CHAPTER 1 3/4: CHASE
[ Jeremy's Point of View ]
Nakapag laro na ako ng mga computer games na ginagamitan ng visual reality. Para akong isinalang sa isang game na walang kahit ano sa umpisa, maging sandata laban sa halimaw na humabol sakin kanina lang.
Madami na akong napanood na mga horror na pelikula pero mas nakakatakot pala pag nasa mismong sitwasyon kana na tinatakbuhan ang killer. Nagpasalamat ako sa nag lagay ng bitag dito sa gubat na kumitil sa buhay ng halimaw.
Ako ngayon ay nagtatago sa likurang bahagi ng statwa na ang wangis ay parang bungo. Sa nakikita ko ay pito lahat ang statwa at mukhang napaka luma na. Parehong may bungong desinyo ang statwa na may butas sa gitna.
Dahil sa kapal ng hamog ay nanlabo ang aking salamin kaya't pinunasan ko. Ang liwanag ng kabilugan ng buwan ay tinakpan ng nagkukumpolang sanga ng puno.
Nasaan na kaya ang mga kaibigan ko? Simula nang hinabol kami ng halimaw ay nagkahiwalay hiwalay na kami. Magkaibang daan ang tinahak namin dito sa masukal na gubat ng Isla.
[ Start of Flashback ]
Lumubog na ang yacth na sinasakyan nila ilang oras ang lumipas. Inanod silang lahat ng alon ng dagat papunta sa isang isla at tumila na ang bagyo kasabay ng lumabas na ulit ang kabilugan ng buwan na nagpalinaw sa paligid.
Nagising si Dale at ginising ang kanyang mga kaibigan. "Nasan na tayo? Anong lugar to" takang tanong ni Megan na maingat na hinadhad ang mata. "Siguro nasa Japan na tayo" Saad ni Dale habang inalalayan si Zelda na makatayo.
"Siguro nga. Nasa Japan tayo pero hindi sa Tokyo!" Naiinis na sigaw ni Valerie na nagdadabog at pumaroon sa mataas na bahagi ng tabing-dagat.
"Sana hindi tayo tumuloy. Hindi sana tayo stranded dito sa Isla." Nag-sisising saad ni Megan. "Nangyari na ang nangyari. Panindigan nalang natin" Saad ni Jeremy kay Megan.
"Wag kayo mawalan ng pag-asa. Makaka alis din tayo dito. Sa ngayon ay magpahinga muna tayo" Saad ni Mateo sa lahat. Pumaparoon sila sa mataas na bahagi ng tabing-dagat.
Kumukuha ng anod na kahoy si Mateo at mga bato. Sa tabing-dagat ay namahinga ang mga babae habang ang mga lalaki ay may ginagawa.
Si Dale at Jeremy ay pumunta sa maraming punong bahagi ng tabing-dagat upang pumitas ng prutas at kumuha nadin ng mga dahon.
Si Mateo ay inayos ang mga sanga ng kahoy upang gumawa ng apuyan o campfire. Ang mga bato ay inayos kasama ng kahoy sa bilog na anyo. Binigay ni Dale ang prutas sa mga babae upang maka kain na sila.
Nilagay ni Jeremy ang mga tuyong dahon sa gitna ng batong pansulok. Pumunit si Mateo ng tela mula sa kanyang damit at tinali sa di gaanong matinis na kahoy na gagamitin niya para makagawa ng apoy.
Sinimulan na niyang paikutin ang kahoy sa tabla kasama ang mga tuyong dahon ng sobrang bilis hanggang sa nagsimula ng umusok ang kahoy dahil sa puwersa at tensyon. Doon ay tumulong na sina Dale at Jeremy.
Doon ay umapoy na ang kahoy at nilagay sa ilalim ng naka-ayos na kahoy. Natuwa ang lahat nang naglaho ang ginaw na kanina pa tinitiis dahil sa init ng apuyan.
BINABASA MO ANG
Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)
Mystery / Thriller1st installment of Dread Series. Group of teenagers sailed the sea and their destination is Japan, but a huge typhoon wreck their yatch and they get stranded in an unknown island. They need to survive to be alive... not knowing they conveyed in a bi...
![Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)](https://img.wattpad.com/cover/307705227-64-k898412.jpg)