CHAPTER 3 3/4

3 0 0
                                        

CHAPTER 3 3/4: SKIRMISH

[ Jeremy's Point of View ]

Nagsisimula nanaman akong mailang at hindi maging kumportable dahil sa titig niya. Hindi ko namalayang dumampi Ang malambot niyang labi sa labi ko. Bigla nalang niya akong hinalikan at bumilis pa lalo ang kabog ng dibdib ko at hindi paipaliwanag ang nararamdaman.

Siya ang pinaka unang babaeng nahalikan ko.. gusto ko sabihin Kong bakit niya ginawa yun. Nasobrahan ba ng kaligayahan si Ligaya kaya niya ako hinalikan.

Nanatili siyang tahimik na nagpapakita ng pagkatakam sa akin. Nais kong mag saad ngunit nilapat niya ang panturong daliri sa labi ko at nag saad "Maghanda ka. Nagsisimula palang tayo. Sumisid tayo. Hehehe" nakaka tunaw na saad niya sa akin at dahan-dahang sumisid sa ilalim ng tubig.

Huminga ako ng malalim at nag ipon ng hangin at sumunod na sumisid sa ilalim. Nilublob namin ang sarili sa tubig at nakita ko Ang katawan niyang napaka ganda. Hinawakan niya ang balikat ko na naka ngisi.

Kulay luntian ang tubig at may mga halamang dagat. May nakita din akong mga isda at mga inaanod na mga panggatong at ibang bagay sa ilalim na bahagi ng lawa. Ngunit parang may mali kay Ligaya na ngayon ko lang napansin.

[ End of Jeremy's Point of View ]

Kasalukuyang sinusuyod ni Dimarumba kasama ang mga kawal at Kalpa pati na din sina Gemma,Yami,Indah,Ligaya at Cipta. Hinahanap nila si Jeremy sa timog-silangang bahagi ng gubat.

"Bakit hindi mo pina alam sa akin habang nag aanunsyo ako kanina sa bulwagan ng bayan" Takang tanong ni Dimarumba kay Gemma. "Upang magkaroon siya ng oras magpahinga at hindi guluhin ng mga tao" saad ni Gemma.

"Naiintindihan ko naman. Bagaman dahil sa ginawa mo ay hindi siya nabigyan ng sapat na proteksyon na kaya kong ibigay" seryosong saad ni Dimarumba. "Ipagpatawad mo Dimarumba. Hindi na mauulit" yumuko si Gemma at nag saad.

Si Indah at Kalpa ay naiilang dahil magkasama sila at ngayon ay hindi maka tingin sa isa't isa. "Ang pinagtataka ko lang. Sino ang babae na ginaya ang wangis ko" takang saad ni Ligaya na hinihimas himas ang ulo.

"Bakit kapa sumama. Dapat nagpaiwan ka at nagpapahinga" alalang saad ni Yami. "Hindi na masyadong masakit. Gusto kong tumulong" saad ni Ligaya. "Siya ang babaylan ng Tribo Mantul.. matagal na panahon na" seryosong saad ni Dimarumba.

[ Start of Dimarumba's Flashback ]

Isa si Emuslan ang Babaylan, Sa pinaka lumang naninirahan sa bayan at ka-isa ng kalikasan. Siya ay may ginintuang kaluluwa na makapangyarihan at ginamit niya sa pag papagaling ng sakit at kapinsalaan ng mga tao.

Siya ay nakilala ko at naging kaibigan.. siya ay nababalot ng hiwaga. Isang gabi habang nangangaso kami ng mga kawal ay nakita ko siyang pumatay ng tao at kinain ang laman.

Ang umaapoy na tanglaw ang nagsisilbi naming Ilaw sa gabing mapanglaw. Lumapit kami at natigilan siya sa pagkain at humarap sa amin. Ang bibig at kamay ay may bahid ng dugo. Mabangis na tumingin sa amin.

Nang tinataboy ko ay umalis na at tumakbo ng mabilis palayo. Simula noon ay hindi na siya tumutuloy sa kanyang bahay dito sa bayan at hindi na nagpakita. Marahil siya ay naninirahan sa tore sa bukid.

Nagbago na ang Emuslan na nakilala ko. Ibang iba sa mabuting pagkatao noon kumpara sa halimaw na kumakain ng tao ngayon. Hindi parin malinaw kung bakit nagkaganun siya.. isang pala isipan.

Nag anunsyo ako sa lahat na mag ingat sa pagpunta ng gubat dahil baka mabiktima sila ni Emuslan. Nagdistino din ako ng mga kawal sa iba't ibang bahagi ng gubat upang masiguro ang kaligtasan.

May mga pagkakataon na namamataan siya na pagala gala at naghahanap ng mabibiktima sa gubat. Matagal na panahon na.

[ End of Dimarumba's Flashback ]

Nakinig ang lahat sa kwento ni Dimarumba. "Ngayon ko lang nalaman yan" Saad ni Cipta. "Kwentong bayan na totoo pala" Saad ni Gemma. "Bakit hindi mo siya tinulongan bumalik sa katinuan" Saad ni Yami.

"Sinubukan namin siyang dakpin ngunit nabigo kami. Ano ang laban ng tao sa halimaw. Wala" seryosong saad ni Dimarumba. "Mag madali na tayo. Nang mahanap na siya" alalang saad ni Gemma.

Tumingin tingin si Kalpa sa paligid at may nakitang hunyango at humalo sa kulay ng puno. Dahil sa nakita niya ay may naisip siya. "Ligaya?Saan ka madalas na pumupunta?" Takang tanong ni Kalpa kay Ligaya.

"Bakit mo naitanong?" Takang tanong ni Ligaya. "Kung nagawa niyang gayahin ang wangis mo. Maaring ang pagkatao mo rin" seryosong saad ni Kalpa. Naging seryoso nalang ang tingin ni Ligaya kay Kalpa.

[ Jeremy's Point of View ]

Bigla nalang sinakop ng alikmata ang buong mata niya at ang ngisi ay nakakatakot. Hanggang sa sinakal niya ako at nahinga ko ang inipon kong hangin kanina at paa ay sumisipa.
Nagbago ang kanyang wangis at naging isang bruha na pangit at magulo ang buhok.

Pinipilit kong pumiglas sa kanyang pagsakal sa leeg ko ngunit sobrang higpit. Nahihirapan na akong huminga pero kahit papano ay may natira pang kaunting hangin sa dibdib ko.
Kinakalas ko ang kamay niya sa leeg ko.

Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon