CHAPTER 6 4/4

2 0 3
                                        

CHAPTER 6 4/4: AFTERMATH

Natutulog na sina Yami, Ligaya, Indah at Cipta habang si Gemma at Jeremy ay gising pa at nagkakasiyahan sa sala. Ang teknolohiya ng Isla ay hindi ganun ka high-tech at mga sinaunang teknolohiya ang ginagamit nila.

Mga gasera lang na naka lambitin sa kisame ang nagsisilbing Ilaw ng bahay nila Gemma at ganun din sa iba pang bahay. Hindi ganun ka liwanag ang paligid at parang Ilaw ng kandila lang.

Nakita nalang ni Jeremy ang masayang ngiti ni Gemma habang minamasdan ang guhit niya. "Papayag kaba kung isasama kita sa pilipinas." tuwang saad ni Jeremy.

Tumingin naman si Gemma at hindi alam ang isasagot. Sasagot na sana si Gemma nang biglang may mahinag katok sa pintuan na kina tigil nalang nila at napatingin sa pinto.

Napatingin nalang si Jeremy at Gemma sa isa't isa at nagtataka. Nang tatayo na sana si Jeremy upang buksan ang pinto ay pinigilan siya ni Gemma.. hinawakan ang bisig ni Jeremy. Magsasalita na sana si Jeremy at naudlot dahil tinakpan ni Gemma ang kanyang bibig.

"Wag mo pagbuksan. Hindi siya nagsabi ng "tao po". Posibleng hindi siya tao" mahinang alalang saad ni Gemma at hindi na tinakpan ang kanyang bibig. Nagpatuloy parin ang mahinang katok sa pinto sa gabing payapa.

"Kaya tayo nag ta tao po dahil pinapaalam natin na tao tayo" seryosong saad ni Gemma na kinakaba bigla ni Jeremy. Walang masagot si Jeremy dahil natatakot siya. "Wag na nating pansinin at matulog na tayo" seryosong mahinang saad ni Gemma na parang bumulong ang tunog ng boses.

Hinablot ni Gemma ang kamay ni Jeremy. Sumunod nalang si Jeremy at pumaroon sila sa kanya kanyang silid. Nang pumasok na sila sa kanilang silid ay naglaho na ang mahinang katok at doon na sila nakatulog dahil sa antok.

Kina umagahan sa bayan ng mga Japanese, natapos na ang kaharasan at nagkaroon ng kalayaan mula sa mga mananabas. Sa isang templo ay nakalagay ang mga abo ng mga napaslang na samurai at kawal.

Sa loob ng paso inilagay ang mga abo nila na kagabi ay sinunog ang mga bangkay. Sinadya ito ni Daisuke upang parangalan ang kanilang kabayanihan at maging tanyag ang pagkakakilanlan nila sa lahat.

Maraming mga bumisita sa templo at dinasalan ang mga abo ng namayapa. May mga kawal ding naka banta upang masiguro na walang pangahas na sisira sa mga paso. Nag alay din ng mga bulaklak at ibang handog ang taong bayan.

[ Dale's Point of View ]

Ano ba itong basang dumadampi sa balat ko.. gumising nalang ako na nakagapos parin pero hindi na sa maduming kulungan kundi sa isang silid na maaliwalas. Ang basang dumadampi pala sakin ay tela na ginamit ng mga babae upang linisin ang katawan ko.

Bakit ganun nalang nila ako pagsilbihan.. nagbago ang pakikitungo nila sa akin. Kahapon lang ay halos mapatay na ako dahil sa insidenting nangyari. Wala naring tali ang bibig ko at mahigpit parin ang pagkakagapos sa kamay at paa ko.

Sa pintuan ay may pumasok na isang dalaga na parang ka edad ko lang at siguro nasa 20 na siya. Siya ay naka ngisi na lumalapit sa kinaroroonan ko at may dalang tray ng pagkain na may mangkok. Nang palapit na siya ay parang pamilyar ang mukha niya.

Patuloy parin na pinupunasan ng mga babae ang buong katawan ko maging sa paanan ko. Huminto ang babae na may dalang pagkain "iwan nyo muna kami at kalasan siya" Saad niya sa mga babae na parang isa siyang prinsesa at nakakataas sa kanila.

Tumigil ang mga babae na pinagsisilbihan ako at kinalasan nga ako sa pagkakagapos. Umalis na
silang lahat habang ako ay tinignan ang pulsuhan ko na namumula dahil sa higpit ng gapos. Parang umayos na ang pag daloy ng dugo sa mga ugat ko.

Nilapag ng babae ang tray ng pagkain sa isang maliit na lamesa at umupo siya sa sahig. Walang mga bantay sa paligid at kami lang dalawa sa silid. "Maupo ka" Saad ng babae sa akin at doon ay umupo na nga ako na kaharap siya.

Magsasalita na sana ako ngunit bigla nalang niya isininyas ang kamay niya na parang gumagawa ng Morse code at sinulyap ang mata sa likuran at humarap na sa akin. "Wag ka magkakamaling mangahas na gumawa ng masamg hakbang laban sa akin. Kung ayaw mong tadtarin ng bala." Tuwang seryosong saad niya sa akin at napalunok nalang ako dahil sa pagtakot.

Napatingin nalang ako sa paligid at wala naman akong nakitang kahit na ano. Sa likod ng nakaka akit niyang ngiti sa akin ay parang hinahatak ako sa kamatayan. Tinigil na niya ang pag senyas at binuksan ang takip ng mangkok at lumabas ang kumukulong usok na nalanghap ko.

Ang laman pala ng mangkok ay mainit at nakakatakam na sabaw na ramen. Meron ring makukulay na mochi sa isang plato. May chop stick at kubyertos ding kasama.

Pinigilan ko nalang ang sarili ko na hindi kunin ang chop stick at magsimulang kumain kahit na natatakam at nagugutom na ako. "Tabete tanoshimu" Saad niya sa akin. "Hai.itadakimasu" tuwang saad ko. Nasiyahan nalang ako at kinuha ang kutsara at kinutsara ang sabaw at hinigop. Naubo nalang ako dahil napaso ang dila ko sa init.

Natawa nalang siya sa akin "Kiwotsukero. Haha" tawang saad niya. "Sensya na. Sarap kasi" tawang saad ko pero hindi ko na intindihin ang sinabi niya at nag improvise nalang. Pinagmasdan lang niya ako kumain ng ramen.

Sobrang sarap ng sabaw at malambot ang karne ng baboy. Napaka sustansya dahil may kasamang itlog at gulay. Hindi ko namalayang pinagpawisan na pala ako kaka higop ng sabaw na pinunasan ko naman.

[ End of Dale's Point of View ]

Nasasarapan na humihigop at kumakain si Dale sa sabaw na ramen at karneng baboy at gulay na kasama. Hinigop na ni Dale ang natirang sabaw sa mangkok at nabusog. Kumuha din si Dale ng Mochi at kinain ito at nasarapan sa tamis. "Gochiso sama deshita.Arigatōgozaimashita" tuwang saad ni Dale.

Tuwang nagtaka nalang ang Yumi sa pinapakitang pag uugali ni Dale. Si Yumi ang nagdala ng makakain ni Dale imbes ang mga tagasilbi. "Salamat. Bakit mo nga pala ginagawa ito? Bakit mabait ka sa akin" takang saad ni Dale.

"Ginagawa ko lamang ito upang mapanatili ang kapayapaan at kalayaan. Kailangan buhay ka parin paglipas ng sampung taon. Parti lang ito ng kasunduan" seryosong saad ni Yumi. "Nagkakamali kayo. Hindi ako isa sa kanila. Hindi ako mananabas. Inosenti ako" seryosong saad ni Dale.

"Damare.baka!" Galit na saad ni Yumi at sumenyas ang kamay sa likod at pumasok ang mga kawal sa silid. Doon napagtanto ni Dale na si Yumi pala ang dilag na nakasalubong niya sa sakahan ng mais. Hindi niya namukhaan dahil gabi nang oras na yun at madilim.

Iba narin ang suot na kimono ni Yumi at iniba ang ayos ng buhok kaya hindi kaagad namukhaan ni Dale. Nang sumigaw na si Yumi ay doon na niya napagtanto lahat at ngayon ay nakiki usap na pakinggan siya.

Hindi na nakinig si Yumi at tumayo at kinuha ang tray ng pagkain. Doon ay kinaladkad na si Dale ng kawal papunta sa pader at ginapos ulit. Pumipiglas naman si Dale sa mga kawal at sumisigaw kay Yumi at sinasabi ang totoo.

Doon ay umalis na si Yumi sa silid at sinara na ang sliding door. Sinapok ng ilalim na dulo ng sibat ang tiyan ni Dale at napatigil siya sa pagsigaw at nasaktan. Umalis na ang mga kawal at iniwan si Dale na nag iisa. May namuong galit si Dale para sa mga Japanese.

END OF CHAPTER 6 AFTERMATH

Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon