CHAPTER 1 4/4

6 0 0
                                    

CHAPTER 1 4/4: CHASE

[ Continuation of Flashback ]

Kumakain sila ng mansanas at saging na pinitas ni Dale kanila lang. Dahil matagal nang magkakilala ang lahat ay hindi na nahiyang maghubad ang mga babae upang patuyuin ang basang damit na sinampay sa sanga ng puno.

Ganun din ang mga lalaki, Nakahubad sila pero may mga damit panloob naman. Naka shorts at bra Ang mga babae habang ang mga lalaki ay naka boxer shorts. Hindi maka tingin ng direkta at naiilang si Jeremy sa mga babae.

"Jek? Okay ka lang?" Takang tanong ni Megan sa nagpapawis na si Jeremy. "O-Okay lang haha.. ang init Kasi hehe" nauutal na saad ni Jeremy. "Oh. Bat di ka makatingin ng diretcho? Nahihiya ka ba? Haha" birong saad ni Valerie.

"H-hindi.. A-ano kasi.. kayo.." nauutal na saad ni Jeremy. "Ah. Dahil ba naka hubad kami?" Tawang tanong ni Zelda. Tumango si Jeremy at doon sinubukang tumingin sa mga babae.

"Sino mas sexy sa amin? Haha" birong saad ni Valerie. "Luh! Bat ang bastos mo haha. Naku Jek. Wag mo na sagutin" tawang saad ni Megan.
"A-ah. Iihi muna ako." Saad ni Jeremy at nagmadaling tumakbo papunta sa mga puno.

"Haha. Hindi niya kinaya. Mahina." Pang aasar ni Valerie. "Tumigil ka na nga. Ang Ingay mo. Baka ma enkanto ka. Gabi panaman." naaasar na saad ni Mateo at tumalikod na't humiga sa higaan. "Matulog na tayo. Inaantok na ako" Saad ni Zelda at humiga na din.

"Alam nyo. Napaka kill joy nyo'ng lahat. Hmp!" Naiinis at na bubuysit na saad ni Valerie at nagdabog na humiga. "Tawagin ko lang si Jek" pagpapaalam ni Dale at pumaroon sa mga puno.

"Sige. Mag ingat ka. Matulog na din kayo" Saad ni Megan ay humiga na katabi si Zelda. Nang si Mateo ay nakatulog, doon tumabi si Valerie at tuwang tuwang yumakap. Nang papunta na si Dale ay nagtagpo sila ni Jeremy at doon ay bumalik sila sa kampo at humiga't natulog.

Kinabukasan nagising si Jeremy na kumakalam ang sikmura dala ng buong gabi nakahubad kaya napasukan ng hangin. Sumikat na ang araw na nakahilata parin ang mga babae sa buhangi'ng kalupaan. Si Dale ay ginising ni Jeremy at nakita nalang sa dalampasigan si Mateo na humuhuli ng isda gamit ang sibat na kahoy.

Ginising ni Dale si Zelda at bumangon na kasabay na ginising ang katabing si Megan. Nagising nalang si Valerie na dismayado dahil hindi si Mateo ang kayakap kundi malaking bato.
Ang mga lalaki ay pumaroon kay Mateo upang tumulong humuli ng isda.

Ang mga babae naman ay nagpaalam na pupunta sa gubat upang humanap ng malinis na  tubig upang inumin. "Wow. Ang laki ng mga puno dito." Manghang saad ni Zelda habang minamasdan ang paligid habang naglalakad.

"Marami ding mga halaman na di kopa nakikita. Kahit sa mga libro." Tuwang saad ni Megan na tumitingin sa halaman ng kalupaan. Si Valerie ang nanguna sa paghahanap. Doon ay nakakita siya ng batis at nagmadaling pumaroon.

Kasalukulang humuhuli ang mga lalaki ng isda at nakahuli nga sila ng Mackerel at Salmon at inilagay sa lalagyan na nilikha ni Mateo gamit ang dahon ng saging at sumusuportang kahoy na patpat at baging upang maging matibay.

Nagtagpo ang lahat sa kampo at ibinalita ng mga babae ang nadiskubre nila sa gubat. Doon ay sinimulan na nila ang paghahanda sa pag ihaw. Inalis ang lamang loob at binanlawan nila ang mackerel at salmon ngunit si Valerie ay hindi dahil nandidiri siya sa dugo.

Habang naglilinis sila ay nasa likod lang si Valerie na nagpapakita ng kaartihan. "Yuck! Kadiri. Meg,Kamusta?.. parang nag o-opera lang ba?" Nandidiring saad ni Valerie na di maka tingin ng direkta.

"Haha. Sanay na ako. May bahagi nga ng exam na hinalung-.." saad ni Megan na tinatanggal ang hasang ng isda at biglang sumapaw si Valerie "Wag mo na ituloy. Sensitive ako sa mga ganyan" Hindi kumportabling saad ni Valerie.

Nang tapos na sa pag hiwalay ng lamang loob ay inipon ito ni Dale at tinapon sa Dalampasigan at naghugas kamay na din. Si Jeremy kanina ay  abala sa pag gawa ng ihawan at ngayon ay nagbabaga na ang kahoy. Tinuhog na nila ang kanilang isda sa patpat at inihaw sa uling.

Makalipas ang ilang minuto ay naluto na ang isda at doon ay kumain na silang lahat. "kulang nalang sawsawan. Haha." Tawang saad ni Dale. "Masarap siya kahit walang lasa" Saad ni Zelda.

Pagkatapos nilang kumain ay nagsulat sila sa buhangi'ng kalupaan gamit ang kahoy ng malaking salita na "Help us" baka sakaling may dumaan na eroplano sa himpapawid at matulongan silang maka alis sa isla.

Inabutan na sila ng maghapong paghihintay ay wala paring kahit anong dumadaan o mga senyales na may mga tao sa Isla. Naka higa lamang sila at ilang minuto lang ay napa bangon sila ng may narinig na parang tunog ng makina.

Hindi isang eroplano kundi parang Avalon na nakikita sa mga Sci-fi movies. Sumisigaw at kumakaway sila sa Avalon at hinahabol na ang direksyon ay sa kanluran. Napahinto sila ng may binagsak ang Avalon na parang kargamento.

Tuluyan ng naka layo ang Avalon at hindi na nakita dahil natabunan ng ulap. Nagtaka na lamang sila kung ano ang nasa loob ng kargamento. Si Mateo ang nanguna at hinaharang ang iba na nasa likuran.

"Pag sinabi kong takbo. Takbo agad. Maghiwalay hiwalay lahat." Seryosong saad ni Mateo. "Matt? Bat ganyan ka?." takang tanong ni Valerie. "Ano ba ang nasa loob niyan?" takang tanong ni Dale. Sa loob ng Kargamento ay parang may nagwawala sa loob.

Tumigil na lang ang pag galaw ng kargamento at nabalot ng katahumikan ang paligid at tanging agos ng tubig sa dalampasigan ang naririnig. "Takbo!" Sigaw ni Mateo kasabay ng pagkasira ng buong kargamento at naglabasan ang mga halimaw at hinabol silang lahat.

Tumakbo sila papunta sa gubat at nagkahiwalay dahilan na iba ang tinahak ng isa't isa. Nagsimula ng dumilim ang kalangitan at ang araw ay lumubog na. Ang bawat isa ay hinabol ng naglalakihang halimaw.

Nakatalikod lamang sila sa pagtakbo at di maka lingon dala ng pagkatakot ngunit rinig na rinig Ang yabag na parang bumibiyak sa kalupaan at ang mabangis na boses ng halimaw. Nagpatuloy sila sa pagtakbo hanggang at wala ng paki kung saan makapunta.

[ End of Flashback ]

Naka sandal ako ngayon sa malaking statwa at pinagmamasdan ang patay na halimaw. Natusok   ang kanyang likuran sa pinagsamang matatalim na kahoy at ngayon ay naliligo sa sariling dugo.
Ayokong lumapit dahil nandidiri ako habang nilalangaw siya at nangangamoy.

Dilat ang apat na mata at naka bukas ang bunganga ng halimaw. Hindi ako maka paniwala na totoo at posibleng nabubuhay ang ibang uri ng nilalang. Sino kaya ang gumawa o lumikha sa kanila? At bakit parang tinapon lang sila dito sa Isla. Naguguluhan ako. Maraming tanong pero walang sagot.

END OF CHAPTER 1 CHASE

Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon