CHAPTER 11 1/4: MENACE
[ Mateo's Point of View ]
Naka upo ako ngayon sa ibabaw ng atipan at minamasdan ang paglubog ng araw, naguguluhan parin ako at napapa-isip ng kung ano ano. Ako pala si Diego.. anong klase ba akong tao?. Yan ang hindi ko alam.
Pinalabas na ako sa kulungan ng taong nagpakilala na Rasman at isa daw siyang kaibigan. Pero ba't ganun.. hindi magaan ang loob ko sa kanya. Mapagkakatiwalaan ko kaya ang matandang yun.
Bigla nalang sumagi sa aking isipan ang magkapatid na nagpatayan sa gubat, kinuha ko ang pulang bato mula sa bulsa ko at tinignan. Sariwa parin sa aking isip ang naging madugong kamatayan ng magkapatid.
Dapat ko bang gawin ang sinabi niya sa akin na kabit ko raw ang batong ito sa pitong sagradong statwa. Ano namang mangyayari kung magawa ko yun. Anong makukuha at mapapala ko?..
Saan ko makikita ang lugar na yun.. wala akong alam dahil wala akong maalala. Binalik ko na sa bulsa ang bato nang may narinig akong yabag sa atipan na papalapit sa akin. Tumambad si Rasman..
"Ano ngaba ang na-una.. araw o gabi? Isang tanong na pabalik balik at wala paring sagot" matalinhagang tuwang saad niya habang lumalapit sa akin. Pero ano nga'ba ang na-una "Sa tingin ko ay araw." Seryosong saad ko sa kanya.
Natawa siya bigla at tumigil nang nasa paligid kuna "Para sa akin ay Gabi.. dahil dilim ang unang nakikita ng sanggol sa kanyang pagkamulat nang nasa sinapupunan pa siya.. Ang lahat ay nagsimula sa dilim" seryosong saad ni Rasman.
May punto din siya sa sinabi niya.. kung yan ang paniniwala niya ay e-rerespeto ko nalang. Pinagmasdan namin ang unti-unting paglubog ng araw na ngayon ay nagtatago na sa mga bundok.
[ Jeremy's Point of View ]
"Itadakimasu!!" Tuwang saad ko ganun din sila. Doon ay nagsimula na kaming kumain dito sa Japanese na restaurant. Sari-sari ang mga pagkain na pinag-sasaluhan namin at kasama rin si Zelda.
Sa wakas ay nagkita narin kami ni Zelda.. at sana mahanap na namin ang buong barkada. Kapag naka-alis kami dito sa Isla ay man-lilibre talaga ako hehe. Pero parang gusto ko pang manatili dito sa Isla kasi.. Kasi.. di bale nalang.
"Bat hindi ka kumuha ng sushi?" Tuwang takang tanong ko kay Zelda habang ni-wrap ko ang maki sushi sa seaweed na parang bouquet. "Hindi ko trip ang sushi.. hindi talaga" maarting saad niya sa akin at sinawsaw ang tempura sa soy sauce at kinain niya.
Abala din sina Gemma, Ligaya, Indah at Cipta sa pagkain. Kaya pala ganun nalang ang pagkatuwa ni Gemma dahil birthday pala ni Yami ngayon.. pero parang iba ang paraan ng pag diwang ng Japanese kapag birthday.
May nakalagay na Strawberry Cake sa lamesa namin pero walang kandila.. hmm?. Simple lang pala sila mag celebrate kasi salo-salo lang. Baka naman hindi talaga nila sini-celebrate.. dinadaan lang sa kainan habang nag-kukwentuhan.
"E try mo.. masarap siya.. pramis" pilit na saad ko sa kanya at sinusubo ko sa kanya ang ni-wrap ko na Maki Sushi. Hindi niya binubuka ang bibig niya at inaalis ang Sushi sa bibig niya. "Kahit isang kagat lang. Please?" Pamimilit ko sa kanya.
"Ayoko baka magka Anisakiasis ako niyan" seryosong saad ni Zelda sa akin at nilalayo talaga ang sushi sa kanya. Ano ba yung Anisakyasiz nga pinagsasabi niya "Ano ba yang pinagsasabi mo? Anu yun?" Takang tanong ko kasi wala akong alam sa pinagsasabi niya.
Tumigil na ako sa pagsubo sa kanya at makikinig sa explanation niya "Masyadong sensitibo to ha.. na kwento to dati ni Megan sa akin.. Ang Anisakiasis ay isang disease na nakukuha sa pagkain ng hilaw na isda na infected ng parasitic worm na maaaring dumikit sa lalamunan at bituka mo na nagiging sanhi ng food poisoning" seryosong saad niya.
Napalunok nalang ako dahil marami na ang nakain kong sushi.. malinis naman siguro yung isda na ginamit nila diba? Kinabahan ako bigla sa sinabi niyang food poisoning. "Kapag dumikit ang uod na Anisakis sa lalamunan at bituka mo ay maaring mag sanhi sila ng biglang pagsakit ng tiyan, pagkahilo, pagsusuka at pagtatae" dugtong niyang saad.
Nalagay ko nalang ang ni-wrap kong maki sushi sa plato at nawalan na ng ganang kumain pa. Masarap siya kaso nakakamatay pala. Ngayon ay natahimik ako sa sinabi ni Zelda.. grabe yung pa facts niya about sa sushi.
Bigla nalang hindi naging seryoso si Zelda at natawa sa akin "Pero mukha namang safe ang sushi na kinakain mo kasi matingkad ang kulay at walang parang gatas na nalalabi.. ibig sabihin ay sariwa pa" tuwang saad niya sa akin.
Naginhawaan naman ako sa sinabi niya. Makukulay naman ang mga sushi pero nawalan na ako ng gana dahil sa lintik na Anisakis na uod na yun. Magkatabi kami ngayon ni Zelda at abala siyang kumakain ng Onigiri na hindi hilaw na isda ang ginamit.
Nilagay ko nalang ang bisig ko sa lamesa at humalukipkip. Masayang kumakain sina Gemma at ang iba habang nag-kukwentuhan. "Dahil matagal din tayong hindi nagkita.. pagbibigyan kita" ngising tuwang saad niya sa akin at mabilisang kinuha ang ni-wrap kong sushi.
Dahil hindi ako naka tingin sa kanya ay hindi ko namalayan na e-susubo na niya pala. "Naku.. wag na" pagpigil na saad ko pero huli na ang lahat dahil kinagat na niya ang sushi at ninguya na ngayon.
"Uhmm! Sarap hehe" nasarapang saad niya sa akin. "Isang kagat lang baka may uod yan" pagpigil ko sa kanya pero hindi siya nag pa pigil at sinawsaw pa sa soy sauce. Naubos niya ang ni-wrap kong sushi.
"Inubos ko nalang.. masarap kasi hehe" ngising tuwang saad niya sa akin. "Haha. Sabi ko sayo eh.. mabuti nalang at na kwento ni Megan sayo yung about sa Anisakiasis.. pero nasaan na kaya si Megan ngayon no?" Tuwang takang saad ko.
Biglang na tigilan at naging seryoso si Zelda dahil nabanggit ko si Megan. "Miss kuna ang bff ko.. sana katulad din natin siya na nakakakain ng maayos at may ligtas na tinitirhan" seryosong saad ni Zelda.
Inakbayan ko naman siya at pinapagaan ang loob "Maraming alam yun.. sure ako na naka survive siya at buhay parin.. hindi yun magkakasakit kasi doctor siya. Hehe" tuwang birong saad ko sa kanya at natawa siya.
"Oo nga no.. ni hindi ko siya nakitang nagka-lagnat kahit ubo at sipon man lang." Napagtantong tuwang saad ni Zelda. "Kasi health concious si Megan" tuwang saad ko sa kanya at natuwa naman siya at gumaan ang pakiramdam.
"Tama ka. Ligtas lang siya sa mga oras na to. Walang dapat ikabahala" Tuwang saad niya. Bumalik ang gana ko at nagpatuloy kaming kumain habang nag kwe-kwentuhan ni Zelda. Pass muna ako sa sushi.. baka ma pasok ng Anisakis ang bituka ko.
BINABASA MO ANG
Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)
Mystery / Thriller1st installment of Dread Series. Group of teenagers sailed the sea and their destination is Japan, but a huge typhoon wreck their yatch and they get stranded in an unknown island. They need to survive to be alive... not knowing they conveyed in a bi...