CHAPTER 12 4/4

2 0 0
                                        

CHAPTER 12 4/4: KNAVERY

[ Jeremy's Point of View ]

Grabe pala ang sinapit ni Indah at Cipta noon.. ginahasa si Cipta ng tiyuhin nila pero napatay din ni Indah. Naipaghiganti din ni Indah si Cipta.
"Atin atin lang yun ha.. delikado ang buhay nila pag umabot ito sa bayan ng mga Indonesian" alalang saad ni Gemma.

Wanted pala si Indah at Cipta doon.. hindi naman ako ganun ka tanga para ipagkalat yun. Hindi ako kahit kailan naging traydor at hindi ko gagawin yun. "Ang sekreto ay sekreto lamang.. Iingatan ko ang sekreto upang maging ligtas sila" Saad ko kay Gemma.

"Kumain na tayo.." pagtawag sa amin ni Yami na tapos na sa pag luto. "Hali kana" tuwang pang aaya ni Gemma at hinablot ang kamay ko at Sumunod naman ako sa kanya. Lumabas narin si Cipta kasama si Indah at mukhang maayos na ang pakiramdam niya.

Nasa silid kainan na kami at inusog ko ang upuan nila upang maka upo na sila Gemma, Cipta at Indah. Umupo na sila at doon kuna inusog palapit sa lamesa at umupo na rin ako. May bagong putaheng niluto sila Yami at Ligaya.

Doon ay nagdasal muna kami at kumain na pagkatapos. Bumalik na ang masayahing alindog ni Cipta.

[ End of Jeremy's Point of View ]

Gumising si Dale na nakahiga sa kahoy na higaan at bumangon na sumasakit ang ulo, nagtaka na lamang kung anong lugar ang napuntahan niya. Inaalala niya kung ano ang nangyari kahapon at nasiyahan siya.

"oha you gozai masu!.. mabuti't gising kana" tuwang saad ng babae na nasa pintuan at napalingon na lamang si Dale sa kanya. "Sino ka? Anong lugar ito?" Takang tanong ni Dale at minumuni-muni ang paningin sa paligid.

Pala ngiti lang ang dalaga at naka suot ng makulay na kimono at bisig ay nakahalukipkip. Ngumisi lamang ang dalaga at nag saad "Sumunod ka sakin" at humahakbang papalayo at sumunod naman si Dale na puno ng pagdududa at pagtataka.

[ Dale's Point of View ]

Sinusundan ko ngayon ang babae at wala akong ideya kung saan niya ako dadalhin, naglalakad kami sa pasilyo ng palapag na kung susumahin ay malawak at maraming pasikot sikot. Sa mga bintana na nadadaanan namin ay mga punong kahoy lang ang nakikita ko sa labas.

Ito siguro ang palapag na natagpuan ko kagabi nung tumakas ako.. sa wakas malaya na akong nakakalakad lakad. Naka laya na ako mula sa kasunduan ni Daisuke at mga Mananabas. Pero hindi ibig sabihin nun ay okay na lahat.

Gusto ko makita na inaatake ng mga Mananabas ang bayan nila. Ang laki ng kasalanan nila sa akin.. dapat nilang pagbayaran yun. "Andito na tayo.." Saad ng babae at hindi ko na namalayan dahil parang nawala ako sa sarili.

Ini-slide niya ang sliding door at bumungad sa akin ang liwanag ng araw na nanggagaling sa labas. "Nais kang maka usap ni masuta.. lumapit ka sa kanya" Saad niya sa akin.

Ang tinutukoy niya sigurong tao ay yung naka meditate na natatanaw ko sa malayo. Lumabas na ako at sinara na niya ang pintuan. Nais ko malaman kung bakit ako napadpad dito..   lalapitan ko na siya..

[ End of Dale's Point of View ]

Kasalukuyang nagdagsaan ang mga tao sa bulwagan ng bayan ng Tribo Mantul, Ang mga hanay ng samurai at kawal mula sa bayan ng Japanese ay dumayo. Palihim na Inanunsyo ni Saturo ang malaking suliranin sa kanilang bayan kay Dimarumba at nagpulong sila.

Si Daisuke ay sinugo si Yamato sa Timog Kanluran at Tetsuo sa Kanluran upang hanapin si Dale sa mga bayan. Namomroblema na si Daisuke sa pagtakas ni Dale Mula sa kanyang bayan at nais na madakip ulit.

Pinatawag ni Dimarumba sina Jeremy at Gemma dahil sila ang isusugo niya sa suliraning hinaharap ng mga hapon. Sumang-ayon ang dalawa at nagsimula na mag impake ng mga dadalhing gamit sa paglalakbay.

Ginaganap ngayon ang kalakalan ng Japanese at mamamayan ng Tribo Mantul. Mga pananim at mga alagang hayop ang e ta-trade ng mga hapon sa Tribo Mantul at nais ni Daisuke ng isang daang mandirigma at dalawang tao na may espesyal na kakayahan.

Nagpaalam na sina Jeremy at Gemma kina Ligaya,Yami, Zelda,Indah at Cipta. Pagkatapos nun ay umalis na sila kasama ang Japanese at iiwan na ang bayan ng Tribo Mantul para sa misyon na ini-atas sa kanila ni Dimarumba.

Dahil hindi pwede maka sama si Zelda sa paglalakbay ay pumuslit na lamang siya sa mga karwahe upang magtago. Makalipas ang mahabang oras ng paglalakbay ay naka rating na sila sa bayan ng Japanese na ligtas.

Nakasakay si Jeremy at Gemma sa karwahe na pinapatakbo ng kabayo. Namangha sila sa ganda ng bayan ng mga hapon, makikita ang malaking tore at mga templo.. may mga kawal din na sinasalubong sila sa kanilang pagdating.

Sa pinagtataguan ni Zelda ay pinunit niya ng maliit ang tela na bumalot sa karwahe gamit ang kunai shuriken niya. Ang karwahe kung san siya nagtatago ay may mga binigkis na dayami at mga prutas at gulay.

Sa pinunit ni Zelda ay sumilip siya at nakita ang bayan ng mga Japanese at talagang namangha din siya dahil napaka sinauna nang arkitektura ng bayan ng mga Japanese. Sa malayo ay may nakamasid na mananabas.

Dahil nga may isang salita ang mga Mananabas ay sinunod nila ang kasunduan at pinabayaan na lamang ang mga Japanese. Noon tuwing may ginaganap na kalakalan ang mga hapon ay umaatake sila upang nakawin ang mga nakuha nila mula sa ibang bayan.

Nakapasok na lahat sa bulwagan ng bayan ng Japanese at sinara ang tarangkahan. "Ngayon lang ako naka punta dito.. Totoo ang sinabi ni Yami.. talaga nga'ng sobrang ganda" tuwang saad ni Gemma. "Ako din naman.. parang nasa Field trip ako sa unang panahon" tuwang saad din ni Jeremy.

Bumaba na si Zelda sa pinagtataguan at humalo sa mga nagdadagsaang mga hapon. Kailangan niya lamang masundan at mabantayan sila Jeremy at Gemma. Lumalakad na ang isang daang mandirigma mula sa Tribo Mantul kasama sina Jeremy at Gemma papunta sa bayan ni Daisuke.

Mainit na pagsalubong at pagbati ang pinakita ng mga hapon sa kanilang pagdating. Nagpahanda din si Daisuke ng isang magarbong hapunan para sa mga bisita.

[ Dale's Point of View ]

Papalapit na ako sa kanya at nag me-meditate siya.. Napaka aliwalas ng hardin at walang makikitang mga plastic at cellophane sa mga lupa. Parang lugar na makikita sa internet na naka photoshop.. sobrang tahimik lang at masarap sa mata.

Habang naghihintay ako na matapos siya ay uupo nalang muna ako sa sahig. Puti na ang buhok at matanda na pala ang masuta na sinabi ng babae kanina.. para siyang monghe. Mga kawayan lamang ang nakikita ko sa malayo at ang mataas na pader na nakapalibot sa lugar.

Dito sa labas ay makikita na sobrang laki ng palapag na parang renovated na templo.. may mga lumot na at mga ugat ng puno ang bumabalot sa mga pader at statwa.

Ngayon ay kailangan ko nalang hintayin matapos mag meditate si Tatang monghe.. pero parang matatagalan pa...

END OF CHAPTER 12 KNAVERY

Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon