Chapter 65

120 8 0
                                        


Mamayang 7pm gaganapin yung birthday party ni mommy. As usual engrande na naman yung party niya, tuwing birthday naman niya palaging engrande. Panigurado madaming media na naman mamaya dahil nag-imbeta si mommy ng mga kilalang tao sa larangan ng business.

Kahit ayoko sa maingay ay kailangan ko pa rin pumunta, baka malaman mo nalang kinabukasan na itinakwil na ako ng Ina ko dahil sa hindi ko pagsipot sa birthday niya.

Hindi naman ako nagtagal sa bar kagabi, pagkatapos nong pag-uusap namin ay umuwi na rin ako. Sinundo na rin kasi si Quisha ng fiancé niya that time kaya nakisabay na ako palabas nang bar.

Tanging si Amaia at Aislynn nalang yung nagpaiwan para bantayan yung mga kasamahan namin. Hindi din naman nagpakalasing yung dalawa kaya okay lang na iwanan sila.

Tama nga yung hinala ko, kaninang umaga bumungad saakin ang news na girlfriend ko raw yung babaeng anak ni Louevic Arman Evans. Buti nalang talaga at mabilis yung action ng team ko. Nabura nila agad yung mga websites na nagpalaganap non.

Lunch time pa lang kaya nasa company pa ako. Sa penthouse din naman ako magbibihis mamaya, gusto pa nga ni Mommy na sa bahay na nila ako magbibihis pero sinabihan ko na siya na don nalang sa penthouse ko, total sa bahay naman nila ako matutulog mamaya kasi alam kong late na matatapos yung party niya.

Abala ako sa pagtitipa sa laptop ko nong bigla nalang pumasok si Rachel na hindi maipinta ang mukha may hawak na telepono sa kaliwang kamay niya. May hang over kasi siya kaya ganyan.

"Tumatawag mommy mo." Nakasimangot niyang sabi habang binibigay saakin yung telepono.

Kunot noo ko naman siyang tinignan bago ko kinuha yung inaabot niya saaking telepono. Agad naman siyang umupo sa visitor's chair ko na sapo-sapo yung ulo niya. Iinom inom ng marami tas matitiklop pag nagka hang over kinabukasan.

"Hey mom, dapat sa phone ka tumawag." I said, leaning my back on my swivel chair.

"Kanina pa ako tawag ng tawag sa phone mo anak." She said with an annoyed voice.

Napabalikwas naman ako sa pagkakasandal sa kinauupoan ko. Kinuha ko agad yung phone ko na nasa gilid lang ng laptop. At tama nga siya, may limang missed calls ako na galing sakanya habang may sampong missed calls naman ako na galing kay Ryuu.

Nilagay ko kasi silent mode yung phone ko dahil sa kakulitan ni Ryuu. Gusto niya naman na magpasundo saakin sa airport. Umuwi kasi siya para makadalo lang sa birthday party ni Mommy.

"Sorry about that mom, naka silent mode yung phone ko." I said, scratching my nape.

Nakita ko naman kung paano pinipigilan ni Rachel yung tawa niya na kanina pa gusto kumawala. Sinamaan ko naman siya ng tingin, agad naman siyang napaayos ng upo giving me her apologetical smile.

I rolled my eyes at her.

"It's okay anak, I just called to inform you na bawal ka ma late sa party ko. Magtatampo talaga ako."

Napatango naman ako sa sinabi niya kahit hindi niya yun nakikita. "Yes, Mom don't worry."

"By the way, nainvite mo na ba mga kaibigan mo?" She asked from the other line.

"Yes po, I invited them last night."

"Pupunta ba sila?" She hopefully asked.

"Of course, Mom, sinabi ko kasi na magtatampo ka kung hindi sila pupunta."

"Mabuti naman, osya hindi na kita iistorbohin. See you later anak."

"Happy birthday Mom and I love you. See you later." I said before ending the call.

Ethereal (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon