay Yumi na binalingan niya pa ng tingin. "Sobrang bad mood na hanggang ngayon hindi pa nakakapili ng susuotin niya." Dagdag pa ni Avery na naka unot yung noo na nakatingin pa rin kay Yumi.

Yumi just shrugged her shoulder. "Someone sent her a picture." She simply answered.

Naintrega naman ako sa sinabi niya. Yun pa yung pinag-usapan nila kahapon? Nong papunta pa kami ng Olvera Street? Tumingin na din ako kay Yumi na ngayon ay nakasandal na sa sofa na ngayon ay nakatingin sa kawalan.

Daig niya pa ang brokenhearted ah?

"What picture?" Pagtatanong ulit ni Avery. Napaka chismosa din ng isang to e.

"A picture that I'm with a woman." Sagot na naman ni Yumi.

Sarap namang batukan nitong babae na to. Palaging pabitin yung mga sagot niya nakakainis na.

"You what?!" Maarteng sagot ni Avery. Ang sarap talagang pag uumpogin yung mga ulo nila Quisha e. "Kaya naman pala e." Dagdag niya pa.

"She's just my investors."

"Kung investors mo naman pala. Bakit galit pa rin yung isa?"

"Maybe because she saw that my right arm is place in that girl's waist?" Hindi pa siya sigurado sa sagot nya.

Hindi naman pakapaniwalang tumingin si Avery kay Yumi habang ako ay tahimik lang nakikinig sakanila.

"Siguro kung kaibigan pa kita kanina pa kita nabatukan e." May inis na sabi ni Avery. "Talagang magagalit talaga yun. " Dagdag niya pa habang umiiling.

Ethereal (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon