CHAPTER 12 1/4: KNAVERY
Madaling araw sa bayan ng Tribo Mantul, Kasalukuyang tulog ang lahat maliban kay Cipta na binabangungot. Ang masalimoot niyang karanasan ang kanyang masamang panaginip. Kahit magkatabi sila ni Indah ay walang nakakarinig sa kanyang mahinang halinghing
Mabuti nalang at nagising si Indah at nakita nalang ang kapatid niya na binabangungot. Napukaw at nagising ang diwa niya at binuksan ang pintuan at sumigaw ng paghingi ng tulong. Nagising si Ligaya sa ingay at ginising ang katabing sina Gemma at Yami.
Nang papunta na sila Ligaya sa kwarto ni Indah at Cipta ay nagising si Jeremy dahil sa mga yabag nila. Pilit ginigising ni Indah si Cipta na ngayon ay pinagpapawisan na umiiling. "Cipta! tolong bangun!" Naiyak na saad ni Indah.
Pumasok na sina Ligaya sa silid at nilapitan si Cipta na binabangungot. "Anong nangyayari?" Alalang takang tanong ni Gemma. "Binabangungot nanaman siya" naiyak na saad ni Indah. Tinabihan ni Ligaya si Cipta at pinaypayan at pinupunasan ang pawis sa noo.
Si Yami naman ay ginigising si Cipta habang hawak ang kamay. Napansin ni Indah na nahihirapang huminga si Cipta kaya niluwagan ang damit na suot. Tumulong narin si Gemma sa pagising kay Cipta.
Doon ay pumasok si Jeremy sa loob ng silid at nagtaka sa nangyayari kaya pumaroon siya. Doon niya napagtanto na binabangungot si Cipta kaya kinuha niya ang unan "tumabi muna kayo" seryosong saad ni Jeremy.
"Anong gagawin mo sa kapatid ko?" Takang alalang tanong ni Indah na umatras. "Magtiwala lang kayo.. natutunan ko ito sa lolo ko" seryosong saad ni Jeremy at hinahanda ang unan. Ang lahat ay umalis sa unan at pumunta sa likuran ni Jeremy.
"Siguraduhin mo lang na walang mangyayaring masama sa kanya ah" naiyak at alalang saad ni Indah na pinapatahan ni Gemma sa pag-iyak. Doon ay pinalo ni Jeremy ang unan sa dibdib ni Cipta na sakto lang ang lakas.
"Tumigil ka! Sinasaktan mo lang sya" kunot noo at galit na saad ni Indah na pilit lumalapit kay Jeremy pero pinipigilan siya ni Gemma. Hindi sagad ang pagpalo ni Jeremy at malumanay lang. Sa pagtama ng unan sa dibdib ni Cipta ay tumutunog ito.
Hanggang sa naka bangon na si Cipta na hinihingal at kinakabahan. Dahil sa pagkagulat ni Indah ay binangga niya lang si Jeremy at lumapit kay Cipta. Naginhawaan ang lahat maging si Jeremy na napa buntong hininga.
Natanggalan ng tinik sa dibdib si Indah dahil gising na ang kanyang kapatid. Napayakap si Cipta kay Indah "Napanaginipan ko ulit ang nangyari ate.. nakakatakot dahil parang totoo lahat" bulagta ang mata ni Cipta at natatakot na nag saad.
"Semua yang Anda lihat hanyalah mimpi buruk.. Jangan takut aku disini" alalang saad ni Indah habang pinupunasan ang luha ni Cipta at inaayos rin ang buhok. Nawala na ang pagkatakot ni Cipta at yumakap kay Indah.
Hindi na naki-alam o lumapit sina Gemma at hinayaan lang ang magkapatid na makapag usap. Naginhawaan na sila dahil nagising na si Cipta. "Lalabas na muna kami" pag-papaalam ni Gemma na binuksan ang pintuan.
Nang lumalabas na sila ay lumingon si Indah at tinawag si Jeremy. Lumingon din si Jeremy na seryoso ang mukha at naalimpungatan. Na-una nang umalis sina Gemma, Ligaya, Yami. "Terima kasih atas bantuannya .. dan maaf karena tidak mempercayai Anda" seryosong kalmadong saad ni Indah habang hinahaplos ang buhok ni Cipta.
Hindi naunawaan ni Jeremy ang sinabi ni Indah "ahm.. salamat sa tulong mo at patawad dahil hindi ako nagtiwala sayo" kalmadong saad ni Indah. Yakap yakap ni Cipta si Indah at nakalapat ang pisngi ni Cipta sa dibdib ni Indah.
"Salamat" mahinang saad ni Cipta na rinig parin.
Natuwa si Jeremy at nasiyahan na ngumisi.. "walang anuman.. sa susunod pag matutulog ka dapat naka tagilid lang.. yan ang paniniwala ng Lolo ko." Kalmadong tuwang saad ni Jeremy. "Iya. Susundin ko yan" tuwang saad ni Cipta at ngumisi na.
"Sige.. lalabas muna ako.. paalam" tuwang saad ni Jeremy na lumabas na ng silid "Sampai Jumpa!" Pag-papaalam ni Indah at Cipta. Doon ay sinara na ni Jeremy ang pintuan. Sa maliit na lamesa sa tabi ng higaan ay kumuha si Indah ng tubig at binigay kay Cipta.
Nawala ang pagka uhaw ni Cipta nang inubos ang tubig at nasiyahan. Doon ay inasikaso ni Indah si Cipta. Sa labas at tapat ng silid nila Indah at Cipta ay nakatayo si Jeremy at Gemma. Habang si Ligaya at Yami ay abalang nagluluto sa kusina.
[ Jeremy's Point of View ]
Mabuti nalang at naituro yun ng namayapa Kong Lolo.. naku kung hindi. Baka hindi na magising si Cipta.. at wag naman sana umabot dun. Katabi ko ngayon si Gemma sa labas ng tapat ng silid ng magkapatid. Naririnig nami dito sa labas ang mahinang pag uusap ni Indah at Cipta.
"Naku Jeremy.. salamat talaga.. buti nalang nagising mo si Cipta" tuwang saad sa akin ni Gemma. "Walang anuman.. kahit sayo mangyari yun.. ililigtas talaga kita" birong saad ko sa kanya. "ASusss.. Ayan ka nanaman." Tuwang saad ni Gemma.
Bigla nalang akong natahimik at napa-isip.. "Palagi bang nangyayari yun kay Cipta?" Takang tanong ko. Naging seryoso ang buong sandali. "Oo.. minsan.. siguro sumagi sa kanyang isipan ang masamang nangyari sa kanya noon" seryosong saad sakin ni Gemma.
"A-anong nangyari?" Takang seryosong saad ko na mahina ang boses. Hinablot ni Gemma ang kamay ko at pinapasunod niya ako sa ikalawang balchonahe sa Silangang bahagi ng bahay. "Malaki ang tiwala ko sayo.. dapat hindi mo ipagsabi sa iba ang isasalaysay ko sayo" seryosong saad sa akin ni Gemma.
Ngayon ay nasa balconahe na kami at ang paligid ay tahimik lang at unti unti nang lumiliwanag ang paligid. "Pangako.. ang sasabihin mo ay mananatili lamang sekreto" seryosong saad ko sa kanya. "Ganito kasi yan.. bago ko pa sila nakilala ay dumanas sila ng matinding kahirapan noon.. na dahilan kung bakit pinatira ko sila sa aking tahanan" seryosong saad ni Gemma.
[ End of Jeremy's Point of View ]
[ Start of Flashback ]
Sa nakaraang anim na taon, Kasalukuyang nagluluksa si Indah at Cipta sa pagkamatay ng kanilang magulang sa libingan. Mga minor de edad pa sila ng oras na yun. Si Indah ay 16 habang si Cipta ay 13.
Umuulan ng malakas sa oras na yun at basang basa ang buong katawan nila na parang naligo "Pano na tayo ate.. sino na ang mag aalaga sa atin.. *sob*" umiiyak na saad ni Cipta. "Andito pa ako.. at hindi kita pababayaan. Simula ngayon.. ako na ang magsisilbing Ina at ama mo *sob*" iyak na saad ni Indah. Nagyakapan sila at nagpatuloy sa pagluluksa.
Ang ibang nakiramay ay umalis na habang silang dalawa ay naiwan sa sementeryo. Sa sobrang lakas ng ulan ay naging putek ang ibang bahagi ng lupa. Kapag umuulan habang naglilibing ay nangangahulugang hindi pa gusto ng namayapa na umakyat sa langit.
Ang dahilan marahil ay may naiwan siyang mga mahal sa buhay o hindi natapos na tungkulin dito sa mundo. Maari ring hindi niya inaasahan ang biglang pagkamatay niya at nais pang mabuhay sa mundo.
BINABASA MO ANG
Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)
Mystery / Thriller1st installment of Dread Series. Group of teenagers sailed the sea and their destination is Japan, but a huge typhoon wreck their yatch and they get stranded in an unknown island. They need to survive to be alive... not knowing they conveyed in a bi...
![Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)](https://img.wattpad.com/cover/307705227-64-k898412.jpg)