CHAPTER 6 1/4: AFTERMATH
[ Zelda's Point of View ]
Kailangan ko maka hanap ng mapagkikitaan para mabayaran ang ninakawan kong panaderya at upang makabili rin ng makakain at pangangailangan. Hindi dapat ako makipag usap sa mga hindi kakilala.
Dahil hindi sila mapagkakatiwalaan.. sana ay nandito din sa bayan nila sina Jeremy at ang iba pa naming kaibigan. Pag nakita ko talaga si Jeremy ay hindi ako magdadalawang isip na lumapit at sumama sa kanya.
Tumitingin ako sa mga paligid ko kung may nangangailangan ba ng trabahador. Nasa bulwagan na siguro ako ng bayan nila kung saan may mga palapag na gawa sa semento. Pumaroon ako sa fountain na may dumadaloy na malinis at malinaw na tubig.
Ang fountain ay malapad at nasa sentro ng bulwagan. Lumapit ako doon at uminom ng tubig at lasang mineral water. Napawi ang aking pagka uhaw at nasiyahan. May natanaw nalang ako na isang shop ng mga damit.
Pumunta ako doon at sinubukang mag apply ng trabaho. Ini interview ako ng isang matanda parang nasa late late 60s na dahil naka suot siya ng salamin. Nalaman ko na Pinoy pala siya at ang mga tindera din.
Marami ring bumibili at dumadayo sa shop nila. "Sabihin mo. Ano ang kaya mong gawin." Tuwang saad niya sa akin at umupo ako. "Kahit ano po. Sanay ako sa gawaing bahay. Pwede akong mag silbi sa inyo" naka ngisi at tuwang saad ko sa kanya.
"Hindi ko kailangan ng kasambahay. Kaya ko ang sarili ko. Makaka alis kana. Salamat" seryosong saad niya sa akin. May nakita nalang akong tindera na nahihirapan at nabibigatan sa pag bubuhat ng kahon.
Pumaroon ako sa tinderang iyon at binuhat ang kahon na magaan lang sa akin "Saan po ito dadalhin?" Pambungad ko sa matanda at nagulat nalang siya dahil nagawa kong ilapag sa balikat ko ang kahon na diko alam ang laman.
May inabot siyang piraso ng papel na may address at pangalan na Japanese characters at may romanized translation din. "Ihatid mo ito sa bahay niya at kunin ang bayad" manghang saad niya sa akin.
Doon ay nagpaalam na ako sa kanila at pupunta sa address na naka lagay sa papel. Sobrang lawak pala ng bayan nila.. makalipas ang ilang oras ng paglalakad at paghahanap kung nasaan ang bahay ni Chiko.
Lumapit na ako sa bahay at naka tayo ako sa harapan ng pintuan. Kakatok na sana ako pero bumukas nalang at bumungad ang isang dalagang naka ngisi sa akin. Siya na siguro si Chiko dahil mukha talaga siyang Japanese.
"Ikaw ba si Chiko? Heto na ang pinadala sayo" tuwang saad ko sa kanya. Magkasing tangkad lang kami at napaka cute niya sa malapitan.
"Hai.Arigatōgozaimashita" tuwang saad niya sa akin at tumungo at inabot sa akin ang pera."Arigato din hehe" tuwang saad ko at natuwa dahil parang nasa Japan lang pala ako. Tinanggap ko ang pera at tumungo din. Lumapit ang isang lalaki mula sa loob at siya siguro ang tatay ni Chiko.
"Arigatōgozaimashita" tuwang pag bungad ng lalaki sa akin at tumungo. "Arigato gozaimas hehe" tuwang saad ko at tumungo din. Doon ay pinasok na ng lalaki ang kahon sa loob. "Sayonara" pagpapaalam ko sa kanila at ganun din sila na nagpaalam.
Dala kuna ang pera nasa loob ng sobre at bumalik na ako sa shop at bumungad sa matanda at binigay ang pera sa kanya. Binilang niya ang bigkis na pera at nilagay sa ilalim ng lamesa niya na parang drawer.
Ako ay naka tayo sa kanyang harapan at hinihintay ang kanyang sasabihin "Tanggap kana. Maari kana magsimula ngayon at pwede rin bukas. Depende sayo" tuwang saad niya sa akin na parang naginhawaan.
Natuwa at nabalot nalang ng ligaya ang damdamin ko sa sinabi niya sa akin "Maraming salamat po. Magsisimula na ako ngayon" labis na natutuwang saad ko sa kanya. Sa wakas ay may trabaho na din ako at mag hahatid nanaman ako ng panibagong package.
[ End of Zelda's Point of View ]
Ang mananabas na si Nabau ang naka kita sa bandana na tinapon ni Dale. Siya din ang nagbigay ng bandana kay Dale na sinasabi niya na amoy bayag. Nang nakita niya yun ay ipinagbigay alam niya ito sa kanyang mga kapatid.
Mga kakilala niya lamang na mananabas ang sinabihan niya at hindi na pinaalam sa buong pamilya ng mananabas. Sa gabi ay naghanda sila sa paglalakbay papunta sa bayan ng mga Japanese.
Nang napulot ni Nabau ang bandana ay malapit lang sa bayan ng mga Japanese kaya naisip niya na baka dinakip nila si Dale at ikinulong. Pagputok ng araw ay pumuslit at nagmasid sila sa sakahan ng mais. Ang plano nila ay hanapin kung saan ikinulong si Dale at iligtas siya.
Pumuslit at nagtago sila sa loob ng kumpol kumpol na mais at tinahak ang daan upang hindi sila makita ng mga kawal na nag babantay. Hanggang sa natanaw na nila ang labasan papunta sa bulwagan ng bayan.
Lumabas na silang lahat at inatake ang mga kawal. Nang nangyayari ang kaguluhan ay sinarado ng mga tao ang kanilang sliding door at bintana. Nag handa din ng sandata kung sakaling mapasok sila ng mananabas.
Dumanak na Ang dugo sa bayan ng hapon nang sumalakay ang mga mananabas. Pumuslit si Nabau sa loob ng mga bahay at hinahanap ang kulungan ngunit mga inosenteng tao lang ang nandoon na natatakot sa kanila.
Hindi naman talaga ganun ka sama ang mananabas dahil nagpapakita din sila ng awa. Si Hikban ay kaibigan din ni Nabau at ngayon ay nilalabanan ang mga kawal na hapon na hindi nauubos.
Doon na lumabas ang mga samurai at nilabanan ang mga mananabas kasama na si Akihiro na asawa ni Yumi. Ang paligid ay mga sigaw at hiyaw ang maririnig sa labanan. Mga machete at katana na sumasangga.
Nakita narin sa wakas ni Nabau ang kulungan at nilabanan ang naka bantay na mga kawal hanggang sa naka pasok siya..
BINABASA MO ANG
Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)
Mystery / Thriller1st installment of Dread Series. Group of teenagers sailed the sea and their destination is Japan, but a huge typhoon wreck their yatch and they get stranded in an unknown island. They need to survive to be alive... not knowing they conveyed in a bi...