CHAPTER 9 4/4: BLOODSHED
Sa bahay ni Rasman ay naka kulong sa isang selda si Mateo na ngayon ay nakahiga at nalapatan na ng gamot at bendahe ang pasa at sugat sa katawan. Nakalagay ang paa sa ibabaw ng lamesa at kumakain ng hita ng manok si Rasman.. na parang arogante.
Maraming mga pagkain sa hapag at ang perang kinita niya sa pustahan ang ginamit pambili. Pinagmamasdan at hinihintay lamang ni Rasman si Mateo na magkamalay at bumangon sa kinahihigaan.
Doon nga ay nagkamalay na si Mateo at dahan-dahang bumangon at nahihirapang tumayo ng matuwid dahil sa pinsala sa kanyang katawan. Ang tiyan niya ay sumasakit kapag gumagalaw siya.
"Ahh! Nasaan ako.. sino kaba?" Nahihirapan saad ni Mateo at malabo ang paningin pero nahagilap ang isang tao. Nag hudhod ng mata si Mateo at doon ay luminaw na ang paningin. "Ikaw! Ikaw ang dumukot sa akin!" galit na saad ni Mateo na akmang tatayo pero natigilan.
"Wag ka na masyadong magsalita Diego.." tusong tuwang saad ni Rasman at kinuha ang tray ng pagkain at lumalapit sa kinaroroonan ni Mateo ".. heto, kumain ka" dugtong na saad niya at ipinasok ang tray sa pahalang na maliit na pintuan sa ilalim o ng selda.
Mainit na kanin, dalawang drumstick ng manok, ginisang galay, saging at mansanas ang pagkaing naka lagay sa tray. Ini-inda parin ni Mateo ang sakit ng kanyang katawan at ngayon ay hindi siya maka tayo at naka upo lang.
Ang tiyan niya ay binalot ng bendahe.. ang sugat sa kanyang ulo ay naghilom na. "Sino kaba? Bat mo ginagawa to?" Takang tanong ni Mateo at tinignan ang tray ng pagkain. "Sabihin nating.. isa akong kaibigan.." seryosong saad ni Rasman habang nakayukong umupo.
"Ganun ba? Bakit nyo ako tinatawag na Diego? Yan ba talaga ang pangalan ko?" Takang tanong ni Mateo. Biglang may napagtanto si Rasman sa pananalita ni Mateo na kina ngisi niya.. "Oo.. ako ang nagpangalan sayo niyan" tuwang seryosong saad ni Rasman.
"Pero ba't wala akong maalala?" Naguguluhan at nagtatakang saad ni Mateo. Doon ay nakumpirma na nawawala ang ala-ala ni Mateo. "Hindi ko rin alam.. ang naalala ko lang ay nakita ka namin na tumatakbo sa gitna ng gubat.. kaya nagmadali kaming isinakay ka sa karwahe bago tayo maabutan ng halimaw" kasinungalingan ni Rasman na umaarti upang maging parang totoo at kapanipaniwala kay Mateo.
Doon ay inisip ni Mateo ang nangyari kahapon lang at naliwanagan "Halimaw?.. pinagsasabi mo?" Takang tanong ni Mateo at umayos ng pag-upo na naka sandal sa pader.
[ Start of Rasman's Flashback ]
Sa masukal at mapanglaw na gabi ay naglalakbay kami sa gubat at ang distinasyon namin ay ang bayan ng Indonesian na tahanan namin. Habang tumatakbo ang mga kabayo ay natigilan.
Bigla nalang lumantad sa gitna ng daan ang mabangis na halimaw na naka salubong namin. Sobrang laki ng Halimaw.. mas malaki pa kay Bakari. Natakot nalang kami sa pangit nitong mukha.
Akmang nagiging agrisibo at mabangis ito na tumatakbo papunta sa karwaheng sinasakyan namin. Nag iba kami ng ruta at tinahak ang magkasalungat na daan upang takasan ang malaking halimaw.
Binilisan ng nagmamaneho ng karwahe ang takbo at ang mga kabayo ay pinatakbo ng mabilis. Hindi parin tumitigil sa paghabol ang halimaw sa amin at ang yabag nito ay sumasabay sa yabag ng mga kabayo.
Nabahala kami sa nangyayari at hindi alam ang gagawin.. umaalog alog ang karwahe dahil mabato ang daan na dinadaanan namin dito sa gubat. Nabulabog namin ang pamamaghinga ng mga hayop sa paligid dahil sa ingay namin.
Paano namin ililigaw ang halimaw? Paano ba?..
Napag-desisyonan ko na payagan si Margono na gamitin ang usok na bomba. "Gamitin mo na ang usok na bomba!" Seryosong saad ko kay Margono na hawak ang kanyang pana.Nagsimula si Margono na ikabit ang usok na bomba sa dulo ng patpat.. pagkatapos ay hinahanda na niya ang patpat upang gawing palaso ng pana. Walang tigil parin kaming hinahabol ng halimaw.
Itinira na ni Margono ang patpat na may usok na bomba sa lupa na tinatakbuhan ng halimaw. Kailangang mabasag ang bomba upang lumabas ang malaking usok na parang ulap sa sobrang kapal.
Tumama ang bomba sa mga bato at nabasag.. doon ay umusok ang kinaroroonan ng halimaw at hindi na nagpatuloy na humabol sa amin. Nagtagumpay si Margono.. isa siya sa mahusay kong tauhan na maalam sa pag pana.
Nagpatuloy na kami sa paglalakbay patungo sa bayan namin. Marami kaming na dukot na kalalakihan na maaring mapakinabangan at maaring ipang laban sa paligsahan.. pero lahat sila ay pare pareho lang at hindi kakaiba.
Habang tumatakbo ay biglang nasira ang isang gulong ng karwahe na kinatigil naming lahat.. huminto muna kami pansamantala. Bumaba si Pakir at pinalitan ng bagong gulong ang nasira gamit ang mga kagamitan.. isa din siyang mahusay kong tauhan dahil marunong siyang magkumpuni ng bagay.
Habang hindi pa tapos si Pakir sa pagkakabit ng bagong gulong sa karwahe ay nabagot ang apat kong tauhan at nagpaalam na lalabas lang.. ako naman ay hinahasa ang espada ko upang hindi mabagot.
Ang dalawang nagmamaneho sa dalawang kabayo ay nag yoyosi habang nag ku-kwentuhan. Maka lipas ang ilang minuto ay biglang bumalik ang apat na tauhan kong lumabas kanina at may nadukot na lalaki.
Nang nailapag na nila sa sahig ay namangha ako dahil hindi siya pangkaraniwan. Lagi nalang mga bangus ang nabibingwit namin pero ngayon ay isa nang pating. Sobrang nasiyahan ako dahil ang lalaking nadukot nila ay malaki ang katawan na parang isang Kampiyon.
Diego! Diego ang ipapangalan ko sa kanya haha. Sa wakas ay naka bingwit kami ng pambihirang lalaki. Umakyat na si Pakir at nagsabing tapos na ikabit ang gulong.. tinapon na ng dalawang nakasakay sa kabayo ang yosi sa lupa.
Pinag-utos ko sa nagmamaneho na patakbuhin ulit ang karwahe upang makapaglakbay na rin kami.. doon nga ay nagpatuloy ang paglalakbay ng karwahe namin. Si Diego ang ilalaban ko sa paligsahan bukas sa bayan.
[ End of Rasman's Flashback ]
Mga kasinungalingan at imbentong kwento ang mga salitang sinusubo ni Rasman sa isipan ni Mateo na ngayon ay naniniwala na at nagtitiwala. "Nag paalam ka sa akin na mangangaso sa gubat at pero mahigit dalawang araw kang nawawala" sinungaling na saad ni Rasman.
Inisip ito ng maayos ni Mateo at sa tingin niya ay tama ito pero hindi pala. Pinapaikot lang ni Rasman ang utak ni Mateo upang magamit siya bilang pagkakakitaan sa paligsahan. Kahinaan ni Mateo ang pagkawala ng ala-ala niya.
"Ba't parang kinukulong mo ako dito?" Takang saad ni Mateo.. "hindi ka naka kulong.. sinadya ko ito dahil pinoprotektahan kita" panloloko ni Rasman na napaka galing umarte at gumawa ng storya.
Naniwala ulit si Mateo at walang kamalaymalay na niloloko at ginagamit lang pala siya.. "ah.. ganun pala.." seryosong saad ni Mateo at inilapit ang tray sa kina-uupuan niya at nagsimulang kumain.
Tumalikod si Rasman at ngumisi dahil na loko niya si Mateo.. pinagsamantalahan ni Rasman ang pagkawala ng ala-ala ni Mateo.
END OF CHAPTER 9 BLOODSHED
BINABASA MO ANG
Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)
Mystery / Thriller1st installment of Dread Series. Group of teenagers sailed the sea and their destination is Japan, but a huge typhoon wreck their yatch and they get stranded in an unknown island. They need to survive to be alive... not knowing they conveyed in a bi...