Chapter 43

120 6 0
                                        


We are currently in NAIA terminal 3 right now. Kaming dalawa lang ni Amaia kasi hindi siya na papayag na ako lang yung susundo kay Ryuu. You see, she's very territorial. Wala naman akong problema don kasi gusto ko naman yun sakanya.

The family dinner last week went well. Tuwang-tuwa naman si Mommy when I introduced Amaia as my girlfriend. Pero she honestly said to me na medyo nagtatampo siya saakin. Sabi niya pa na dapat sinabi ko raw sakanila agad.

Hindi nila pinagpahinga si Amaia sa pag-sasalita. Natanong na ata nila yung gusto nilang itanong. Tinanong pa nga nila na kung kailan daw yung kasal. My Mom then said that she wants 4 grandchildrens kasi ako lang daw yung anak nila. Sobrang hiya ko non pero hindi ko lang pinahalata pero mukhang napansin siguro ni Amaia nong time na yun kasi pag tingin ni Amaia saakin ay natatawa siya.

Siguro namumula yung mukha ko nong time na yun.

After that dinner sinabihan ni Mommy si Amaia na bumalik siya don sa bahay at bisitahin sila. Sabi pa nga niya na okay lang daw na hindi ko sila bibisatahin basta bisitahin lang sila ni Amaia. Grabe ng mga magulang ko minsan noh? Pero hindi ko nalang yun pinansin.

Sa condo nagpahatid si Amaia nong gabi na yun. She invited me to come with her pero tumanggi na ako kasi malalim na yung gabi non. Naiintindihan naman niya, tinanguan nalang niya ako before giving me a kiss in my lips. Lumabas naman agad siya sa kotse pagkatapos non. Tinignan ko muna siya hanggang sa maka pasok siya sa building niya.

"Ano iniisip mo? Mukhang malalim yung iniisip mo ah." Naka kunot-noo si Amaia habang tinanong ako.

Bumuntong hininga muna ako bago siya yinakap sa tagiliran. Nasa waiting area pa kami ngayon and I think 10 minutes pa bago makalabas si Ryuu. Ayaw ko nga sana na ako yung susundo sakanya pero sobrang kulit din niya. Sabi niya pa na hindi na siya tititra sa penthouse ko basta sundoin ko raw siya. Nang blackmail pa e. Kaya wala na akong magawa at pumayag nalang. Alam ko kasi na hindi din papayag si Amaia pag don mag stay si Ryuu.

Tinawagan ko siya kanina para sabihin na susundoin ko si Ryuu. Pumayag naman siya pero dapat daw kasama siya. Buti nalang talaga wala siyang pasyente ngayon kaya medyo maluwag yung schedule niya. Wednesday na ngayon at 2 days from now ay monthsary na namin ni Amaia.

First monthsary to be exact. Hindi ko nga napansin yung panahon e, masyadong mabilis. Sinabi din saakin ni Amaia na pag nag 1 month kami ay ipakilala na niya ako sa magulang niya. Well, I know naman na makikilala agad nila ako pag sinabi ko na ako yung anak ni Nike Avellino.

"Wala naman." I simply answered before kissing her temple.

"Tss, iniisip mo siya noh? Don't worry he's safe." Napansin ko yung inis sa boses niya.

Medyo natawa naman ako bago ko ulit hinalikan yung sentido niya.

"Iniisip ko yung sa family dinner last week. Sorry sa lahat ng sinabi ni Mommy."

Last week while I'm driving towards her condo she said the three words to me. Dahil sa pagka-bigla ko ay muntikan na kami mabangga. Buti nalang talaga at nailiko ko agad yung kotse ko. Tinabi ko muna yung kotse ko bago siya tinignan. Naka ngiti lang siya that time habang nakatingin din saakin.

Pinaulit ko naman yung sinabi niya at inulit naman niya talaga. I swear tingin ko ako yung pinaka masayang tao sa mundo that time. Alam kong corny pero yun talaga ang nararamdaman ko. Na speechless pa ako that time.

"It's okay boss babe. Ang cute nga nila tita e." She said chuckling.

Sinabihan din kasi siya nila Mommy na Tita at Tito na yung itawag ni Amaia sakanila.

Ethereal (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon