CHAPTER 4 4/4: GRATITUDE
[ Dale's Point of View ]
Tanging prutas lang ang kinakain ko pero hindi parin ito sapat pampa bigat sa tiyan. Sa mga ilog ako umiinom ng tubig. Sapat na bilang pamawi ng pagka uhaw at hindi ma-dehydrate.
Kung saan saan nalang ako natutulog at wala parin akong mahanap na bayan o kahit grupo manlang ng mga tao. Napaka lawak ng gubat ng isla. Habang naglalakad ako ay may nakita ako at napa tago nalang sa palumpong.
[ End of Dale's Point of View ]
Nasa tabing-talon si Gemma at pinagmamasdan ang pag-agos at pagbagsak ng tubig sa talon. Maririnig din ang magbubulong na tunog na nagbibigay-kasiyahan. Masarap sa pandinig na parang makakalimot sa problemang iniisip.
Kapag may iniisip si Gemma ay pumupunta siya sa talon upang magkaroon ng kaginhawaan. Lumalapit si Ligaya sa naka talikod na si Gemma. "Sabi kuna eh. Dito ka makikita" tuwang saad ni Ligaya at tinabihan si Gemma.
"Kilala kita. Alam kong may sasabihin ka sa akin. Anu yun?" Takang tanong ni Gemma. "Pag usapan natin ang Puso mo? Sino ba ang nagpapatibok diyan? Hehe" birong saad ni Ligaya. "A-ah. Anong ibig mong sabihin?." Nagpapakaila na saad ni Gemma.
"Sus. Kunware kapa. Halata naman na may pagtingin ka para sa kanya. Aminin muna" Saad ni Ligaya. "Sino ba yang sinasabi mo?" Pagkaila ni Gemma. "Sino paba. Kundi si Jeremy. Ang bumihag sa puso mo" Saad ni Ligaya.
"Haha. Ano ba yang pinagsasabi mo. Baka Ikaw. May gusto ka sa kanya" tawang saad ni Gemma. "Oo. Pero humahanga lang ako sa kanya. Hanggang doon lang. Dahil nasa kanya ang katangian ng maasahang lalaki" tuwang saad ni Ligaya.
Hindi na sumagot si Gemma at binalin ang tingin sa talon. "Matagal na tayong magkasama. At tinuturing kitang ate kuna. Tumatanda kana.." naudot na saad nang sumapaw si Gemma "Grabe naman sa matanda" Saad ni Gemma.
Pagpapatuloy ni Ligaya "Ang ibig kong sabihin nasa tamang edad kana. Oras na siguro para umibig ka. At si Jeremy ang tamang lalaki para sayo" seryosong saad ni Ligaya at hawak ang kamay ni Gemma.
"Ganun ba. San moba natutunan yan ah? Haha" tawang saad ni Gemma at tinutudyu si Ligaya. Binabad ni Gemma ang kamay at winisikan ang mukha ni Ligaya. Gumanti nalang si Ligaya at naglaro sila ng tubig na nag aasaran.
[ Dale's Point of View ]
Habang naglalakad ako ay may nakita ako at napa tago nalang sa palumpong dahil nakita ko ang malaking halimaw na humabol sa amin kamakailan lang. Nilalabanan ito ng mga tao na ang sandata ay pareho sa dala ko.
Napansin kung parehong naka bandana ang bangkay na nakita ko at mga taong nakikita ko ngayon. Posible kayang kasama din nila yun. Ka gulat-gulat ang kanilang mga pag atake dahil nasusugatan nila ang Halimaw.
Magaling sila umilag sa tuwing aatake ang Halimaw gamit ang kamao nito. May mga pagkakataon ding tumitilapon Ang ibang kasama nila at nasusuntok ang iba at napapabagsak.
Dumadanak at pumapatak sa lupa ang dugo mula sa sugat ng halimaw na pinagtulongang tagain ng bawat isa sa kanila. Nanghihina na ang Halimaw dahil sa maraming dugo na nawala. May isang umakyat sa likuran ng Halimaw at itinarak ang talim sa ulo ng halimaw.
Nahihirapan nang maka tayo ang Halimaw at tuluyan nang bumagsak. Nagwagi sila na ikinatuwa ko dahil napaka astig nila makipag laban. Sumigaw sila na nagpapakita ng kaligayahan na hanggang sa kinaroroonan ko ay umabot.
Napa sabi nalang ako ng aray dahil sa mga langgam na kinakagat at paa ko at napa tayo ako. Inalis ko ang mga langgam na parang karayom na tumutusok sa paa ko. Hindi ko namalayang hindi na pala ako naka tago sa palumpong.
Natigilan sila at napa tingin sa akin at ako ay kinabahan din. Nang tatakas na ako palayo ay bigla akong hinarang ng mga isa sa kanila hanggang sa pinalibutan nila ako at tinignan. Naka suot sila lahat ng bandana.
"Ayos ka lang ba kapatid? Bakit hindi ka naka bandana?" Takang tanong ng isa sa kanila na lumapit sa akin. kailangan ko lakasan ang loob at sumabay sa kanila. "Oo naman kapatid. Ang bandana ko ay hindi pa natutuyo at binibilad pa sa araw" kinakabahang saad ko.
"Ah. Hiramin mo muna ito." Saad niya. May kinuha siya sa bulsa na bandana at inihagis sa akin at kaagad ko naman sinalo. Doon ay sinuot ko ang bandana pero bakit ganun. Amoy zonrox. Kailangan ko nalang tiisin at magpanggap na isa sa kanila.
"Lumakad na tayo mga kapatid" Saad niya at sumigaw ang lahat at sumigaw din ako. Nagsimula na silang maglakad at susunod nalang sa kanila kung saan man sila mag punta. Hindi ko tiyak kung mabuti o masama sila.
Napadpad ako sa kampo nila at marami pala sila. May naka handang pagkain sa hapag at ang iba ay nag iihaw ng Karne ng baboy. May nakita din akong nagsasanay sa pakikipag laban gamit ang espada. Umupo ako sa isang bato at nag oobserba sa paligid.
Ang lahat nakasama ko kanina ay kumain at inabutan nalang ako ng stick ng barbeque ng lalaking nagbigay sakin ng bandana.. na amoy bayag. Dahil kakain ako ay mahuhubad kuna rin sa wakas ang mabahong bandana.
"Ikaw lang ang mananabas na ngayon ko lang nakita. Kapatid" Saad ng lalaking katabi ko at kumagat ng inihaw na atay na naka tuhog sa stick. Mananabas.. yan siguro ang tawag sa kanila.. ano ba ang dapat kong isagot.
Ang iba ay nag iinuman ng alak at ang katabi ko pala ay nabubuay na. Siya ay nag kwento lang ng nag kwento ng kahit ano at nakikinig nalang. Hindi nalang ako sasagot at hahayaan nalang siya.
"Nawalan ulit tayo ng mga kapatid. Hindi ko manlang sila napagtanggol." Nabubuay na saad niya sa akin at lumaklak ng alak. Ang tinutukoy niya siguro ay ang mga bangkay na nakita ko.
"Pupugutan ko ng ulo ang pumatay sa kanila. Sinusumpa ko. Ituturing ko siyang hayop at hindi tao.. hindi ako magpapakita ng awa" galit na nanghihina saad dahil nabubuay na siya sa alak.
Bigla nalang ako kinabahan sa naging banta niya sa pumatay sa mga kasama niya. Hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay at inalalayan kong humiga.
Doon narin ako pumuslit sa mga palumpong at tumakbo papalayo sa kampo nila. Mabuti nalang at nakatakas ako dahil kung hindi baka malaman nila na hindi ako isa sa kanila.
Sa bahagi na tinatahak ko ay nadaanan ko ang mga libingan at may lupang mukhang linibingan ng bagong bangkay. Tumakbo pa ako ng tumakbo at nang naka layo na ako ay hinubad kuna ang bandana na amoy bayag.
END OF CHAPTER 4 GRATITUDE
BINABASA MO ANG
Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)
Mystery / Thriller1st installment of Dread Series. Group of teenagers sailed the sea and their destination is Japan, but a huge typhoon wreck their yatch and they get stranded in an unknown island. They need to survive to be alive... not knowing they conveyed in a bi...
![Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)](https://img.wattpad.com/cover/307705227-64-k898412.jpg)