CHAPTER 9 3/4

1 0 0
                                        

CHAPTER 9 3/4: BLOODSHED

Matagumpay na nasagawa ni Mateo ang Flash kick bilang counter attack na nagpa atras kay Bakari.. ligtas na naka lapag si Mateo sa lupa. Naka tingala ng mataas ang mukha ni Bakari at gumigiray-giray habang naka tayo.

Ang madla ay ikinagulat nalang ang nangyari dahil wala pang nakaka gawa nun kay Bakari. Tumuwid ng tayo si Bakari at nagpunas ng dugo sa ilong.. nakita nalang niya sa unang pagkakataon na may nagpa dugo sa ilong niya.

Naging seryoso si Bakari at naghahanda ng pag atake at ganun din si Mateo na minamatyagan ulit ang susunod na galaw ni Bakari. Pinagpawisan na ang dalawa dahil sa kanilang paglalaban.. hindi parin makapaniwala si Mateo kung paano niya nagagawang umatake na sobrang husay.

Sumigaw si Bakari at matulin na tumakbo ng diretso sa kinatatayuan ni Mateo.. napa bagsak niya ni Bakari si Mateo gamit ang move na Spear. Hindi nailagan ni Mateo ang Spear ni Bakari dahil sobrang bilis ng pag atake.

Bumagsak si Mateo sa lupa at pumatong si Bakari sa kanyang tiyan at pinaulanan siya ng magkasunod na suntok. Ginamit ni Mateo ang magkabilang bisig upang harangin ang mga pagsuntok ni Bakari.

Ginamit ni Mateo ang magkabilang tuhod niya upang sipain ang likuran ni Bakari.. inulit ulit niya ito at pinapalakas ang bawat pagsipa. Hanggang sa natigilan si Bakari sa pag suntok dahil sa magkakasunod na pagsipa ng tuhod sa kanyang likuran na nag dulot ng sakit.

Ang lahat ng madla ay nagsimulang maghiyawan dahil tumitindi na ang eksena.. ang iba naman ay kabado kung sino nga ba ang mananalo. Pareho lang na malakas sina Mateo at Bakari.. sa laki at tangkad lang sila nagkakaiba.

Napa tayo at atras sa pagkakapatong kay Mateo si Bakari dahil sa sumakit ang likuran niya. Tumayo kaagad si Mateo at lumayo kay Bakari.. ngayon ay naging pursigido na siyang tapusin ang labanan.

Nag stretch at minamasahe ni Bakari ang bandang likuran niya.. doon napagtanto ni Mateo na ito na ang pagkakataon niya upang umatake ng deritso. Doon ay tumakbo Mateo si papunta kay Bakari na akmang aatake.

Nagsuntokan at sipaan sila ulit.. naging agrisibo na si Mateo na parang nagliliyab na bola. Nagpatuloy lang sila sabay ilag at sangga sa pag atake sa isa't isa. Pinamalas ngayon ni Mateo ang lahat ng alam niyang Karate Moves niya.

Habang umiilag si Mateo ay natamaan ang ulo niya ng Elbow Strike ni Bakari na dahilan ng pagdugo ng ulo. Naalog bigla ang ulo ni Mateo at nanlabo ang paningin sa lakas ng siko na tumama sa ulo niya.

Napa atras si Mateo at hindi na maaninag ang paligid dahil nanlabo bigla ang mata niya. Nagkaroon ng pagkakataon si Bakari na gamitin ang Finisher move niya.. ang kinatatakutan ng lahat, ang Bear hug.

Marami sa mga nagamitan ni Bakari ng Bear hug ay nabalian ng buto sa katawan at naging baldado. Sa sobrang higpit ng yakap ay hindi na makaka hinga ang taong ginamitan ng delikadong move nato.. at pweding humantong sa kamatayan.

Nahihilo at hindi maka tayo ng maayos si Mateo.. malabo ang nakikita ng mata niya. Doon ay umatake si Bakari at binuhat si Mateo at doon ay niyakap ng mahigpit sa tiyan. Naramdaman nalang ni Mateo ang sobrang higpit na pagyakap sa kanya.

Namimilipit sa sobrang sakit at sumisigaw si Mateo dahil sa higpit ng yakap ni Bakari. Nabahala ang lahat dahil baka mapatay si Mateo o Diego sa pagkakakilala nila. Sumigaw ng malakas si Bakari at mas lalong hinigpitan ang yakap.

Doon ay nagsimulang pina ulanan ni Mateo ng suntok ang ulo ni Bakari ngunit balewala lang dahil hindi niya nararamdaman ang suntok.. parang nawawalan na ng lakas si Mateo dahil hindi na siya maka hinga ng maayos.

Hindi siya nawalan ng pag asa at sinubukang gamitin ang siko.. sunod sunod niyang pinatamaan ng Elbow Strike ang ulo ni Bakari. Kanina pa pala ini-inda ni Bakari ang sakit ng ulo at nag focus lang sa pagpapahigpit ng yakap.

Pakiramdam ni Mateo sa loob niya ay nagkukumpol na ang bituka at ibang lamang loob niya dahil sa mahigpit na yakap ni Bakari. Habang ini Elbow Strike ni Mateo ang ulo ni Bakari ay kapansinpansing parang nabubutas at nabibiyak ito.

Doon nga ay namasa masa na ang magkabilang siko ni Mateo dahil nagdurugo na ang ulo ni Bakari.. sumigaw lang ng sumigaw si Mateo dahil sa sobrang sakit ng katawan niya. Doon ay napansin na ni Bakari ang dugo na nagmula sa kanyang ulo.

Bigla nalang siyang nanghina at nawalan ng lakas.. dahan dahang naluluwagan niya ang pagyakap niya kay Mateo at akmang napapaluhod. Nakawala si Mateo sa Bear hug ni Bakari. Naging malabo din ang mata ni Mateo dahil sa pagdurugo ng ulo niya.

Pina tunog na ang ring bell na nangangahulugang tapos na ang laban. Nagiging brutal na ang laban at hindi na angkop dahil sobrang daming dugo na ang lumalabas sa ulo ni Bakari.

Doon ay sumugod na ang mga kawal upang awatin si Mateo na nawawala na sa sarili.. maging si Rasman ay nabahala sa nangyayari. Ang dalawang kawal ay hinatak palayo si Mateo kay Bakari. Pinalo ng kawal ang batok ni Mateo at nawalan ng malay.

Nagulantang ang mga tao dahil sa unang pagkakataon ay bumagsak at nagapi si Bakari na isang Kampiyon. Nadismaya ang lahat ng pumusta kay Bakari dahil natalo siya. Habang ang pumusta kay Mateo o Diego ay nasiyahan dahil nagwagi.

Ang manager ni Bakari na si Tudjo ay nag aalala sa sinapit ng mandirigma niya. Bumaba siya at tumakbo papunta kay Bakari na ngayon ay bumagsak at dumudugo ang ulo.. humihinga parin rin at kumikirap ang mata.

Sumugod ang tatlong nurse papunta sa kina bagsakan ni Bakari at sinuri kung buhay paba ito o patay na. Doon ay nilapatan ng first aid na serbisyo si Bakari. Maingat na binuhat ng apat kawal si Bakari at isinakay sa malaking stretcher at isinugod sa klinika at sumama si Tudjo.

"Sayang pera ko.. umasa ako na mananalo siya" "Sana matuloyan na yung gago na yun.. na pusta ko tuloy pera ni misis" "Malaking tao pero tinalo ng maliit.. haha. Kawawa" mga mapanglait na bulong bulongan ng tao na pumusta kay Bakari pero nadismaya dahil natalo.

Ang anunsyador din ay nabahala sa madugong labanan "Ang tumalo sa Kampiyon.. Diego!!" Sigaw ng anunsyador at nagsipalakpakan at hiyawan ng madla. Sayang lang at hindi ito maririnig ni Mateo dahil wala siyang malay.

Binabato siya ng mga pagbati at paghangngang mga salita.. ang mga kababaihan ay naghagis ng bulaklak sa kinaroroonan ni Mateo. Doon ay inilabas na siya ng kawal.. doon ay bumaba na si Rasman at mga tauhan niya mula sa upuan ng arena upang salubungin si Mateo.

Madaming pera ang kinita ni Rasman.. nagustuhan ng madla ang pakikipag laban ni Mateo kay Bakari at nais pa nilang makita siya sa susunod na paligsahan. Naging sikat ang pangalang Diego na bagong pagkakakilanlan ni Mateo.

Isang pambihirang manlalaban si Mateo na talaga namang kinahumalingan ng madla. Doon ay may bago nanaman na mag lalaban at ipagpapatuloy ulit ang paligsahan. May mga bagong dumating na manager kasama ng mga ipanglalaban nila sa paligsahan.

Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon