CHAPTER 10 2/4

0 0 0
                                    

CHAPTER 10 2/4: ASPIRATION

[ Dale's Point of View ]

Tumigil nalang bigla ang kawal at lalaking kasama ko nang nasa tapat na kami ng pintuan.
"Shitsurei shimasu" magalang na saad nila at nagbigay galang nalang ako. Pagkatapos ay binuksan na ng lalaki ang sliding door.

Pumasok na kami sa loob ng silid kung saan nanggagaling ang ingay na naririnig ko, tumambad sa paningin ko ang dalawang taong naglalaban gamit ang kendo stick at naka suot ng armor.. nasa dojo pala ako.

May mga taong naka upo sa sahig at pinapanood ang laban, Kapansinpansin na naka suot silang lahat ng armor at may kanya kanyang kendo stick. Lumalakad kami papunta sa likuran ng mga madla at nagtinginan sila sa akin.

Pina upo nila ako sa sahig at ganun din sila.. ang hirap tumakas dahil may dalawang kawal na naka bantay sa tabi ko. Katabi ko rin ang lalaking sumundo sa akin. So gusto ng prinsesa na manood ako ng kendo fight para maaliw ako. Ayos din pala ang princesa nila ah haha.

Kasalukuyang naglalaban parin ang dalawang lalaki at may isang nagwagi. Hindi ko alam kung bakit maikli lang ang oras ng laban sa kendo. "Ang kawayang espada na ginagamit nila ay tinatawag na Shinai" biglang nagsaad ang lalaki sa tabi ko.

Shinai pala ang tawag sa kendo stick. Interesting.. makikinig ako sa kanya para marami akong matutunan. Black belter pala ang lalaking kasama ko.. malakas siguro to. "Ang baluti naman na suot nila ay tinatawag na bogu.. kailangang may shinai at bogu ka kapag lalaban" Saad ulit ng lalaki.

"Upang makakuha ka ng puntos o tinatawag na Ippon ay kailangan mong matamaan ang isa sa apat na pook.. ang Men o ang ulo, Kote o ang pulso, Do o ang katawan at pag tarak sa lalamunan o Tsuki.. dalawang ippon o higit pa ang kailangan para manalo" malinaw at seryosong saad sa akin ng lalaki.

Kailangan mo pala mag ipon ng ippon para maka puntos.. ayos din ah haha. Kaya pala maikling oras lang natatapos ang kendo fight kasi dalawang puntos lang kailangan para manalo. Ipon at ippon ay pareho lang.. siguro ang salitang Ippon ang pinagmulan ng salitang Ipon. May mga salitang hapon na nahalo sa wikang Filipino sa panahong sinakop nila ang pilipinas.

"Upang maka kuha ng Ippon ay may kailangan dapat gawin.. Ito ay ang Ki-Ken-Tai o nangangahulugang Ispirito, espada at katawan na kilangan pagsamahin.." seryosong saad ng lalaki at humalukipkip.

Kailangan din pala ng koordinasyon ng tatlong bagay na yun para makakuha ng Ippon. Ngayon ay natapos na ang laban at pumunta ang bagong maglalaban sa stage.. isang babae ang bagong lalaban "Una ay ang Ki, o pagpapakita ng malakas na Ispirito at pag sigaw ng "kiai!" kapag aatake" seryosong saad ng lalaki.

Yun ang sigaw na naririnig ko kanina at hanggang ngayon.. doon ay umatake ang babae sa kalabang lalaki habang sumisigaw ng "kiai". Napaka bilis ng pag atake niya na parang kasing bilis ng kidlat.

Natamaan ng babae ang ulo ng kalabang lalaki at nakakuha siya ng isang ippon. Ramdam ko ang fighting spirit niya na tinatawag palang Ki. Ki ba ay ang Ki na nasa anime na Dragon ball.. Kasi Ki ang gamit ni Goku at pinagkukunan niya ng lakas at kapangyarihan upang maging super saiyan.

"Ikalawa ay ang Ken, tamang paghawak ng shinai at pag-atake.. dapat tumama ang dulo ng shinai ng maayos at iwasang umatake ng mababaw" seryosong saad ng lalaki.

"Ikatlo ay ang Tai, matuwid na tindig at postura.. dapat hawak ng magkabilang kamay ang shinai.. kapag nawalan ka ng balanse ay hindi bilang upang maging ippon" seryosong saad ng lalaki at nilagay ang kamay sa kandungan.

Habang ino-obserbahan ko ay matuwid ang tindig nila at paghawak nila sa shinai. Naghahanda ulit ang naglalaban sa sunod nilang pag-atake at paunahan at pabilisan pala ang kailangan.

"Ang Ika-apat at pang-huli ay ang Zanshin, o pigiging alerto at mapagmatyag.. kailangan mag konsentrado sa loob ng sampung minuto.. kapag nawala ang konsentrasyon ay hindi bilang para magka ippon" seryosong saad ng lalaki ulit. Naglalaban sila at umiilag at sinasangga ang atake ng isa't isa.

Ngayon ko lang napagtanto na kumplikado pala.. kasi kailangan nilang gawin ang Ki-Ken-Tai at Zanshin upang magka Ippon. Ngayon ay natamaan ng lalaki ang pulsu ng babae at nagka Ippon siya dahil pulido pag atake niya.

"Habang naglalaban sila ay mag tatlong tagahatol at sila ang magbibigay ng Ippon kung sumasang-ayon sila. May hawak silang pula at puting bandera na kaayon sa kulay ng nakakabit na tag sa likod ng naglalaban. Itataas nila ang bandera ng isang manlalaban na binibigyan nila ng Ippon" tuwang saad ng lalaki.

Mas tumitindi ang laban dahil patas na sila ngayon.. sino kaya sa kanila ang mananalo. Kaya pala tinataas ng mga referre ang bandera. halimbawa; ang babae ay may puting tag sa likod.. kapag hinatulan siyang bigyan ng Ippon ay itataas ng referee ang puting bandera. Pareho lang din sa lalaking may pulang tag sa likod.. itataas din ang pulang bandera kapag bibigyan siya ng Ippon.

Natapos na ang sampung minuto at tabla lang sila.. parehong 1 1 ang puntos o Ippon. Doon ay hinubad nila ang helmet nila.. Teka!! Ang babae ay!!?.. "Siya ang mahal na prinsesa, Ohimesama Mayumi.. kaibig-ibig ang ganda niya.." masayang naka titig sa babaeng hinubad ang helmet.

Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon