CHAPTER 11 2/4

0 0 0
                                    

CHAPTER 11 2/4: MENACE

[ Mateo's Point of View ]

Gabi na ngayon at sinama ako ni Rasman sa isang maingay at magulong lugar na may nag-iinumang lasing at nagsusugal. Sumama din ang mga tauhan ni Rasman. May nakikita din akong mga babaeng halos mga hubo't hubad na sumasayaw.

Umiinit ang pakiramdam ko dahil ang sarap pagmasdan ng nakaka-akit nilang katawan. Nasa pasukan kami ng bulwagan ng pasugalang gusaling ito. Ano ba ang dahilan ba't sinama nila ako dito?.

"May napupusuan kana bang babae.. Diego? Haha" birong tawang saad ni Rasman na halatang pinagnanasaan ang mga kababaihan na malaswa ang kasuutan. "Wag kang bastos" wala sa sariling saad ko na kinatawa niya.

Hindi ko nalang tinitignan ang mga babae dahil mga tentasyon sila. May napansin ako sa sarili ko.. ayoko sa mga bastos na bagay. "Hindi kana bata.. kaya maglaro ka din sa apoy. Haha" tawang saad niya at humalakhak.

Nanatili nalang akong tahimik at hindi pinapansin ang kagaguhang pinagsasabi niya. Ang ibang mga tauhan niya ay nakikipag landian sa mga babae at nakikipag inoman kahit kanino. Ang iba ding tauhan ni Rasman ay nagsusugal.

May dumaang nag se-serve ng alak sa paligid at kumuha si Rasman ng dalawang baso. Inaabot niya sa akin ang isang baso "Nagsisimula palang ang kasiyahan.. heto" pang-uudyok na saad niya sa akin na uminom.

Ano bang demonyo na pumasok sa utak ko.. at hindi ko ma-ayawan ang alak! Tinanggap ko ang alak.. at tuwang nakipag cheers si Rasman sa akin. Nilaklak ko ang buong alak na parang tubig lang.. lakas ng tama! Atapang ng alak nato!

Umiinom ba talaga ako.. bat parang sanay na yung dila ko sa mapait na lasa ng alak.. parang wala lang din sa akin ang amoy. Ginagawa ko ba to lagi dati.. lasengero ba ako!?. Ganun ba akong klaseng tao.

Uminom lang ako ng isa pero nabuay na ako.. grabe yung tama. Nagulat nalang ako nang biglang may lumapit sa akin na babae at hinawakan ng mahigpit ang bisig ko. Umiiyak na dumadaing siya sa akin.

[ End of Mateo's Point of View ]

Nagulat nalang si Rasman nang biglang may humahagolgol na babae na lumalapit bigla kay Mateo. "Mateo.. tulungan mo ako! Hindi kuna kaya ang pinapagawa nila sa akin. Umalis na tayo dito!" Umiiyak at humagulgol na saad ng babae.

Nanghihina ang babae at may pasa ang mukha at ibang bahagi ng katawan. Ang suot din niyang malaswang damit ay malapit nang mapunit. Kinabahan nalang bigla si Mateo sa kasindak-sindak na nangyayari at nakabulagta nalang.

"Binibini.. nagkakamali ka.. Siya si Diego at hindi si Mateo" alalang saad ni Rasman na akmamg lumalapit sa babae pero nagbabanta ang babae na wag siyang lapitan. Napako sa kinatatayuan si Mateo at natigilan.

"Wag kang lumapit! Pare pareho lang kayo.. mga demonyo! Yawa ka!" Malakas na sigaw ng babae habang tinututok niya ang piraso ng bubog. Dumugo na ang palad ng babae dahil sa paghawak niya sa matalim na bubog na parang galing sa bintana.

Nagulat nalang ang lahat dahil sa kaguluhan na nangyayari at natigilan sa pagsusugal at pag-inom. "Mateo! Umalis na tayo! Ano ba!" Natatakot na saad ng babae at pinapalo ang dibdib ni Mateo.

"Paumanhin pero.. hindi kita kilala?" Takang naguguluhang tanong ni Mateo sa babae. "Ako si Valerie! Kaibigan mo! Wag ka maging gago! Umalis na tayo!" Natatakot parin na saad ni Valerie at tumitingin tingin sa paligid na parang nababaliw na siya.

Hinawakan naman ni Mateo ang braso ni Valerie pero biglang hinatak ng isang salbaheng lalaki. Hinila bigla ng lalaki ang buhok ni Valerie na dahilan ng malakas na pagsigaw ni Valerie at namilipit sa sakit.

Nang mga oras na yun.. nakaramdan ng kakaibang pagka-awa si Mateo para kay Valerie. Bigla nalang nagalit ng sobra na parang sasabog na ang ulo niya sa sobrang sakit. May mga imahe sa kanyang isipan na nabubuo pero malabo at hindi malinaw.

Hindi na nakapag pigil at sinuntok ni Mateo ang lalaking humahatak kay Valerie. Natumba na lamang si Valerie sa sahig dahil sa pagbitaw ng lalaki sa kanyang buhok. Nagulat na lamang at natakot ang salbaheng lalaki dahil sa pinapakitang mukha ni Mateo.

Parang sinaniban ng demonyo si Mateo sa mga sandaling ito.. ang mga tao ay napa atras at labas nalang dahil sa kaguluhan. Ngayon ay nagsusuntukan si Mateo at ang salbaheng lalaki. Si Rasman naman ay hindi alam ang gagawin at sinusubukang patigilin si Mateo.

Nakita nalang ni Valerie kung paano maging halimaw si Mateo.. at ngayon lang niya nakita ang dark side ni Mateo kapag nilamon ng sobrang galit. Marunong din mag Martial arts ang lalaki.

Bumagsak sa lamesa si Mateo nang hinagis siya ng salbaheng lalaki. Spine Buster ang ginamit ng lalaki para ipabagsak si Mateo sa lamesa na ngayon ay nasira na at nagkalat ang mga basag na bote sa sahig.

Napinsala ng sobra ang likuran ni Mateo dahil sa sobrang lakas na impact ng Spine Buster at parang na Batista Bomb siya sa lamesa. Hindi pa nakuntento ang galit na salbaheng lalaki at pinulot niya ang sandata na parang kahoy na baseball bat sa sahig.

Wala nang mga tao sa paligid at si Valerie, Rasman at mga tauhan niya ang natira sa loob ng pasugalan. Nagtatago lamang si Rasman sa ilalim ng lamesa at naduduwag na lumabas. Hindi makatayo si Mateo sa sobrang sakit ng likod niya.

Dahan-dahang lumalapit ang lalaki sa lemesang kinabagsakan ni Mateo. Hinahanda niya ang hawak na bat sa pag-atake. Dahil naka baliktad ang lamesa ay hindi nakikita si Mateo dahil natatakpan siya ng naka tagilid na hapagan ng lamesa.

Nang nakalapit na siya sa likod ng naka tagilid na hapagan ng baliktad na lamesa ay hindi tumambad si Mateo. Natigilan at nagtaka na lamang ang salbaheng lalaki kung nasaan na si Mateo.

Hindi niya alam na dahan dahang lumalapit si Mateo sa kanyang likuran na may dalang kadena na planong sasakalin ang lalaki. Doon ay mahigpit na sinakal ni Mateo ang leeg ng lalaki gamit ang kadena.

Pumipiglas naman ang lalaki at sinisiko si Mateo sa kanyang likuran hanggang sa nakawala siya sa pagkakasakal at pinalo ang bat kay Mateo. Naka ilag si Mateo sa mabilis at malakas na pag palo at tumama ang bat sa matibay na haligi.

Nabali ang bat dahil sa sobrang lakas na pagyanig nang pinalo sa haligi na kasing tibay ng puno. Dahil wala nang silbi ang bat ay tinapon na ito ng lalaki sa sahig at umatake kay Mateo.

Nagsuntokan ulit si Mateo at ang salbaheng lalaki. Walang nagawa si Valerie dahil nanghihina siya at hindi na kayang tumayo. Napasandal sa pader ang lalaki nang ginamit ni Mateo ang move na Spinning back kick.

Sa sobrang lakas ng pag sipa ni Mateo sa lalaki ay dumugo ang bibig ng lalaki na ngayon ay hindi maka galaw dahil sa pinsalang natamo. Hindi pa nakuntento si Mateo at kinuha ang nabaling bat.

"Wag! Tama na.. ayoko pang mamatay" pagmamaka-awa ng lalaki. Pero wala parin sa sarili si Mateo at pumaroon sa lalaki at sinaksak ang tiyan. Tumagos ang bat sa loob ng tiyan ng lalaki dahil sa mga maliliit na matulis na kahoy ng bat.

Sumisigaw ng malakas si Mateo habang mabilis na sinasaksak ang tiyan ng lalaki na ngayon ay nabubutas na. Dumadanak na ang dugo sa sahig at pati narin sa nabaling bat. Naka bulagta ang lalaking sinasaksak habang naglabasan ang maraming dugo sa bibig na parang talon.

Saksak sundot.. saksak sundot ang ginagawa ni Mateo ngayon. Hanggang sa naglakas ng loob si Rasman na pigilan si Mateo sa brutal na ginagawa. Nasindak na lamang si Valerie sa nakita niya.. hindi siya maka paniwala.

Tumulong din ang mga tauhan ni Rasman sa pag awat kay Mateo na ngayon ay nagwawala na. Ngayon ay naka handusay na sa pader ang lalaki at naliligo sa sariling dugo. Nabutas ang tiyan ng lalaki at lumabas at nagkalat ang bituka. Nandiri na lamang si Rasman sa sinapit ng lalaki.

Ngayon ay pinalayo na si Mateo sa salbaheng lalaki.. pinagtulongan siya ng mga tauhan ni Rasman. Napaka brutal ni Mateo kung magalit.. dahil kapag napuno siya ay hindi na siya kumikilala ng tao.. ibig sabihin.. ang tingin ni Mateo sa salbaheng lalaki ay hindi tao kundi isang..  hayop.

Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon