CHAPTER 3 2/4: SKIRMISH
[ Zelda's Point of View ]
Sumenyas ang tatlo sa isa nilang kasama at humahakbang at hinahanda ang hawak na machete sa pag taga. Mabilis siyang umatake at pababa siyang tumaga at inilagan ko ang bawat Pag taga niya sa iba't direksyon.
Naka kita ako ng senyales kung saan mahina ang kanyang depensa at doon kuna sinangga pagtaga ng machete niya sa kunai shuriken at matagumpay na nahawakan ang kamay niya at pinatumba siya gamit ang arm throw na move.
Namilipit sa sakit ang kalaban at nabitawan ang hawak na machete na kaagad kong kinuha. Ang mga kasama niya ay aatake na ngunit sinangga ko ang mga pag taga nila at napa atras sila. Lumipat ako ng kinaroroonan malayo sa lalaking nasa lupa.
Nag iba din sila ng kinaroroonan at lumalapit sa kasama nila habang tinututok ang machete. Inilagay kuna ang kunai shuriken sa holster bag. Ngayon ay patas na kami.. pareho ang laki at bigat ng sandata.
"Ang lakas ng loob mo! Sino kaba? Hindi mo ba kami kilala" galit na saad ng isang kaaway. "Hindi. Dapat ko bang malaman?" Seryosong takang saad ko. "Aba. Hinahamon tayo ng gago. Haha" mayabang at tawang saad ng kasama niya.
Kanina kupa napansin na parang tigre kung maka tingin ang kanilang mga mata. "Ipakita natin ang bagsik ng mananabas" seryosong saad ng nangunang lalaki sa malalim na boses. Napukaw nalang ako at biglang nasindak dahil sumigaw sila at umatake.
Hindi ko namalayan na umatake na pala sila at mabuti nalang ay nasangga ko ang pahalang na pagtaga ngunit tinadyakan ang puson ko. Napa sigaw nalang ako dahil tinaga ako sa braso ko na nagdulot ng masakit na sugat.
Sabay sabay silang umaatake at hindi kuna ininda at pinansin ang sakit at tumaga nalang ng tumaga hanggang sa nasugatan ko ng malalim ang balikat ng isa sa kanila at natigilan nalang at natumbang ininda ang sakit sa lupa.
Nagpatuloy kaming naglalaban habang ang kasama nilang nataga ko ay namilipit sa sakit at nagsusuka ng dugo nang tinanggal ang bandana upang huminga, tumalsik talsik din ang dugo mula sa sugat. Taga at ilag at palitan ng pag atake ang nangyayari.
Mabilis kong kinuha ang kunai shuriken habang umiilag at sinanga pataas ang pag taga ng isang lalaki at sinaksak ko ng kunai ang pulso, ang kamay na may hawak na machete. Namilipit at sumigaw ang lalaki dahil sa sugat sa kanyang pulso at nabitawan ang hawak na machete.
Iniiwasan ko ang pahalang na pag taga ng isa pa nilang kasamahan hanggang sa naka sandal na ako sa pader kung saan ako umukit kanina lang. Sinangga ko ang pahalang niyang atake at itinulak ang machete niya sa machete ko.
Sinangga ko na bertikal ang machete ko at pahalang sa kanya. Ginamit niya ang palad niya at nilagay sa likod ng dulo ng machete upang itulak sa akin. Pareho din ang ginawa ko, pinipigil ko na ang pag tulak niya.
Sinipa ko siya sa may bandang ari ng malakas at natigilan nalang siya at napasigaw. Bumagsak siya sa lupa nang tinadyakan. Nilapitan niya Ang kasama niyang sinaksak ko ang pulso na nahihirapang tumiwid ng lakad dahil sa ginawa ko.
Ginising niya ang kasamahan niya ngunit dilat ang mata at naka bukas ang bibig na nangangahulugang namatay dahil sa madaming dugo na nawala sa pulso niya. Ginising niya ng ginising ngunit hindi na nangsasalita.
Bawat pag sigaw niya ay nadadama ko ang galit niya at doon narin pinikit niya ang mata at bibig ng kasama niya. Tumingin siya sakin na napupuno ng galit at mga ugat ay lumalabas.
Mabuti nalang at hindi malalim ang sugat ko at makakaya ko pang magpatuloy sa laban.Tumayo siya at hawak ang machete at sumigaw. Mabilis siyang tumakbo sa akin at hinahanda ang machete sa pag taga hanggang sa naka lapit na siya sa akin ay dumugo ang bibig niya at natigilan.
Itinutok ko ang kunai shuriken sa kanya nang papalapit na siya sa akin. Natusok siya dahil sa mabilisang pangyayari na nataranta ako at naitutok ko nalang. Nasaksak sya sa gitna ng katawan niya.
Nang itutuloy na niya ang pag taga sakin ay inikot ikot ko ang kunai shuriken sa loob ng katawan niya at nabitawan ang hawak na machete at bumagsak sa lupa, doon narin dumugo ng maraming dugo ang bibig niya.
Bumagsak nalang siya dibdib ko at itinulak ko rin at hinugot ang kunai shuriken sa ibabaw na bahagi ng tiyan niya kung saan matatapuan ang atay na kanina siguro ay natamaan ko.
Nakapatay na ako ngayon ng tao at hindi lang isa kundi tatlo.. pagkatapos ng ginawa ko ay doon na ako kinabahan. Tinignan ko Ang mga kamay ko na may bahid ng dugo.. naka dama ako ng takot at nakukunsensya.
Naka upo at sandal ako ngayon sa punong inukitan ko kanina lang. Pinagtangkaan nila akong patayin at pinagtanggol ko lang ang sarili ko pero kahit tumakas man ako ay makikita ko sila ulit at pagtatangkaan nanaman ako.
Nilakasan ko nalang ang loob ko at lumaban at ginamit ang nalalaman ko. Habang nakikipag laban ako ay hindi kuna kilala ang sarili ko at dinala ng bugso ng damdamin.
Nagmadali akong ninakaw ang mga salapi sa bulsa nila at tumakbo na palayo sa kasalanang ginawa ko. Sapat na ang nakuha Kong pera na maari kong magamit.
BINABASA MO ANG
Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)
Mistero / Thriller1st installment of Dread Series. Group of teenagers sailed the sea and their destination is Japan, but a huge typhoon wreck their yatch and they get stranded in an unknown island. They need to survive to be alive... not knowing they conveyed in a bi...