CHAPTER 10 1/4

2 0 0
                                    

CHAPTER 10 1/4: ASPIRATION

[ Dale's Point of View ]

Paano ba ako makakatakas dito kung ang kamay at paa ko ay nakagapos.. ako lang mag isa dito sa silid kung saan ako kinulong. May apat na naka sinding katol sa apat na sulok ng silid na nilagay ng mga kawal.

Matapang ang amoy ng usok ng katol.. kung ako siguro ang lamok ay hindi na ako hihinga. Kung ano ano nalang ang sumasagi sa isipan ko dahil sa katahimikan ng silid.. nakaka depress kapag nag iisa. Miss kuna mga barkada ko. Hasytt.

Isang beses lang sa isang araw kung bumisita ang babaeng naghahatid at nag aasikaso sa akin. Naka-ihi narin ako ng maayos dahil pumapasok ang kawal dito sa silid at sinasamahan ako sa banyo.

Walang kahit anong gamit na nasa silid ang maari kong gamitin upang makatakas. Maging ang banyo ay gripo at inidoro lang ang nandun. Nakakabagot na dito sa silid.. konichiyawa talaga.

Napukaw nalang ako nang biglang bumukas ang sliding door at pumasok ang isang lalaki.. lumapit ang dalawang kawal at kinalasan ako. Bakit nila ginagawa ito? Lumapit din ang lalaking may dalang kendo stick at naka-suot ng armor.

Hinubad ng lalaki ang helmet niya.. base sa mukha niya parang ka edad ko lang siya. "Baka nababagot kana daw sabi ng prinsesa.. Watashitachi to issho ni kuru" seryosong saad ng lalaki.

Prinsesa? Hindi kopa nakikita ang kanilang prinsesa. Bakit kaya biglang naisip yun ng prinsesa.. mabait kaya siya o pareho lang din sa babaeng dumadalaw sa akin. Hmm.. kung prinsesa siya.. siguradong maganda siya hindi lang sa panlabas kundi higit pa sa panloob.

Nakalasan na nila ang kamay at paa ko.. susubukan ko sanang tumakas pero pinosas nila ang magkabilang pulso ko. "Yukō!" Saad ng lalaki at tumalikod, doon ay pinalakad ako ng kawal at sumunod naman ako sa kanila.

Umalis na kami sa silid.. at naglalakad sa pasilyo. Saan kaya nila ako dadalhin.. wala akong ideya. Sana palayain na nila ako.. wala ako dapat dito. Napagkamalan lang nila akong mananabas dahil sa machete na nadala ko. Hasytt.

[ End of Dale's Point of View ]

Kina umagahan sa bayan ng Tribo Mantul, Kasalukuyang nasa may lamesa si Jeremy at nagtutuos at kini-kwenta lahat ng kinita sa shop ni Fariya. Si Indah at Cipta ay abalang nagluluto sa kusina.

Nakalapag ang maraming pera sa hapag at tumutulong si Ligaya kay Jeremy sa pag-bibilang at pagtutuos ng pera. Naglilinis naman si Gemma sa sala at may biglang sumagi sa kanyang isipan na kinatuwa niya.

Lumapit si Gemma kay Jeremy at may ibinulong at ganun din kay Ligaya hanggang kay Indah at Cipta. Natuwa Ang lahat sa bulong ni Gemma. Nagising na si Yami at humikab at nag hudhod ng mata.

Nang marinig nila ang paghikab ni Yami ay naging seryoso sila at pinagpatuloy ang ginagawa. "Ohayō!" Masayang pagbati ni Yami nang nasa sala na siya. "Magandang umaga" tuwang pagbati ni Jeremy, Gemma at Ligaya.

Bumulong din si Gemma kay Yami na ngayon ay nag stretch ng katawan. Ang mata ngayon ni Yami ay singkit dahil matagal siyang nagising.

"Selamat pagi" pagbati ni Indah at Cipta na sumulyap kay Yami. Naginhawaan at nasiyahan nalang si Jeremy at Ligaya dahil na natapos na nilang bilangin lahat ng pera. "Ang sarap siguro sa bulsa pag ganto karami ang pera mo" birong saad ni Ligaya.

Umabot ng mahigit ng 600k ang perang kinita ng shop ni Fariya.. napaka yaman pala ni Fariya na isang mangangalakal. "Sa sobrang dami.. kailangan mong e sako haha" tawang birong saad ni Jeremy at kinatawa ni Ligaya.

Nilagay na ni Jeremy at Ligaya ang lahat ng pera sa bakal na brief case.. sa sobrang dami ay tumulong na si Yami at Gemma. Nang natapos na mailagay ang pera sa loob ay ni-lock na ni Jeremy ang brief case at nilagay sa cabinet.

Mahigit apat na oras binilang ni Jeremy lahat ng pera at mabuti nalang maagang nagising si Ligaya kaya tinulungan siyang magbilang. Nag stretch ng katawan si Jeremy dahil napagod kaka bilang.

Pinunasan naman ni Gemma ang pawis sa noo ni Jeremy, Napaka maasikaso talaga ni Gemma. Tapos nang magluto sina Indah at Cipta at nilapag na nila ang niluto sa hapag at ang lahat ay nagsi-upuan dahil nagugutom na.

Pempek o egg and fish sausage ang niluto ni Indah at Cipta na sa ring masarap na putahe ng Indonesia. Nagdasal na si Jeremy,Gemma at Ligaya. Pagkatapos nilang mag dasal ay nagsimula ng kumain.

"Itadakimasu!" Tuwang saad ni Yami at kumain gamit ang chop sticks. "Bismillah" tuwang saad ni Indah at Cipta at nagsimulang kumain. Nagsalo salo silang lahat.. "masarap to kapag may coke hehe" nasasarapang saad ni Jeremy.

Nagtaka nalang ang lahat kung ano ang coke.. "Ang coke ay isang inumin na laging naryan kapag may kainan o handaan"  tuwang saad ni Jeremy. Naliwanagan ang lahat at nagpatuloy sa pagkain.. pero sa loob ni Jeremy ay gusto niya ng coke ngayon.

Hindi kumpleto ang masayang salo-salo pag walang malamig na coke na naka handa sa hapag. Si Gemma ay napapa isip kung ano kaya ang itsura coke at anong lasa nun. Gusto niya makatikim ng coke.

[ Dale's Point of View ]

Mahaba ang nilakad naming mga pasilyo at hindi ko na maalala ang mga pasikot sikot ng malaking japanese na bahay nato. Habang papalapit na kami sa isang silid ay may narinig akong sigaw at matinis na kalampag ng kahoy.

Tumigil nalang bigla ang kawal at lalaking kasama ko nang nasa tapat na kami ng pintuan na sliding door.

[ End of Dale's Point of View ]

Naglalakad papunta si Jeremy sa shop ni Fariya dala ang brief case na naglalaman ng 600k. Ihahatid ni Jeremy ang perang nasa brief case kay Fariya na buo at walang kulang. Masaya siya dahil sa binulong kanina ni Gemma na ngayon ay naisip niya

[ Start of Jeremy's Flashback ]

Habang nag bibilang ako ng pera kanina ay may binulong sa akin si Gemma at sa lahat. Nahawa ako sa angking ngiti nya na talaga namang masaya. Ang araw nato ay napakahalaga at hindi niya gustong palampasin.

Hindi kuna ipagsasabi ang buong detalye ng binulong niya. Basta sinabihan niya ako na pupunta daw kaming lahat mamayang hapon sa isang restaurant. Kasama rin si Yami..

[ End of Jeremy's Flashback ]

Sa shortcut dumaan si Jeremy at hindi sa ma-taong lugar dahil baka ma sunggaban ang brief case at tuloyang manakaw. Walang masyadong tao dito sa shortcut. Habang naglalakad siya ay may biglang nang hold-up sa kanya na kinatigil niya.

Napakapit siya ng mahigpit sa brief case at kinabahan dahil hawak niya ang pera na hindi sa kanya. Isang malaking halaga na pagmamay-ari ni Fariya. Tinutukan ng matalim na bagay ang leeg ni Jeremy kaya hindi niya magawang kumilos.

Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon