At tama nga yung sinabi ko. Binalingan nila kaming lahat nong nakaupo na si Amaia sa tabi kong single sofa.
Lahat sila ay nakatingin saamin wearing their mapang asar na tingin. Except nalang kay Apricia na clueless sa mga nangyari na nakita niya kanina. Pero nakikita ko sakanya yung kuryosidad as mga mata niya.
"Bagay kayo." Wala sa sariling saad ni Apricia habang pabalik-balik yung tingin saamin ni Amaia.
Sabay-sabay naman umiwas ng tingin yung mga kaibigan ko na may ngisi pa sakanilang mga labi sa sinabi ni Apricia. Nakita ko rin yung palihim na pagsiko ni Brianna sa manliligaw niya na ikinadaing nito.
Kunot noo niyang tinignan si Brianna whispering to her.
Napa iling nalang ako sa mga kaibigan ko.
"Ihahanda ko na ba yung team boss?" Rachel asked, sipping her glass.
Tumango naman ako sakanya bago ko ulit kinuha yung shot glass ko na nilagay ko sa mesa kanina. "Yes, I'm sure he will spread it tomorrow." I said, rolling my eyes and taking a sip from my shot glass.
"So, he's the traitor?" Aislynn asked.
Simpleng tango lang yung sinagot ko sakanila.
"Kung siya pala yung traitor, bakit okay pa rin yung negosyo niya?" Takang tanong naman ni Avery saakin.
I shrugged my shoulder before answering. "He's my Dad's friend. I can't destroy him without asking permission from my Dad."
Tumango naman silang lahat.
"By the way Ki, birthday ni tita bukas diba?" Brianna asks me taking a bottle of beer.
"Yes, and she invited you all earlier. Sabi niya magtatampo daw siya pag hindi kayo kompleto bukas." I boredly said to them.
Hindi ko alam kung magsisisi ba ako na pumunta dito. Kanina ko pa kasi napapansin na may tumitingin ng palihim saakin. Kahit naman hindi ako tumitingin pabalik alam ko naman na kung sino yun.
"Including us?" Cooper asked while pointing to Rachel, Briana, Apricia, and himself.
Tumango naman ako sa tanong niya. Nakita na din kasi sila ni Mommy one-time nong nag bonding kami sa restaurant a year ago. Isang beses nga lang yun kasi naging abala na din kami. Hindi na rin ako nagkaroon ng time para bumisita sa bahay ng parents ko kasama yung mga kaibigan ko.
Lahat sila ay nakatingin na ni Amaia who's busy getting her own beer. Hirap na hirap siya kung paano buksan yung takip nong beer. Hindi pa rin siya aware na nakatingin na kami sakanya.
Bumuntong hininga nalang ako bago kinuha yung beer sa kamay niya. "Let me" I said, opening the beer using my teeth.
Nilagay ko muna yung bottle cap sa mesa bago ko inilahad yung beer sakanya. She just staring at me na para bang hindi siya makapaniwala sa ginawa ko. Bakit? Ngayon lang ba siya nakakita taong ganun mag open ng beer?
Tinignan ko naman yung beer na nasa kamay ko para maging resulta sa pagbaling niya ng tingin dito. Nahihiya niyang kinuha ito at tinungga agad. Tumigil lang siya nong makalahati na niya ito. Nang mapansin na nakatingin pa rin ako sakanya ay tinungo niya yung ulo niya.
Binalingan ko naman yung mga kasamahan namin na kanina pa tahimik. Pag talaga ganitong moment natatahimik yung mga kaibigan namin. Tumingin naman sila kay Amaia nong makita nilang nakatingin na ako sakanila.
Naka singhot ba tong mga tao na to bago kami makarating ni Amaia? Para silang mga baliw ngayon sa totoo lang.
"As well as Amaia." I said finishing the liquor sa shot glass ko.
BINABASA MO ANG
Ethereal (gxg)
RomanceSerendipitous Taste Series #1 Darkness and loneliness, that was the two girls felt. What will happen if the two different worlds collide? Can they find the light and the happiness of each other? Or it'll be another darkness in their lives? A wealth...