CHAPTER 5 1/4: CAPTURED
[ Zelda's Point of View ]
Habang tinatahak ko ang gubat sa oras ng gabi ay may nahagilap akong maliwanag na pook kaya't nagmadali na akong pumaroon doon. Nang makalapit na ako ay nagtago muna ako sa palumpong at nagmamasid.
Mga nagliliyab na tanglaw pala ang maliwanag na natanaw ko sa malayo. Maraming naka bantay at nag rorondang kawal sa paligid. May mga bahay silang gawa sa semento at kahoy.. ang mga tao ay naglalakad lakad.
Tinignan ko ang sugat ko na magaling na at hindi na dumudugo. Naalala ko tuloy ang sakit at hapdi na tiniis ko nang ginagamot ko ang sugat.
[ Start of Zelda's Flashback ]
Nang oras na tumatakas ako nang naka patay ako ng mga lalaking sinasabing mananabas, ay pumunit ako ng tela mula sa damit nila at ginamit ko upang mag balat kayo. Napadaan ako sa sapa at uminom ng tubig at nilinis ang sugat at mga dumikit na dugo sa balat ko.
Napadpad ako sa bahagi ng gubat na maraming puno ng saging. Nagdurugo parin at masakit ang hiwa sa aking braso. Lumapit ako sa isang puno ng saging at gamit ang kunai shuriken ay kiniskis ko ang katawan nito.
Nakakuha ako ng hibla ng abaka at pinuga ko ang katas sa sugat ko. Kagat ko ang hawakan ng kunai shuriken at tinitiis ang hapdi at sakit ng katas ng abaka na pumapasok sa loob ng sugat.
Napa pikit nalang ako ng mata at tinitiis ang sakit.
Napaluha nalang ako sa sobrang sakit na hindi masukat. Nang nawala na ang hapdi ay binihisan at benendahan ko ang sugat gamit ang punit na tela na kinuha ko mula sa mga mananabas. Umiyak ako at pinunasan ang luha at pagkatapos ay inayos ang sarili.
Tinago ko ang mukha ko sa tela na parang sa ninja. Handa na akong harapin ang mga hamon sa bawat daan na tatahakin ko. Nilagay ko ang Kunai shuriken sa holster bag at lumakad na.
[ End of Zelda's Flashback ]
Napaka payapa ng gabi at sa kinaroroonan ko ay madilim. Kailangan ko maka pasok sa bayan nila at pumuslit. Nakakasalubong ko ang mga tao at humalo ako sa kanila. Iniiwasan kong tumitig sa mga kawal at kalmado lang na naglalakad.
Iba't iba ang suot ng mga tao dito.. may mga muslim at mga Japanese. Parang halo-halo silang lahat at ako lang ang naiiba Ang kasuotan. Naka balatkayo ang buong mukha ko at kita lang ang mata na parang sa ninja.
May nakita akong pamilihan na may sari-saring produkto. Sana ay sapat ang mga salaping nakuha ko sa mga mananabas. May malaking tinapay akong nakita, parang aabot ng agahan at hapunan. Isang panaderya, at naka display sa labas ang binibenta nila.
"Magkano po ang malaking tinapay na ito" tanong ko sa tindero at kinuha ang tinapay upang ipakita. "Singkwenta" Saad niya at tinignan ang salaping dala ko.. "Naku kulang ang pera mo.. hindi nga yan umabot ng bente eh" Saad niya sa akin.
Nagugutom na ako at hindi nakaka kain ng maayos. "Yan lang po talaga ang dala kong pera. At nagugutom na ako" pakiusap na saad ko sa kanya. "Naku hindi pwede. Nag hahanap buhay ako. Bayaran mo ako ng maayos." Galit na saad niya sa akin.
Nilapag ko ang salapi sa hapag niya at tumakbo palayo dala-dala ang tinapay. "Magnanakaw. Mga kawal. Ninakawan ako!" Malakas na sigaw niya at doon ako hinabol ng mga kawal. Bumabangga bangga nalang ako sa mga tao habang ang mga kawal ay tinutugis ako.
"Tumigil ka!" "ibalik mo ang ninakaw mo!" sigaw ng mga kawal. May nakita akong lansangan at pumaroon doon. Nasa pasikot sikot na ako ng bayan nila kung saan wala masyadong tao. Nailigaw ko ang isa sa kanila.
Hanggang sa nakakita ako ng matataguan at may nabangga akong isang babae. Nagtago ako sa basurahan. Narinig ko nalang ang magkakasunod na yabag ng mga kawal. Nag iba sila ng direksyon at naliligaw na.
Sumilip muna ako kung ligtas naba ang paligid pero nakita ko nalang ang babaeng nabangga ko kanina at lumalapit sa basurahang pinagtataguan ko. Kaagad akong lumabas.. at nakita niya ako pero wala siyang ginagawa.
"Teka. Wag ka tumakbo." Sigaw niya sa akin at tumakbo na ako nang humakbang pa siya sa akin. Madilim ang bahagi ng pook na yun at hindi ko nahagilap ng maayos ang mukha niya.
Tumakbo na ako papalayo.
[ Dale's Point of View ]
Tinatahak ko ang sakahan ng mais na matatangkad na. Ang paligid ay may mga kumukutitap na mga alitaptap. Kaibig-ibig silang pagmasdan habang nadadaanan ko silang lahat.
May naaninag akong liwanag sa likod ng dikit-dikit na mga mais.
Lumusong ako sa mga mais at hinanap ang pinagmumulan ng liwanag hanggang sa nakalabas na ako sa kumpol na mga mais. Tumambad ang isang dalagang naka kimono at may hawak na lampara at biglang sumigaw.
Nagulat ko ata siya dahil bigla nalang ako sumulpot sa kinaroroonan niya. "Ahh! ga-do sinnyuu sya ga i masu." sigaw niya habang pinapalo niya ako ng kahoy na napulot niya. Mukhang nasa Japan na nga ako kasi Japanese ang sinasalita niya.
"Tomaru. Yamero. Teishi shite kudasai. Yamete kudasai!" Saad ko sa kanya habang pinoprotektahan ang sarili ko sa pagpalo niya sa akin. Dahil nanonood ako ng anime ay may natutunan din akong mga japanese words.
BINABASA MO ANG
Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)
Mystery / Thriller1st installment of Dread Series. Group of teenagers sailed the sea and their destination is Japan, but a huge typhoon wreck their yatch and they get stranded in an unknown island. They need to survive to be alive... not knowing they conveyed in a bi...
![Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)](https://img.wattpad.com/cover/307705227-64-k898412.jpg)