CHAPTER 1 2/4: CHASE
[ Dale's Point of View ]
Kahit hinihingal na ako sa pag hinga ay kailangan ko pang bilisan ang pagtakbo bago pa ako maabutan ng halimaw na humahabol sa akin. Kaming magkakaibigan ay napahiwalay sa isa't isa dahil hinahabol din sila ng halimaw.
Isang masukal na gubat ang tinahak kong daan at ang hamog ay nagpapalabo sa direksyon. Nagmistula akong talon dahil sa magkasunod na bugso ng pagpapawis. Ang bahagi ng gubat na tinatakbuhan ko ay dumaranas ng Hypoxia.
Ang Hypoxia ay kawalan ng sapat na oxygen sa isang lugar at kasalukuyan ay nararanasan kuna ang hirap sa pag hinga. Pagod na ako sa pag takbo at namimitig na ang aking binti. Hindi kuna matanaw ang halimaw at hindi na rinig ang lumalagapak na yabag nito sa kalupaan.
Hindi kuna kayang magpatuloy.. wala na akong lakas. Sa pag masid ko sa paligid ay may nakita akong palumpong at doon ako magtatago, pagkatapos ay sumandal sa punong katabi at nasimulang guminhawa at magpahinga.
Matagumpay kong nailigaw at natakasan ang halimaw ngunit mapanganib parin at hindi tiyak na ligtas na ang buong paligid. Mas mabuting palipasin ko muna ang gabi at hintayin ang panibagong pagsikat ng araw.
Hindi ko matukoy kung ano ang nilalang na yun at hindi ko maipaliwanag ang wangis. Naging maayos na rin ang aking paghinga at ipipikit ko nalang ang mata upang maidlip at makatulog. Nasaan na kaya sila?
Sana ay ligtas silang lahat at nakahanap sila ng matataguan. Kung pinagliban lang namin ang pagpunta sa Japan ay maiiwasan sana ang sakunang hinaharap namin.. ngunit nakapagtataka lamang.
[ Start Of Flashback ]
Dumilim na ang kalangitan at doon na sumikat ang kabilugan ng buwan. Makikita sa alon ng karagatan ang repliksyon ng buwan dahil sa kanyang liwanag na sumasalamin sa kagandahang taglay.
Maingay at nagkakasiyahang naglalaro ng truth-and-dare ang magba-barkada sa hapagan ng yatch na sinasakyan.
Bigla nalang naglaho ang matingkad na liwanag ng buwan nang matakpan ng mga itim na ulap at nangangahulugang may bagyong paparating.
Dahil nalibang sila sa paglalaro ay hindi namalayang umaambon pala kaya't nagmadali silang bumaba papunta sa cabin ng yatch upang sumilong.
Nagtaka nalang si Jeremy dahil bago pa sila maglayag ay nagsiyasat muna siya sa internet tungkol sa ulat panahon at ang nakasaad ay hindi umano magiging maulan sa timog bahagi ng pilipinas at hilagang bahagi ng Japan.
"Baka dadaan lang ang ulan at mawawala rin maya maya" kalmadong saad ni Mateo habang nagpa-pilot ng sinasakyan nilang yatch.
Sa basang salaming bintana ay tumitingin si Zelda sa labas at nagsimulang ginawin dahil sa lamig ng hangin. Si dale ay naka tayo at sandal sa pader na naka lagay ang dalawang kamay sa bulsa at bigla niyang napansin si Zelda.
Kumuha si Dale ng tuwalya sa kalapit niyang cabinet upang ilatag sa magkabilang braso at balikat ni Zelda at ngayon ay pumaroon na siya.
Naramdaman nalang ni Zelda Ang malambot na tela na dumampi sa kanya.
Napangisi nalang si Zelda kay Dale at nagpasalamat. "Kanina ay malayo ang iyong tanaw. May bumabagabag ba sayo?" Takang tanong ni Dale. Tumabi si Zelda at binigyan ng seryosong tingin si Dale.
Sa ispasiyong kinatatayuan kanina ni Zelda ay lumapit si Dale sa bintana at tinignan ng maigi ang labas at doon niya nasaksihan ang isang bagay na dahilan ng kanyang pagka sindak.
Napa-atras siya habang bukang buka ang mata at kinikilabutan na napa tingin kay Zelda. "Matt!? Meg!? Val!? Je.. jeryy!?" Nauutal na saad ni Dale at pumaroon kay Mateo, Megan, Valerie at Jeremy na nag uusap ng maigi.
Habang papunta na si Dale kina Mateo ay biglang naalog ang yatch dahil sa malakas na bugso ng rumaragasang alon. Nawala ang kuryente ng buong yatch at hindi na kayang patakbuhin.
Natumba na lamang silang lahat sa sobrang lakas ng pag alog ng yatch. Ang kanina'y mahinang ulan ay isa ng mapaminsalang bagyo. Tumayo ang mga lalaki sa pagkaka bagsak at tinulungan at inalalayan makatayo Ang mga babae.
Ang salaming bintana ay nabiyak at may pumapasok ng tubig sa loob ng yatch. Nagmadali silang kumuha ng life vest mula sa cabinet at sinuot. Nagkapit bisig silang lahat na umakyat sa hapagan ng yatch.
Tila sinasayaw ng alon ang kanilang yatch. Nang maka akyat na sa hapagan na sila ay doon na bumigay ang salaming bintana at nabasag hanggang sa sinakop na ng tubig ang cabin ng yatch. Ang mga babae ay umiiyak sa takot.
Silang lahat ay nagkapit-bisig lang ngunit tinangay sila ng mataas na alon papunta sa dagat at maging ang yatch. Dahil sa life vest ay nakalutang sila sa dagat ngunit hindi maka hinga ng maayos dala ng mga malakas na agos.
[ End of Flashback ]
Hindi maalis sa utak ang nakita ko sa labas ng yatch.. kahit sino ay hindi gugustuhing makita yun. Maging si Zelda ay nakita nya din at katulad niya ay hindi ko malahad gamit ang salita ang pagkatakot na naramdaman ko sa oras na yun.
BINABASA MO ANG
Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)
Mystery / Thriller1st installment of Dread Series. Group of teenagers sailed the sea and their destination is Japan, but a huge typhoon wreck their yatch and they get stranded in an unknown island. They need to survive to be alive... not knowing they conveyed in a bi...
![Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)](https://img.wattpad.com/cover/307705227-64-k898412.jpg)