CHAPTER 12 2/4: KNAVERY
Naging ulilang lubos ang magkapatid na si Indah at Cipta, sa mga kalye ng Syudad ng Putra-raja ay nanlilimos sila sa mga taong dumadaan. Ang araw ay matirik at naiinitan na sila sa pag-lilibot sa mga kalye.
Mga tig pi-pisong mga barya lamang ang hinuhulog ng mga tao sa kanilang lata na lalagyan. "Konting tiis nalang.. makakarami din tayo" panghihimok ni Indah kay Cipta na magpatuloy sa paglilimos.
Nakaka-awa dahil kanina pa sila pinagpapawisan dahil sa suot nilang Hijab, pajama, at long sleeve suit. Ngunit wala silang magagawa dahil kailangan nilang suotin yun dahil parti yan ng pagiging muslim nila.
Nalipasan na sila ng gutom bago pa bumigat ang lata nila. Pinagsama nila ang mga barya at umabot ng sapat na halaga. Kahit papano ay nakabili sila ng tinapay at ngayon ay kumakain sa labas ng panaderya na naka upo sa lupa.
Habang kumakain si Indah at Cipta ay may lumapit sa kanila na aso sa kalye. Marami nang nakain si Cipta kaya binigay niya ang natitirang tinapay sa aso. Natuwa si Indah sa pagmamalasakit ni Cipta sa aso.
Tinanggap ng aso ang tinapay sa pamamagitan ng pag kagat. Umalis na ang aso sa harapan nila at nagtungo sa isang basurahan at naglabasan ang maliliit na tuta. Nilapag ng aso ang tinapay sa lupa at nagsalo-salo ang mga tuta.
Natuwa at naaliw sina Indah at Cipta na pinagmasdan ang mga tuta na nilalantak ang tinapay. Ang inang aso naman ay hinahayaan lang sila kumain. Tumayo na sina Indah at Cipta at umalis na sa panaderya dala ang ngiti at pagkatuwa.
Imbes na nasa paaralan sila at nag aaral ay nasa kalye sila at laging nanlilimos ng pera. Nasanay at tanggap na ni Cipta ang kanilang kalagayan. Ginawa nila ito araw-araw at minsan nahihilo na dahil sa init ng araw.
Isang araw ay nagtungo sila sa inuupahan nilang bahay, nagulat nalang sila nang tumambad sa harapan nila ang bag ng kanilang damit. "Mabuti naman at nagkaharap na tayo mga eha" mataray na saad ng matabang babae at naka halukipkip.
Lumapit sina Indah at Cipta sa kanilang bag at kinuha ito. "Apa ini" takang tanong ni Indah habang pinupulot ang mga damit at nilalagay sa bag ng maayos. "Ambil barangmu dan keluar di sini" mataray na saad ng matabang babae.
"Pero pumunta ako dito para bayaran ang upa namin" nalilitong saad ni Indah. "Sawa na ako sa pagmumukha nyo dito.. may bagong titira na sa bahay" naiinis na saad ng matabang babae. "Beri Kami Kesempatan Kedua" pagsamong saad ni indah.
"Tidak. Keluar di sini kamu anjing liar" sigaw ng babae. Ang mga napapadaang tao ay napatingin sa kanila. Nagalit si Indah at akmang susugurin ang matabang babae pero pinigilan siya ni Cipta na ngayon ay malungkot.
Pero pumiglas si Indah at lumapit na naglakad sa matabang babae. Kunot ang noo ni Indah at nagtitimpi. Hinarap ni Indah ang babae "Aku bangsat!" Galit na saad ni Indah at dinuraan ang mukha ng babae. Nagulat nalang lahat sa ginawa ni Indah at maging si Cipta. Tumakbo papunta si Indah kay Cipta at tumakbo sila papalayo na tumatawa.
Hindi madilat ng babae ang mata dahil sa pandidiri dahil nasa mukha niya ang laway ni Indah. Kinuha niya ang panyo at pinunas sa mukha. Nagtitimpi Ang babae ng galit pero sa loob niya ay sasabog na siya.
Natawa ang mga nasa paligid at nag uusap usap. "Anong tinitingin tingin nyo Jan! Ha?" Galit na sigaw ng babae at nagsi alisan ang mga tao. Sumigaw ng malakas ang babae dahil sa kahihiyan at pandidiri.
Nakalayo na sina Indah at Cipta dala ang kanilang mga gamit. "Ate.. ang sama mo.." kunot noo at dismayang saad ni Cipta. Si Indah naman ay parang lasing na tumatawa dahil naiiyak "Bakit? Kulang panga ginawa ko eh.. dati may alitan sila ni ama at sobrang yabang ng suhia nayan haha" Wala sa sarili na saad ni Indah.
"Pero kahit na.. masama parin ang ginawa mo.. para kang bata" inis na saad ni Cipta at inunahan si Indah sa paglalakad. "Teka lang.. hintay" Saad ni Indah na sumunod kay Cipta. Sila ay naglalakad sa kalye ng bayan.
Hindi alam kung saan pupunta at titira.. wala silang permanente na bahay. Dati ay palipat lipat lang sila ng inuupahan. Pero kahit na ganun ay nairaos naman ng ama nila ang pag aaral nila pero pinatigil din sila.
Ang dahilan kung bakit sila pinag aral ng pamilya nila ay para matuto lang magbasa, magsulat at umunawa. Pinahinto na din sila nang nagkaka isip na sila at may muang na. Naniniwala ang ama nila na ang tunay na katalinuhan ay paggawa ng kabutihan.
Sa kanilang paglalakad ay napadpad na sila sa pabahay, "Sino ba ang pupuntahan natin dito ate?" Takang tanong ni Cipta at naka sunod lamang kay Indah. "Isang taong malapit kay ama" tuwang saad ni Indah. Hindi na sumagot si Cipta at naglakad nalang.
Ang mga tao sa paligid ay napatingin sa kanila dahil bagong dating sila. dumating na sila sa bahay ng sinasabing malapit sa ama nila. Sarado ang pinto at sila ay kumatok. Makalipas ang ilang segundo ay nagbukas ang pintuan.
Tumambad ang isang babaeng naka salamin at mukhang hindi pa matanda. Natahimik si Indah at hindi alam ang sasabihin. Ang babae naman sa pinto ay nagtaka at tinitignan sila na animo pamilyar ang mukha.
"Siapa kamu para wanita. apakah kamu tersesat?" Takang saad ng babae na kinapukaw ng isip ni Indah. "hindi po. kami ang anak ni Prido na kamakailan lang ay.. pumanaw na" seryosong saad ni Indah. Nagulat na lamang ang babae at binuksan pa ang pintuan.
"masuk" seryosong saad ng babae at pinatuloy sila Indah at Cipta. "Ako nga pala si Janis at Siya ang asawa Kong si Randy" pagpapakilala ng babae sa sarili at sa lalaking naka upo sa bangko at nagyoyosi.
Napansin ni Cipta na iba kung tumingin ang randy na asawa ni Janis sa kanya at hindi nalang niya tinitignan. Nagpakilala din sila Indah at Cipta sa mag asawa. Pagkatapos nun ay hinatid na sila sa ibabaw na palapag papunta sa magiging kwarto nila.
BINABASA MO ANG
Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)
Mystery / Thriller1st installment of Dread Series. Group of teenagers sailed the sea and their destination is Japan, but a huge typhoon wreck their yatch and they get stranded in an unknown island. They need to survive to be alive... not knowing they conveyed in a bi...
![Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)](https://img.wattpad.com/cover/307705227-64-k898412.jpg)