CHAPTER 4 3/4

2 0 0
                                    

CHAPTER 4 3/4: GRATITUDE

Naka uwi na sina Gemma at Jeremy sa bahay at kakatapos lang mag hapunan. Lumapit si Jeremy kay Gemma na nasa balconahe na naka tingala sa langit. Habang abala Ang iba sa pag ligpit at linis ng pinagkainan.

Tumabi si Jeremy kay Gemma at parehong nilapag ang kamay sa barandilya. "Hi?" Tuwang saad ni Jeremy kay Gemma. "Hayy? Anong salita yan?" Takang tanong Gemma. "Hi. salitang ginagamit upang bumati. Wikang english" paliwanag ni Jeremy.

Naging interesado si Gemma at natuwa "Ganun ba. Siguro alam din yan.." inudlot na saad ni Gemma at binulong nalang ang kasunod "ni Kalpa". Nagtaka si Jeremy "Bakit mo binulong?" mahinang saad.

"E kwento ko sayo sa susunod" mahinang bulong ni Gemma. "Sige sige" tuwang mahinang saad ni Jeremy. Tumawa din sila ng mahina at nagkaka intindihin ang kanilang nararamdaman.
"Hmm. Ano naman ang isasagot ko sa Hi" tuwang tanong ni Gemma.

"Hello" tuwang saad ni Jeremy na naka ngisi. Nagkakatitigan sila at biglang natigilan si Jeremy at nanuyot ang lalamunan at napalunok. Maging si Gemma ay natigilan at tinitigan nalang ang mata ni Jeremy.

Ang dalawa ay higit na pagpapalagayan ng loob at nahuhumaling sa isa't isa sa kanilang malagkit na pagtitigan. Bigla nalang napukaw ang dalawa at nagkaulayaw. Naputol ang kanilang lubid at bumalik sa dati.

Nabalin ang tingin ni Gemma habang si Jeremy ay nililinis ang laluman at naubo bigla at nakahiyaan nalang sila sa isa't isa. "M-may itatanong s-sa sana ako sayo" nauutal na saad ni Jeremy at hindi maka tingin kay Gemma.

"Sabihin mo kung ano" saad ni Gemma na hindi rin maka tingin. "Bakit mo nga pala kinirot ang bewang ko kanina?" Takang tanong ni Jeremy. Naging seryoso na sila at naglaho ang naramdamang hiya.

"Wag mo ibigay ang buong tiwala mo. Maaring ang pinapakita nilang kabutihan sayo ay huwad" seryosong saad ni Gemma at tumingin na kay Jeremy. "Nais ko kayong
pagkatiwalaan. Lalo na Ikaw" Saad ni Jeremy.

"Hindi ko hangad na magtiwala ka sa akin bagaman magaan ang loob ko sayo" tuwang saad ni Gemma at napa ngisi si Jeremy. "Gabi na. Matulog na tayo" Saad ni Jeremy. "Mamaya na. Sayang. Tamasin muna natin ang oras at pagnilayan ang mga estrelya sa langit" tuwang saad ni Gemma.

"Kung iyan ang gusto mo. Sasamahan kita" tuwang saad ni Jeremy at naka ngisi. Mga napakaraming nagniningning na bituin ang nasa langit at hindi mabilang sa sobrang dami. Huni ng kuliglig ang maririnig sa paligid at pawang mga mahinang pag uusap ng kapitbahay.

Nakita nalang ni Ligaya, Indah, Yami at Cipta sina Gemma at Jeremy na magkatabi sa balconahe na naka tingala. Natuwa nalang sila sa nakita nila at hinayaan ang sandali nila.

Kinabukasan ay maagang nagising si Jeremy at naisipan niyang magluto nang makita ang mga sangkap sa parang kabinet na lalagyan. Ang sangkap na gagamitin niya ay mga itlog na nasa trey, karots, papatas, berdeng gisantes na nasa garapon at may karne ng baboy.

Marami ding naka Imbak sa kabinet gaya ng bigas, gatas, kape, asukal, asin, at iba pa. Maagang umaga nagising si Jeremy at kasalukuyan ay natutulog sa kanya kanyang kwarto.

Ang kusina nila ay kumpleto sa mga kagamitan kaya mas lalo siyang ginanahan at nagsimula nang ihanda ang mga sangkap at gagamitin sa pag luto. Isinabay din niya ang pag sasaing sa ginagawa. Maraming naka panggatong ang bahay nila Gemma.

Makalipas ng dalawang oras at ilang minuto ay nagising na ang mga babae. Mag sasaing sana si Gemma, Magluluto sana si Cipta at Indah, Maglilinis sana si Yami at Ligaya pero lahat ng gagawin sana nila ay nagawa na ni Jeremy.

Nagulat nalang silang lahat dahil may fried rice, sunny side-up na itlog at piniritong karne ang naka hain sa hapag. Galing sa balconahe at pumasok sa loob si Jeremy na may dalang walis at binati sila "magandang umaga. Nag handa ako ng almusal para sa inyo mga binibini" tuwang pagbati ni Jeremy at binuksan ang takip ng kaldero na may mainit na kanin.

Natigilan nalang sila at natahimik na namangha sa ginawa ni Jeremy. "Hayy" nabighaning saad ni Gemma kay Jeremy. "Hello.hehe" tuwang saad ni Jeremy at kumaway. Iniusog ni Jeremy ang kanilang uupuan.

"Maupo muna kayo" Saad ni Jeremy at pumaroon ang mga babae sa kanya kanyang upuan. "Ikaw talaga gumawa nito lahat?" Hindi maka paniwalang saad ni Ligaya. Si Indah at Cipto ay natatakam sa niluto ni Jeremy.

"Hindi kana dapat nag abala. Kami dapat ang gumagawa nito." Saad ni Gemma. "Pasasalamat ko sa inyo ito dahil pinatuloy nyo ako sa inyong tahanan kahit hindi nyo ako kilala" naka tayo si Jeremy at nag saad.

"Naku. Kami dapat ang magpasalamat dahil sa kabaitan mo." tuwang saad ni Ligaya. "Nahihiya narin kasi ako sa inyo. Kaya pagsisilbihan ko din kayo gaya ng ginawa nyo sa akin." Saad ni Jeremy.

Nag tinginan ang mga babae at higit na ikinatuwa ang sinabi ni Jeremy. "Maupo kana nang makapag dasal na tayo" Saad ni Ligaya at umupo naman si Jeremy. Nagkrús(sign of the cross) si Ligaya at Gemma at ganun din si Jeremy at ipinikit ang mata.

"Panginoong Diyos, Ama sa Langit, Salamat sa biyayang natanggap namin sa araw na ito, na nagmula sa iyong walang hanggang kabutihan at pag-ibig, sa pamamagitan ni Hesukristo, aming panginoon. Amen." Pagdadasal ni Ligaya at pagkatapos ay nagkrús. "Amen" Saad ni Jeremy at Gemma at nag nagkrús din sila.

"Bismillah" Saad ni Indah at Cipta. "itadakimasu" Saad ni Yami. Doon ay kumain na silang lahat at nag uusap usap tungkol sa kahit anong bagay. Nasasarapan sila sa luto ni Jeremy lalo na si Gemma na sobra ang tuwang nararamdaman.

Hindi kumain ng piniritong baboy Sina Indah at Cipta dahil haram o pinagbabawal at sunny side-up an itlog at fried rice lang ang kinain nila dahil halal o hindi pinagbabawal. Ang rehiliyong Islam ay may Haram at Halal na dapat sundin.

Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon