CHAPTER 5 3/4: CAPTURED
Sa lansangan nagtatago si Zelda at naka sandal sa pader. Kinain na niya ang ninakaw niyang tinapay habang tulala at lumuluha. Miss na niya makasabay kumain ang pamilya niya na laging ginagawa araw hanggang gabi.
Hindi siya sanay na mahiwalay sa kanyang pamilya dahil labis niya itong minamahal at naiisip niya kung kamusta na kaya sila at ayaw niyang mag alala sila ngunit nangyari ang insidenti at hindi na niya binibilang ang araw.
Pinunasan niya ang luha at nilagay ang tinapay na kalahati nalang sa loob ng damit niya. Sinuot na niya ulit ang bandana at sinandal niya ang kanyang ulo sa pader at umidlip hanggang sa nakatulog na siya sa madilim na sulok.
Kinabukasan sa umaga ay binuhusan ng tabo ng tubig ang mukha ni Dale ng mga kawal. Nagising nalang si Dale at nagulat dahil sa malamig na tubig na bumasa sa kanya. Unti unti ring lumilinaw ang kanyang malabong paningin ng may humahakbang lalaki sa kinaroroonan niya.
[ Dale's Point of View ]
Nasaan ba ako.. bat nababasa na ako. Kanino bang mga paa ang naaninag ng malabo kung mata. Hindi ko magalaw ang mga kamay at paa ko.. para akong naka gapos. Sino ba ang lalaking humahakbang papunta sakin.
Nang nasa harapan kuna siya ay doon na luminaw ang lahat at kung bakit ako nandito. Tungkol din sa japanese na babae na naka salubong ko. Dinakip din ako ng mga kawal at dito na dinala sa kulungan.
"Batid kong hindi ka hapon kung sa mukha titignan" Seryosong saad ng lalaking nasa mid's 40-50 na siguro. "Bakit nyo po ako kinulong. Wala po akong kasalanan" pagsusumamo ko sa kanila. Nag tawanan nalang sila bigla na parang nakakatawang biro ang sinabi ko.
"Anata wa watashitachi ga anata no uso o shinjiru no wa orokada to omoimasu ka? Haha" Tawang saad ng katabi ng lalaki na parang nasa mid's 20-25 pa. "Naudlot ang plano mong pumuslit sa bayan namin at mag spiya. Mga tampalasan talaga kayo" Galit na saad ng lalaki.
Nais kong sabihin ang lahat lahat pero alam kung hindi din sila maniniwala. "Ah. Magpapaliwanag po ako.." naudlot na naguguluhang saad ko. Bigla nalang niya ako sinampal na pabaliktad ang kamay.
"Ayoko nang marinig ang kasinungalingan mo! Subukan mo lang mangahas lumapit sa anak ko. Watashi wa anata o korosu hitodesu!" Galit na pag banta niya sa akin na ikinasindak ko nalang. Grabe ang galit na nakita ko sa kanyang mga mata na nagpatigil sa pag hinga ko.
Napa sandal nalang ang ulo ko sa pader nang tinuro niya ako at doon na nag banta. "Kare o mimamori, kare o nigasanaide kudasai" Utos niya sa mga kawal at tinalikuran ako.
"Makinig naman kayo sakin! Pakiusap!.. naudlot na sigaw ko nang sinuntok ng kawal ang tiyan ko na kina tigil ko. Sapilitan nilang tinalian ng tela ang bibig ko at hindi na ako nakapagsalita.
Doon ay nawala na siya sa paningin ko at lumabas ang mga kawal at sinarado ang rehas at nagbantay na sa labas. Nakatayo lang ako at naka sandal sa pader habang ang paa at kamay ay naka gapos sa matibay na lubid.
Marunong mag Tagalog ang mga Japanese na nandito. Doon kuna napagtanto na napagkamalan nila akong mananabas dahil hindi ko pala naiwan ang sandata nang tinapon ko ang bandana dala ng pagmamadali.
[ End of Dale's Point of View ]
Habang naglalakbay ang grupo ng mananabas sa gubat ay may napulot ang kapatid nila na bandana na pinahiram niya kay Dale at malalaman ito dahil sa disenyo.
Maraming pumasok sa kanyang isipan ngunit isa lang ang sigurado. Kapag sinaktan ang kapatid nila ay sama-sama silang lahat maghihiganti at nauuwi lagi sa malagim na pag patay. Ganyan ka delikado ang mga mananabas kaya kinatatakutan sila sa Isla.
Kasalukuyang gumigising si Yumi sa masarap at mahimbing na pagkaka tulog at naka ngisi. Yayakapin niya sana ang asawang si Hiro ngunit wala ito sa kanyang tabi. Kaagad siyang humikab at nag alis ng muta sa mata.
Bumungad sa pagbukas ng sliding door si Hiro na kunot ang noo at binigyan ng seryosong titig si Yumi. "Nande son'na watashi o mi teru no?" takang tanong ni Yumi habang tinatago ang katawan sa kumot.
"Bakit ka lumabas ng bahay sa dis oras ng gabi" Seryosong saad ni Hiro at naka sandal ang kanang braso sa gilid ng pader at naka hawak ang kaliwang kamay sa bewang at hindi maalis ang mata sa pagtitig kay Yumi.
"Hindi ako maka tulog. Nakita ko na madaming tutubi nang oras na yun kaya't lumabas ako upang humuli" Nakayuko ang ulo ni Yumi na nagsaad. Lumapit naman si Hiro kay Yumi na naka upo sa kama.
"Halika nga dito." Nakangising saad ni Hiro at sinaklaw ang bisig. Lumapit naman si Yumi at tumabi kay Hiro na paakbay siyang niyakap at hinalikan ang noo na ikina ngisi ni Yumi.
"Bakit hindi mo ako ginising. Ang daya naman. Gusto ko din makakita ng tutubi." Tuwang saad ni Hiro habang hinimas-himas ang braso ni Yumi."Ang himbing Kasi ng tulog mo. Ayaw ko maka estorbo. Baka kasi maganda ang panaginip mo" tuwang saad Yumi at hawak hawak ang kamay ni Hiro. "May gaganda paba sayo?. Mahal ko. Hehe." Paglalambing na saad ni Hiro.
Kasalukuyang nagmamahalan ang dalawang mag asawa. "Patawad sa ginawa ko" alalang saad ni Yumi. "Ayos lang. Pero sa susunod wag mo na ulitin yun ah. Kailangan kasama mo ako lagi" alalang tuwang saad ni Hiro at tumango si Yumi.
Ngumisi sila sa isa't isa at pinagpatuloy ang matamis na sandali. Sa labas ay may narinig nalang silang nag sasagupaan na ikinagulat nila. Mga matutulis na kalatong ng matalim na espada ang naririnig. Ang papel na pader ay nababahiran ng dugo.
BINABASA MO ANG
Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)
Mystery / Thriller1st installment of Dread Series. Group of teenagers sailed the sea and their destination is Japan, but a huge typhoon wreck their yatch and they get stranded in an unknown island. They need to survive to be alive... not knowing they conveyed in a bi...