Chapter 10

228 7 0
                                    



Nagpa-order nalang ako ng lunch kay Rachel. Hanggang ngayon ay nasa baba pa rin yung mga media. Ganun nalang ba sila ka desperado na makilala ako? Bakit ba kasi ang famous ng tatay ko. Nadamay pa tuloy ako. Sana lang talaga mawala na sila pagka-uwi ko. Wala pa naman akong plano mag overnight dito as company.

Pinapasabihan ko rin kay Rachel ang mga empleyado na e tikom nalang nila ang mga bibig nila. Siguro naman titigil na yan sila pag nalaman nilang wala silang mapapala sa kahit isa sa empleyado ko.

Pumasok si Rachel dala-dala yung pinapabili ko. Inutusan ko siyang bumili ng Italian food. She bought me a Panzenella, it is a Tuscan bread salad. Binilhan niya rin ako ng banana smoothie. Hindi naman halata na saging yung paborito kong prutas.

Pagkatapos kong kumain ay pinagpatuloy ko yung pagpeperma sa ibang documents. Walang kataposang permahan to. Sa kalagitnaan ng pagpeperma ko ay tumunog yung phone ko. Kunot noo kung sinagot iyon na hindi tinitignan ang caller's ID.

"Hello?" I answered.

"Anak, it's me your Mom." Sagot sa kabilang linya.

"Hey Mom, bakit ka napatawag? May problema bah?" I asked her. Nagsimula na akong mag-alala kaya tinigil ko muna yung pagpeperma ko.

"Wala naman anak. Nabalitaan ko lang na madaming taga media sa labas ng company natin. Are you okay?" My Mom ask and the worriedness is visible on her voice.

I heave a sigh before answering her. "I'm okay Mom. Gumagawa na sila ng paraan para mawala na yung taga media sa labas."

"Anak kung magpapakilala kana kaya? Para mawala na yung taga media na yan." Ito na naman po kami.

Ito madalas pinatatalunan namin simula nong ako na pumalit ni Daddy sa company. Naniniwala sila na pag nagpakilala na ako sa media ay titigil na sila. Pero mali sila, pag nagpakilala ako for sure mas lalo nila akong kukulitin about sa personal life ko. Mawawala na yung privacy ko.

"Mom diba napag-usapan na natin to?" I asked her. Ayoko lang kasi ng pauli-ulit. They respect naman yung decision ko pero minsan talaga hindi nila maiwasan mag tanong about dyan.

"I know anak. Nagbaba-sakali lang naman ako kung nagbago na yung isip mo."

"Don't worry Mom, kung mag bago man ang desisyon ko ipapaalam ko agad sainyong dalawa ni Daddy."

"Mabuti naman kung ganun. Your Dad is also worried about you. Napag isipan mo na ba yung one break mo na sinasabi namin ng Dad mo?" Isa pa yun, hindi ko pa napag-isipan yun.

I heave a sigh. "Hindi pa Mom, pero pag-iisipan ko pag tapos na tong problema."

"Okay anak, hindi na ako sasagabal sa trabaho mo. I love you."

"Bye, I love you too Mom" I said before ending the call.

Never in my life naisip na sagabal yung pag tawag saakin ng parents ko. Kahit noon na nag-aaral pa ako kahit tumatawag siya habang may exam kami, sinasagot ko pa rin yung tawag nila. Buti nalang hindi nagagalit yung mga prof ko. Ayoko lang sila pag-aalahanin lalo na nasa Canada ako noon.

Pinagpatuloy ko na yung mag perma ng mga documents. Three days from now luluwas ako sa Tagaytay para makipag usap sa napili kong Engineer. Si Avery naman yung napili kong Architect.

When the clock strikes at three o'clock in the afternoon Rachel entered my office.

"Ma'am I just want to inform you that the media is already gone. Napaalis na po ng mga guards natin." She said.

Ethereal (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon