CHAPTER 10 4/4

0 0 0
                                    

CHAPTER 10 4/4: ASPIRATION

Nang handa na ako ay tumayo na ako at ganun din si Akihiro. Magkabilang kamay kong hinawakan ang Shinai at hinahanda sa pag-atake pero sa ngayon ay dedepensa muna ako. Kailangan ko muna basahin ang kilos niya bago umatake.

"Hajime!!" Sigaw ng Kendoka.. at nagsimulang umatake si Akihiro at mabuti nalang at naiwasan ko. Sinangga ko ang mga pag-atake niya at sabay sumisigaw ng "kiai!" at ganun din sya. Napaka liksi ng paa niya. Kailangan ko matamaan ang Kote niya o Pulso.

[ End of Dale's Point of View ]

Kalmado at determinado si Dale na maka kuha ng Ippon.. at ang gusto niyang tamaan ay ang Kote ni Akihiro. Parang nagsasanay lang si Akihiro at hindi pa nilalabas ang totoo niyang kakayahan.

Habang binabantayan ni Dale ang kilos ni Akihiro ay bigla nalang umatake si Akihiro ng sobrang bilis at tinaga ang men ni Dale. Napukaw nalang bigla si Dale nang umalog ang ulo niya dahil sa lagapak ng Shinai sa Men niya.

Tatlo ang natira kay Dale na ngayon ay nahilo dahil sa Impact ng palo sa Ulo niya pero mas naging seryoso siya. Umatake ulit si Akihiro at nagawang ilagan yun ni Dale.. habang umiilag si Dale ay natamaan niya ang ni Akihiro.

Ang mga manonood ay seryoso at naka focus lamang sa laban at maging si Mayumi na nagulat sa pinakitang abilidad ni Dale. Madali lang para kay Dale na aralin ang kahit anong bagay dahil Fast Learner siya. Pag-atake, Ilag at Sangga ang nangyayari sa labanan ngayon.

Maging ang lalaking nakilala ni Dale ay napa-nganga sa nakikita niya at namangha siya. Ngayon ay patas na sina Dale dahil tatlo ang natira kay Akihiro. Kinikimkim nalang ni Akihiro ang pagka-inis dahil bawal magpakita ng emosyon sa laban.

Umatake si Akihiro ng sobrang bilis na hindi namalayan ni Dale.. Natamaan ni Akihiro ang Kote at ni Dale na dahilan ng muntik nang pagbagsak ni Dale pero tumayo siya at umatras. Kabado si Dale dahil isa nalang ang natitira sa kanya.

Ngayon ay nagiging seryoso na talaga si Dale at sinubukang gawin ang breathing technique upang lumakas ang diwa at pandama niya. Kapag natamaan ang Tsuki ni Dale ay matatalo na siya. Samantala ang natira kay Akihiro ay ang Kote, Tsuki at Men.

Pumikit si Dale at sinubukang huminga ng malalim at kalmado.. doon ay umatake na si Akihiro. Napukaw si Dale nang papalapit na si Akihiro sa kanya. Inilagan niya pag-atake ni Akihiro at mabilisang pinatamaan ang Men at Kote ni Akihiro.

Nang nasa harapan na ni Dale si Akihiro na umaatake ay umilag siya at pinatamaan ang Men at umatras para ma tamaan ang Kote ni Akihiro. Lumayo si Dale kay Akihiro at pinag-iisipan na ngayon ang sunod na atake.

Namangha ang lahat ng madla sa ginawang pag-atake ni Dale at nagsimula silang maging interisado sa kanya. Hindi na nakapag-timpi si Akihiro at umatake na at ginamit ang tunay niyang abilidad bilang isang Samurai.

Sinangga at inilagan ni Dale ang pag-atake ni Akihiro at sinusubukang tarakin ang tsuki ni Akihiro. Napansin ni Dale na parang masisira na ang kanyang Shinai dahil sa lakas ng pagtaga ni Akihiro sa kanyang Shinai.

Tumitindi na ang kendo fight sa dojo.. Dale laban kay Akihiro. Ang ginawa nalang ni Dale ay umilag ng umilag dahil kapag nasira ang Shinai nya ay balewala lang ang lahat. Hanggang sa napansin ni Dale na hindi sinusunod ni Akihiro ang Zanshin o konsentrasyon.

Parang wala sa sarili na umaatake si Akihiro at hindi pinag-iisipan ang mga kilos.. kaya matagumpay na nai-tarak ni Dale ang dulo ng Shinai sa Tsuki ni Akihiro. Natigilan at napukaw nalang bigla si Akihiro dahil natalo na siya.

Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon