Pinark ko agad yung kotse ko dito sa parking lot ng hospital nila Amaia. Hindi siya nag-reply sa text ko that's why I decided to fetch her on her office. Tumingin muna ako sa rear view mirror para ayusin yung sarili ko bago ako bumaba.
I double check my car if its lock before walking towards the entrance. Nagulat naman yung guard nong makita ako. Nagtataka na siguro to kung bakit palagi ako pumupunta dito sa hospital. He greeted me and I simply nodded my head at him. Nakita ko naman yung pag-ngiti niya nong makita niyang tinango ko yung ulo ko bilang sagot.
Nakaka amaze yung tao dito. Simpleng pag-bati mo lang pabalik natutuwa na sila. Para bang nawawala yung pagod nila everytime may bumabati o bumabati sakanila pabalik. Napaka simple ng mga tao dito. Kahit siguro bigyan mo lang sila ng ballpen magtatalon na sila sa tuwa.
Medyo nawala naman yung kaba ko sa naiisip ko. Hindi ganto kabait yung mga trabahante kung hindi din mabait yung nagpapa sweldo sakanila which is yung Daddy ni Amaia. Nagmana siguro si Amaia sa Daddy niya, they're both never failed to amaze me.
The nurse in the front who already knew me, greets me. Tumango lang din ako sakanya habang yung mga kasamahan naman niya ay nagtataka siyang tinignan. I think they're wondering kung bakit ako kilala ng kasama niya. Ngayon ko lang din nakita yung dalawang kasama niya. Siguro mga bago lang sila dito.
I pressed the elevator and wait for about a minute before it opens. Pumasok naman agad ako sa loob. May ilang tao din na kasabay kong pumasok. Yung isa ay nurse who's giving me a weird look. Hindi ko nalang siya pinansin at pinindot nalang yung floor kung nasaan yung clinic ni Amaia.
Through the ride, hindi talaga inaalis nong nurse yung tingin niya sa akin. I just remain my stoic face not minding their stares. Yes, their kasi pati yung isang babae ang weird din ng tingin saakin. Mukhang hindi siya employee dito kasi naka casual lang siya. Siguro may bibisitahin siya dito sa hospital.
Nang marinig kong tumunog yung elevator ay agad akong lumabas para maka takas sa paningin nila. Hindi ko alam kung anong meron saakin kung bakit nila ako binibigyan ng ganong tingin. Dahil sa hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko ay may dabunggo ako. Luckily, nahawakan ko yung kamay niya bago pa siya matumba sa sahig.
Tinulungan ko naman siyang makatayo habang siya ay parang nasa ibang dimension yung pagkakatitig niya saakin. She's familiar tho but I don't know where I met her. Naka lab gown din siya kaya panigurado dito siya nagtatrabaho.
"I'm sorry." I simply apologize before turning my heels. Pero hindi ko pa man naihakbang yung paa ko ay hinawakan niya yung kaliwang braso ko.
I frowned before looking at her hands holding my left arm. Para naman siyang napaso sa tingin ko kaya pinakawalan niya agad yung braso ko. I raised my brow questioningly. Para naman siyang nahihiyang ibinaba yung tingin niya sa sahig.
"Naalala mo ba ako?" Tanong niya habang inangat niya ulit yung paningin niya.
I frowned curiously looking her face. "Sorry, but no."
Nakita ko kung paano bumagsak yung balikat niya pagka rinig niya sa sagot ko. Totoo naman kasi, familiar siya pero hindi ko maalala kung kilala ko ba to o ano. Hindi naman siguro siya sa isa sa mga investors ko diba? Kasi I'm sure hindi ko siya makakalimutan kong isa pa siya sa investors ko.
"I'm Brianna, the girl who introduced Aislynn to you. Dito mismo sa hospital na to." She explained.
Kunot noo ko naman tinitigan yung mukha niya pilit na inaalala kung tama ba yung sinabi niya. At para bang biglang may umilaw sa utak ko nong maalala ko siya. She's the girl na may gusto kuno saakin sabi ni Aislynn. Sa elevator din siya pinakilala ni Aislynn.

BINABASA MO ANG
Ethereal (gxg)
RomanceSerendipitous Taste Series #1 Darkness and loneliness, that was the two girls felt. What will happen if the two different worlds collide? Can they find the light and the happiness of each other? Or it'll be another darkness in their lives? A wealth...