CHAPTER 3 4/4

2 0 0
                                    

CHAPTER 3 4/4: SKIRMISH

Nagmadaling sumugod sina Dimarumba at Kalpa at ang mga kawal, pati na rin sina Gemma, Yami, Indah, Ligaya at Cipta papunta sa lawa. Ang sandata ng kawal ay sibat at itak.

Habang nilulunod si Jeremy ay naka kuha siya ng bato na lumubog at ginamit upang e pokpok sa ulo ng paulit ulit ng bruha. Nasaktan ang bruha sa natamong sakit sa ulo at naging maluwag ang pag sakal sa leeg ni Jeremy.

Doon ay pumiglas at nagawa niyang iwaksi ang kamay ng bruha at lumangoy papunta sa taas. Naka ahon ang ulo niya at nasa dibdib na niya ang lebel ng tubig. Huminga siya at nag ipon ng panibagong hangin.

Natanaw na nila Ligaya at ang iba pa, si Jeremy na umahon at nagmadali silang pumunta sa lawa. Ang bruha ay lumangoy papunta kay Jeremy at hinila siya at sinakal ulit sa ilalim ng tubig.

Nakita nalang nila na lumubog si Jeremy sa tubig at nakarating na sila sa tabing-lawa. Ang mga kawal ay nag hahanda sa pag atake. Ang mga babae ay nag aalala na at may naisip si Gemma na gawin para maligtas si Jeremy.

Hinaharang ng mga kawal ang tabing-lawa upang ma protektahan si Dimarumba at ang mga babae. Kinuha ni Gemma ang kanyang punyal at pumaroon sa mga kawal na humaharang at pinipilit maka lapit sa tubig.

Nagulat nalang si Ligaya,Yami,Indah at Cipta sa ikinikilos ni Ligaya. Hinawakan ni Ligaya si Gemma at pinigilan "Mapanganib. Wag mo ituloy ay binabalak mo. Pakiusap." Alalang saad ni Ligaya. "Magtiwala ka sa akin" seryosong saad ni  Gemma kay Ligaya.

Tinignan ni Ligaya si Dimarumba at tumango. "Mga kawal. Bigyan siya ng daan" utos ni Dimarumba at hindi na hinarang si Gemma. Lumapit si Gemma sa tubig at hinagis ang punyal sa lawa at lumubog.

Habang pumipiglas si Jeremy ay parang nawawalan na siya ng lakas at naka tingala. Tanging liwanag ang nakikita niya sa taas ng tubig at nang may nakita siyang patalim ay biglang napukaw ang lakas niya at inabot ang punyal.

Nang nakuha na niya ay itinarak niya sa taas na braso at hiniwa ng diretso hanggang sa mismong braso ng bruha. Kumalat at humalo ang dugo sa tubig at sumigaw dahil sa sugat at namilipit sa sakit.

Nakita nalang nila Gemma at ang iba na dumugo ang tubig. Naluha nalang si Gemma na nag aalala at umaasa. Nabalot sila ng katahimikan hanggang sa umahon si Jeremy at lumalangoy papunta sa kanila.

Ikinatuwa nilang lahat na naka ligtas si Jeremy. " Maghagis ng lubid" sigaw na utos ni Dimarumba. Naginhawaan at natuwa si Gemma at ang iba.  Naghagis sila ng mahaba na lubid sa lawa at inabot at hinawakan ng mahigpit ni Jeremy.

Ang lubid ay itinali sa matibay na puno upang masigurong hindi sila madadaig. Lumangoy si Jeremy at hawak hawak ang lubid. "Itali mo ang kamay mo sa lubid" sigaw ni Gemma at tumulong sa pag hila.

May naka bantay ding mga kawal at hinahanda ang sibat sa pag atake. Sinunod ni Jeremy ang sinabi ni Gemma at tinali ang kamay sa lubid at nagpatuloy sila sa pag hila sa kanya. Ngunit bigla nalang may humila sa paa ni Jeremy at nalunod nanaman siya.

Dahil sa nangyari ay mas linakasan at binilisan pa nila hanggang sa palapit ng palapit na Ang dulo ng lubid sa kanila. Doon tumanbad si Jeremy na walang malay at nagmadali ang mga kawal na kunin siya at ilayo sa tabing-lawa.

Sumunod naman si Gemma, Yami, Indah, Ligaya, at Cipta. Inihiga ng kawal si Jeremy sa lupa. Nag aalala at umiiyak si Gemma para kay Jeremy dahil may nararamdaman siya para sa lalaki. "Iligtas mo siya Ligaya" saad ni Gemma.

Isinagawa ni Ligaya ang Chest Compressions kay Jeremy at hinipan ang ilong upang magbigay ng hangin. Inulit ulit ito ng dalawang beses hanggang sa hinalikan na ni Ligaya si Jeremy sa labi at nagbigay ng hangin.

Hanggang sa napukaw si Jeremy at binuga ang tubig galing sa dibdib niya na dahilan ng pagkalunod niya. Ang mga kawal ay hinihintay ang bruha na umahon sa tubig hanggang sa lumangoy papunta sa mga kawal ang bruha.

Nilabanan ng mga kawal ang bruha gamit ang sibat at itak. Ngunit mabilis ito kumilos at bawat kalmot na pag atake ay sobrang talim ng mga kuko niya. Naging madugo ang tabing-lawa dahil sa laban.

Yinakap ni Gemma si Jeremy nang magising na..  Napa tayo at atras nalang si Jeremy nang makita sa harapan si Ligaya at natakot. "Bruha ka. Tinangka mo akong patayin" natatakot na saad ni Jeremy.

"Kumalma ka. Hayaan mo kaming magpaliwanag" Saad ni Indah na lumalapit kay Jeremy. "Ang Ligaya na kasama mo kanina ay huwad. At ang sinasabi mong bruha ngayon ang nagligtas sayo" Saad ni Gemma.

"Naiintindihan ko kung bakit ka nagkakaganyan. Dahil nagaya niya talaga ang buong wangis ko" seryosong saad ni Ligaya. "Maniwala ka sana." Saad ni Cipta. "Nagsasabi kami ng totoo" Saad ni Yami.

Doon ay naliwanagan si Jeremy at lumapit kay Ligaya "Patawad sa nasabi ko sayo Ligaya. Hindi ko sinasadya" nagsisisi at seryosong saad ni Jeremy. "Naiintindihan ko. Wala sa akin yun. Mabuti nalang at ligtas kana" naginhawang saad ni Ligaya at hinawakan ang pisngi ni Jeremy.

"Salamat dahil niligtas mo ako" tuwang saad ni Jeremy at hinawakan ang kamay ni Ligaya sa pisngi niya. Ngumisi si Ligaya at inalis ang kamay sa pisngi ni Jeremy. "Dahil ligtas kana. Umuwi na tayo." Saad ni Gemma at hawak ang braso ni Jeremy.

Nakita ni Jeremy ang mga kawal na nilalabanan Ang bruha at hinihila ni Gemma upang umuwi na. "Jeremy? Halikana" na iinip na saad ni Gemma. Nakatingin parin si Jeremy sa labanan sa tabing-lawa.

"Hayaan mo na silang gawin ang trabaho nila. Ang mahalaga ay ligtas kana. Wala ng ibang mahalaga." Tuwang saad ni Gemma at hinawakan ng mahigpit ang braso ni Jeremy.
Maririnig Ang mga sigaw ng nasasaktan na kawala habang nilalabanan ang bruha.

"Sige. Umuwi na tayo" Saad ni Jeremy at hinayaan lang si Gemma na humawak sa braso niya. Lumakad na sila pauwi ngunit hindi mabaling ni Jeremy ang nakita at hindi kuntento at Masaya.

END OF CHAPTER 3 SKIRMISH

Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon