CHAPTER 5 2/4: CAPTURED
Nakatagpo ni Dale ang isang dilag na japanese na may hawak na lampara at pareho din nilang sinusuyod ang sakahan ng mais. Nagulat at napasigaw nalang ang dilag at pina palo si Dale at parang humihingi ng tulong.
Ang naaninag palang liwanag ni Dale na sa likod ng kumpol kumpol na mais ay mula sa lampara ng dilag. "kare wo tukamaeru." sigaw ng dilag sa mga dumating na kawal at doon na dinakip at sinunggaban si Dale.
Pinatigil ng isang kawal ang dilag sa pag palo at kinuha ang dalang kahoy at hinagis. Nanlaban si Dale at pilit pumipiglas sa paghawak sa kanya. Kinarate Chop ng isang kawal ang batok ni Dale at doon na nawalan siya ng malay.
Sumunod ang dilag sa mga kawal papunta sa kanilang bayan na hindi kalayuan. Isang bayan na hapon ang nakatira at ang mga bahay ay japanese architecture. Natatakpan ang bayan nila ng mga matangkad na mais na kanilang pagmamay ari.
Kinulong si Dale na walang malay at naka gapos sa bilibid ng bayan. Yari sa bakal ang rehas at ang pader ay simentado kaya hindi basta basta makaka takas kahit sino man. Maraming ding mga naka kulong na masamang tao doon.
Kasalukuyang pinapagalitan ng Pinuno ng bayan ang kanyang anak na nakasalubong ni Dale kanina lang. "Bakit nasa labas kapa sa ganitong oras?" Alalang galit na saad ng ama. "Hindi po ako maka tulog" Saad ni dalaga.
"Kahit na. Hindi na ligtas pag gabi. Mabuti nalang at nahanap ka ng mga kawal.. kung hindi baka napahamak kana" alalang galit na saad ng Pinuno. "Hindi naman po ako lumayo. Huhuli lang sana ako ng tutubi." Saad ng anak.
"Ang kinakagalit ko ay naka sagupa ka ng entremetido.. na isang mananabas.. alam mo naman siguro na mapanganib sila diba?." Galit na saad ng ama. "Pero ama.." sambit ng anak at tumayo sa pagkakaupo sa sahig.
"Tama na! Bumalik kana sa bahay mo at matulog kana.. Kairo! Ihatid mo siya." Saad sa kanyang anak at nag utos sa kanyang kanang kamay. Nagdadabog na pumaroon sa kanyang bahay ang anak at may sama ng loob sa ama.
Umalis na si Kairo at bumalik sa Tahanan ng Pinuno. Pumunta na ang dalaga sa isang silid kung saan mahimbing na natutulog ang kanyang asawa at tumabi siya.
"Nani ga warui no watashi no ai" Saad ng nagising niyang asawa dahil sa pagtabi niya. "Nashi. Nemurimashou " saad ng dalaga at mahigpit na niyakap ang asawa na dimadama ang init ng katawan.
Ngumisi ang lalaking asawa at binalot ng kumot at niyakap ang dalaga na natawa at pilit umaalis sa kumot. Lumabas sa kumot ang ulo ng dalaga na tumatawa at natutuwa. Nagkakasiyahan sila sa kama.
Nagkatitigan nalang sila at dahan-dahang lumalapit ang kanilang mukha at hinalikan ang isa't isa. Malulutong na tunog ang nalilikha ng kanilang labi na dumadampi dampi. Kaibig-ibig silang panoorin dahil pikit matang naghahalikan.
Hinahaplos haplos ng lalaki ang buhok ng dalaga. Hawak ng dalaga ang leeg ni lalaki at nilalapit pa ang mukha. Dahan-dahan din nilang pinapawi ang labi na naka halik sa isa't isa at dahan-dahan binuksan ang mata at tumitig sa isa't isa habang noo ay magkadikit at naka ngisi Ang labi.
Hinawakan ng lalaki ang gilid ng kumot at binalot ang asawa at ganun din siya. Sa loob ay pinagpatuloy nila ang kanilang pagmamahalan at nagsimulang uminit ang paligid.
[ Ligaya's Point of View ]
Sino kaya yung babaeng binangga ako kanina. Siya kaya ang hinahabol ng mga kawal. Madilim ang paligid nang oras na yun at naka balatkayo siya. Kasalukuyang kinukwento ko sa mga kapatid ko ang nangyari.
[ Start of Ligaya's Flashback ]
Nasa shop ako at binalita sa akin ng may ari na may bumili ng ginawa kong dress at ngayon ay kukunin ko ang perang kinita. "Narito ang kinita mong tatlong libo(3,000) at babawasan ko ng apat na daan(400) bilang bayad sa pag benta ng gawa mo" Saad ng matandang babaeng may ari at binibilang at kinikwenta ang pera sa kamay.
"Ngayon magiging dalawang libo at anim na daan(2,600) na lahat." Saad niya sa akin at binigay ang perang nilagay sa sobre. "Maraming salamat po" tuwang nagbigay galang na saad ko sa kanya at nilagay na ang sobre sa bulsa.
Nagpapasalamat ako sa taong bumili ng dress na pinaghirapan ko. Sana ay maging masaya siya sa ngayon na nasa kanya na ang dress. Aalis na ako ng bigla ako kinalbit ng isang tindera sa shop.
"Alam mo ba? May dumayo dito na taga ibang bayan at isa ang dress mo sa binili nila" tuwang saad niya sa akin at habang sinasara ang mga bintana. "Ahh." Tuwang tumango ako. "Mauna na po ako" pagpapaalam ko sa kanila.
Umalis na ako sa shop na sinarado na ang pintuan at pupunta ako sa merkado upang bumili ng sushi na bilin sakin ni Yami at yan na siguro ang magiging hapunan namin.
Habang papunta palang ako at naglalakad sa daan ay binangga ako ng babae na parang may tinatakbuhan. Hindi ko nalang siya pinansin at hinayaan nalang. May nakita akong mga kawal na papunta sa kinaroroonan ko.
Nagtago ako agad sa likod ng haligi upang hindi na madamay. Nang naka layo at naglaho ay hindi na ako nagtago. Nakita ko nalang sa basurahan na may matang naka sumisilip at kaagad lumabas ang nasa loob nang lumalapit na ako.
Ang bumangga pala sa akin kanina ang nagtatago sa basurahan at ngayon ko lang napansin na may hawak siyang malaking tinapay. Ang kanang braso niya ay may benda.
Umaatras siya nang makita ako "Teka. Wag ka tumakbo" sigaw ko sa kanya pero kumaripas na siya ng takbo hanggang sa naglaho na siya. Sa hugis ng katawan niya, masasabi kong isa siyang babae kahit naka balatkayo sya.
[ End of Ligaya's Flashback ]
Nakikinig sina Gemma, Yami, Indah, Cipta at Jeremy sa kinikwento ko habang kumakain at inulam ang sushi sa mainit na kanin. Sarap na sarap si Yami dahil paborito niya ito. Seryoso silang nakikinig sa akin.
"Siguro ninakaw niya ang tinapay kaya hinahabol siya ng mga kawal" Saad ni Jeremy na habang ngumunguya. "Lahat ay may dahilan. Siguro napilitan lang siya. Dala ng pangangailangan" Saad ni Cipta.
"Kung makita mo siya ulit. Sabihan mo na bukas lagi ang bahay natin para sa kanya" Saad ni Gemma. "Pero pano naman kung.. pagnakawan niya tayo" Saad ni Yami. "May bago tayong kasama. Masaya. Hehe" Saad ni Indah.
Nagpatuloy pa silang nag usap tungkol sa bagay na yan habang kumakain. Habang nag uusap sila ay naka tingin si Jeremy kay Gemma at humahanga sa pinapakitang pagmamalasakit.
Nang tumingin din si Gemma kay Jeremy ay ibinalin ni Jeremy ang tingin sa pagkain at napangisi nalang si Gemma.
BINABASA MO ANG
Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)
Mystère / Thriller1st installment of Dread Series. Group of teenagers sailed the sea and their destination is Japan, but a huge typhoon wreck their yatch and they get stranded in an unknown island. They need to survive to be alive... not knowing they conveyed in a bi...