CHAPTER 5 4/4: CAPTURED
Gumising si Zelda at sumikat na ang araw at kinain ang tirang tinapay at naubos niya. May nakita siyang mga sinampay na damit sa isang sulok at pumuslit siya upang kumuha. Iniwan niya ang kanyang damit sa lupa at nagbihis. Sa kanyang kasuutan ay hindi na siya paghihinalaan ng mga kawal.
Naka suot siya ng palda na abot sa tuhod at sando na tago ang buong balikat niya. Umalis na sya sa mga sampayan dahil baka makita siya ng may ari. Ang kasuotang nakuha niya ay napaka kumportable ng tela sa katawan niya.
Lumakad Siya at sumasabay sa paglalakad sa mga taong nagsisiksikan sa daan. Abala ang lahat sa pag tratrabaho. May mga kawal ding nagbabantay at nagroronda sa paligid.
Sa bayan ng mga Japanese ay sinasalakay sila ng mga mananabas at ang mga samurai ay nilalabanan sila. Nabahala si Yumi at kaagad sinuot ang robe habang si Hiro ay kinuha ang kanyang katana mula sa lalagyan na naka patong sa kodanzu.
"Himitsu no tsūro ni iki nasai.Anata wa soko de anzen ni narimasu" Saad ni Hiro at hawak ang mga bisig ni Yumi. "Hai. Soko ni ikimasu. Anata mo ikite anzen ni modotte kuruto watashi ni yakusoku shite kudasai" alalang saad ni Yumi at yumakap kay Hiro.
Doon ay lumabas na si Hiro at sinarado ang sliding door. Inilabas na niya sa lalagyan ang katana ay umatake sa mga mananabas. Marami ding mga kawal na tumulong makipaglaban at ang iba ay bumagsak at sugatan.
Dumadanak na ang dugo sa bayan ng Japanese dala ng biglaang pag atake ng mga mananabas. Dinala ni Yumi ang bakal na kalasag upang maging proteksyon sa kanyang sarili. Sinusubukan niyang pumuslit papunta sa isang secret passage.
Maging ang loob ng bahay nila ay pinasok ng mga mananabas at sinusuyod ang paligid na parang may hinahanap. Isang malaking bahay na iba't ibang silid at may tumitirang pamilya ang tinutuluyan ni Hiro at Yumi.
Patuloy parin ang panghihimasok ng mga mananabas sa bayan ng Japanese. Habang hinahanap niya ang isang silid ay nakasalubong siya ng tatlong mananabas at sinangga niya Ang kanilang pagtaga gamit ang kalasag.
At binangga niya nalang silang tatlo hanggang sa matumba. Tumakas at tumakbo na si Yumi at kaagad bumangon ang mananabas at hinabol siya hanggang sa maka rating na siya sa isang silid at sinarado ang sliding door.
Nasa labas ang mga mananabas at pilit binubuksan ang sliding door hanggang sa umabot na sa punto na tumagos na ang machete nila sa pader na kina atras ni Yumi.
Matagumpay na naka punta si Yumi sa lihim na daanan na sa sahig na tatami at natatakpan din tatami at binuksan niya at nakakita ng parang hagdan pababa.
Bumaba na siya at tinakpan ulit ng tatami ang daanan. Hanggang sa masira na ang sliding door sa dami ng pinsalang ginawa ng mananabas at pinabagsak nila. Inabutan nila ang isang bakanteng silid at wala na si Yumi.
Natahimik sila at naiinis na umalis sa silid at nagpatuloy sa paghihimasok sa ibang silid. Tinatahak ni Yumi ang daanan dala ang gaserang pina Ilaw niya. Marami nang napatay at sugatang samurai at mananabas sa labas.
Nabahala si Pinunong Daisuke, ang ama ni Yumi. Hindi sila maka labas ng kanyang tahanan dahil pilit nilang sinisira ang bakal na tarangkahan. At binabantayan siya ng mga samurai at kawal.
Habang sa labas ay pilit winawasak ng mananabas ang malaking tarangkahan. Gamit ang buong lakas nila ay tinulak, sinipa nila ang tarangkahan ngunit hindi ito nagkaroon ng pinsala.
May narinig nalang si Daisuke na parang katok sa sahig. "Pagbuksan siya!" Utos ni Daisuke sa kawal at kaagad pumaroon sa sahig na tatami at binuklat ang tatami. Lumapit si Daisuke sa mga tatami na bahagi ng bulwagan. Doon ay umakyat si Yumi dala ang gasera at pananggala.
Inalalayan ng mga kawal si Yumi maka akyat at yinakap ng nag aalalang ama. "Watashi no musume wa daijōbudesuka" Saad ni Daisuke. Doon ay sinarado na nila ang tatami na nagsisilbing pintuan ng lagusan.
"Hindi ama. Nakikipag laban ang asawa ko sa kanila. Pakiusap. Sana matigil na ang laban." Iyak na saad ni Yumi at sinandal ang noo sa dibdib ng ama. "Magiging maayos din ang lahat. Anak." Saad ni Daisuke at niyakap si Yumi.
"Kairo. dalhin siya sa ligtas na lugar" utos ni Daisuke. At sumama si Yumi kay Kairo papunta sa isang lagusan at nang maka pasok na silang dalawa ay sinarado na ng mga kawal ang lagusan.
Umalis si Daisuke sa bulwagan at nagdala ng punyal. Ang malaking tarangkahan ay nabuwal ng mga mananabas at nakapasok sa loob ng bulwagan. Nilabanan ng mga kawal at samurai ang nakapasok at umaatake na grupo ng mananabas.
Sa kabilang dako, Ang matalim na katana ni Hiro ay may bahid na ng sariwa at mapulang dugo. May naka sagupa nalang siyang mananabas na naiiba ang lakas at liksi at kanyang nilabanan ngunit pareho lang silang magaling.
"Ikaw ba ang mananabas na nagngangalang Hikban?" Seryosong saad ni Hiro habang minamatyagan ang pag kilos ni Hikban at hinahanda ang katana sa pag depensa "Oo. Kung hindi din ako nagkakamali.. Ikaw ay isang Yamazaki? Haha" tawang saad ni Hikban na humahanap ng tyempo na umatake.
"Anong alam mo?" Takang tanong ni Hiro. Humalakhak na parang nang iinsulto si Hikban. Nagalit si Hiro sa pinakitang masamang pag uugali ni Hikban at umatake. Doon ay naglaban sina Akihiro Yamazaki na galing sa angkan ng mahuhusay na Samurai at Hikban na kilala bilang tuso na mananabas.
Pumunta sa kulungan si Daisuke at kinuha si Dale at sapilitang pinasunod habang hawak ang leeg. Pumaroon si Daisuke kasama si Dale sa entamblado sa Bulwagan ng bayan. Sinakal ni Daisuke si Dale patalikod at tinutok ang talim ng punyal sa leeg.
"Magsitigil kayo! Kung hindi ay kikitilan ko siya ng hininga!" Sigaw ni Daisuke at tumigil ang mga mananabas at samurai sa pakikipaglaban gamit ang machete at katana. Nakita nalang ng mga mananabas si Dale na nasa panganib.
Napatigil nalang si Akihiro at Hikban sa pakikipaglaban dahil sa sigaw ni Daisuke. Lumaki nalang ang mga mata ng mga mananabas dahil nasa panganib ang inaakalang kapatid nila ngunit hindi pala dahil hindi isa sa kanila si Dale.
Naging tahimik ang paligid at napa tingin lahat kay Daisuke na hawak ang buhay ni Dale. Puno ng galit ang mga mata ni Daisuke habang si Dale ay natatakot at kinakabahan dahil kahit anong oras patay na siya kapag na hiwa ang leeg niya.
END OF CHAPTER 5 CAPTURED
BINABASA MO ANG
Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)
Mystery / Thriller1st installment of Dread Series. Group of teenagers sailed the sea and their destination is Japan, but a huge typhoon wreck their yatch and they get stranded in an unknown island. They need to survive to be alive... not knowing they conveyed in a bi...
![Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)](https://img.wattpad.com/cover/307705227-64-k898412.jpg)