CHAPTER 8 2/4

1 0 4
                                    

CHAPTER 8 2/4: ENDOWMENT

Napukaw nalang sina Jeremy at Gemma sa  malagkit nilang pagtitinginan dahil nakarinig sila ng nagtataasang boses sa sala. Napatingin nalang sila sa pintuan na nagtataka. "Titignan ko lang kung ano ang nangyayari sa labas" tuwang takang saad ni Gemma habang hinahaplos ang buhok ni Jeremy.

"Samahan na kita" tuwang saad ni Jeremy na tatayo pero pinigil ni Gemma "hindi, ako na.. magpahinga kana" pagpigil ni Gemma at pinaupo pabalik si Jeremy. Kinuha ni Gemma ang rolyo ng bendahe na nasa sahig at dinala.

"Oo. Ikaw din.. Salamat nga pala" tuwang saad ni Jeremy "hmm.. walang anuman" tumango si Gemma at tuwang nag saad. Doon ay nagpaalam na sila sa isa't isa at lumabas na si Gemma sa silid ni Jeremy at pumaparoon sa sala.

Naiwan naman si Jeremy na naka ngisi at masaya dahil sa paghaplos ni Gemma sa kanyang buhok. Doon ay nagbihis na siya ng kanyang damit at humiga na sa kama. Naginhawaan nalang si Jeremy dahil makakapagpahinga narin siya.

Tumambad sa balconahe si Ligaya na nakikipag talo sa isang babae. Nakatingin at nakikinig lang sina Yami, Indah at Cipta sa kanilang pag-aaway. "Magbayad kana ng utang mo.. puro ka pangako lagi naman napapako" naiinis at seryosong saad ng babae habang pumapaypay.

Narinig yun ni Gemma nang papalapit na siya sa balconahe at pumaroon kaagad doon. "Utang? Anong sinasabi niya Ligaya?" Takang tanong ni Gemma. Hindi alam ni Ligaya kung ano ang pakiki-usap na sasabihin niya sa babae at nababahala na.

Ngumiwi at natawa ang matabang babae "Tsk.haha.. para malaman mo, hanggang ngayon hindi parin siya nag babayad ng utang.. lagi nalang akong tinatakbuhan.. mabuti nalang at may nagsabi na dito siya nagtatago. Haha" Natawa at dismayadong saad kay Gemma. Lumapit naman si Gemma kay Ligaya at naliwanagan.

Si Ligaya ay nahihiya at naiiyak dahil sa kahihiyan na nadala niya sa bahay ni Gemma. Hinawakan ni Gemma ang balikat ni Ligaya "Bakit hindi ka nagsabi sa akin.. sa amin, bakit mo sinasarili ang problema" alalang saad ni Gemma.

"Sobra sobra na ang pagpapatuloy mo sa akin dito sa bahay mo.. nahihiya ako.. ayaw ko na idamay pa kita sa problema ko" nahihiya at naiyak na saad ni Ligaya na naaawa sa kanyang sarili. Ang matabang babae naman ay binabalewala lang ang pinag-uusapan nila at pumapaypay lang dahil naiinitan.

"Tandaan mo.. magkapatid tayo hindi sa laman at dugo.. kundi sa puso.." udlot na saad ni Gemma "Magkano ba ang utang niya?" Seryosong saad na pagpapatuloy ni Gemma na saad para sa matandang babae.

"Hmm.. Sampung libo. Dapat bayaran mo ng buo.." seryosong biglang natuwang saad ng matabang babae. Kinuha ni Gemma mula sa bulsa niya ang kanyang pitaka at tinignan ang laman.. ngunit hindi man lang umabot ng limang libo ang laman ng pitaka niya dahil tatlong libo lang ang perang naiwan.

Natahimik bigla si Gemma matapos tignan ang laman ng pera at doon ay natawa ang matabang babae "Haha. Alam na sa mukha ang isasagot mo.. wala! Haha" tawang saad. "Ate.. nag iipon ako ng pera para mabayaran kita.. wag na natin ito paabutin sa husgado" pagsusumamo ni Ligaya at lumuhod.

"Hindi mo ako madadaan sa pagluhod mo.. walang kaibi kaibigan sa negosyo. Naghahanap buhay din ako at kailangan ko ang malaking halagang inutang mo" seryosong saad ng matandang babae.

"May iba pabang pag-pipilian? Sapat na ba ang serbisyo upang pambayad sa utang?" Taka at seryosong saad ni Gemma. Natawa nanaman ang matandang babae "Haha. Serbisyo?.. pwede rin.. pero ang kailangan ko ay matalino na trabahador na mahusay sa matematika.." udlot na saad.

"..Isang taong magiging kalkulator ko.. siapa yang bisa menghitung semua bintang di langit" tuwang saad ng matandang babae. "permisi. tapi apa yang kamu katakan sangat tidak mungkin" lumapit si Indah at takang nag saad.

"Kurutta. Haha" mahinang tawang saad ni Yami na tinutukoy ang matabang babae, mahinang natawa din si Cipta dahil magkatabi lang sila ni Yami. Nagkakaintindihan ang dalawa dahil marunong na sila umentindi sa wika ng isa't isa.

"Kapag may naiharap kayong ganung tao sa akin.. bayad na ang utang mo.. may kilala ba kayo..?" Huwad na tuwang saad ng matandang babae at pumapaypay parin na nagpapakita ng kaartihan.

Hindi alam ni Ligaya at Gemma ang sasabihin at ang isipan nila ay naguguluhan.. "Ako!.." sigaw ni Jeremy sa malayo at lumalapit papunta sa kinaroroonan nila Gemma at Ligaya. Nagulat nalang silang lahat sa ginawa ni Jeremy.

"Bakit gising kapa.. dapat nagpapahinga kana ngayon" mahinang saad ni Gemma kay Jeremy. "Nagtaka ako kung ano ang nangyayari dito.. kaya hindi ko napigilan na maki osyoso hehe" tuwang saad ni Jeremy.

Pinagmamasdan ng matabang babae ang itsura at pangangatawan ni Jeremy at kina mangha ang nakita.. si Gemma naman ay pinapaki usapan si Jeremy na pumasok "Bumalik kana sa silid mo.. dapat hindi ka niya makita" pagtataboy ni Gemma kay Jeremy.

"At bakit hindi?.. Dito pala nakatira sa inyo ang dayuhan.. hmm.." manghang saad ng matandang babae. Napatingin nalang si Jeremy sa matabang babae.. ".. ano nga pala ang sinasabi mo kanina eho?" Interisadong saad ng matabang babae.

"Tinatanggap ko ang alok mo.. nangsa ganun ay mabayaran na ang utang ni Ligaya" dalisay na tuwang saad ni Jeremy. "Hmm.. Patunayan mo na karapat dapat ka sa posisyon.. bukas ay haharap ka sa isang eksaminasyon ni Filsuf Gunadi" tuwang saad ng matandang babae.

"Dia adalah satu-satunya yang mengerti apa yang dia ajarkan.. karena dia sangat pintar" alalang saad ni Indah. "Sige. Kung yan ang yong nais. Pupunta ako" tuwang saad ni Jeremy. "Jeremy. Sasakit lang ulo mo diyan." Pag pigil ni Gemma.

"Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan" mapagkumbabang saad ni Jeremy. Natuwa ang matabang babae sa pinapakitang pagkusang loob ni Jeremy at may nabuo na siyang impresyon.

"Alas otso ng umaga.. pumunta ka sa bahay ni Filsuf Gunadi. Hehe" Seryosong tuwang saad ng matandang babae. Nagpaalam na sila sa isa't isa at bumaba na ang matabang babae sa balconahe nila at umalis na.

Si Gemma ay hindi sang-ayon sa ginawa ni Jeremy. Silang lahat ay pumasok na sa loob at sinara ang pintuan...

Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon