CHAPTER 1 1/4

15 2 0
                                    

CHAPTER 1 1/4: CHASE

[ Zelda's Point of View ]

Magigising pa kaya ako sa bangungut na'to? Mas mabilis pa ata ang kabog ng puso ko kaysa sa bilis ng halimaw na humahabol sa akin kanina lang. Mabuti nalang at ligtas ako at nagawang magtago dito sa guho na gusali.

Na'san na kaya ang mga kaibigan ko? Hindi kaya.. kinain na sila ng halimaw!? Hindi! Hindi maari!.. sabay kaming napadpad dito sa Isla kaya sabay din kaming alis ng mag kasama.. at dapat buo parin ang bituka at utak.

Ang mga pader ng gusali ay may mga biyak at lumot sa bawat sulok, at wala itong atipan. Sa tingin ko ay dati itong malaking palapag na winasak ng malaking pagsabog ng bomba. Ngayon naka upo at sandal ako sa pader.

Naka hinga narin ako ng maayos at nagpapahinga na.. naisipan kong tawagan ang pamilya ko ngunit napagpasyahan pala naming magbarkada na wala dapat gadgets habang nasa bakasyon para iwas streess muna.

[ Start Of Flashback ]

Habang nasa sinasakyang barko pa ang mag ba-barkada ay nagkakasiyahan at nagdiriwang silang lahat.

"Congratulations sa atin mga pre! Haha" mabuay na saad ni Mateo sa lahat at lumaklak ng hawak niyang alak.

Sumagot naman si Dale at Jeremy ng "Congratulations din haha" na nabubuay na.

Ang mga lalaki lang ang uminom at ang mga babae ay tinitignan lang sila at naaasar.

"Tama na nga yan! Lasing kana Matt, ano ba!" pang aawat ni Valerie kay Mateo na inaagaw ang basong may alak palayo.

"At Kayo naman kinokunsenti ninyo..  kayong mga lalaki talaga, mga gago kayo!" Na iinis na saad ni Valerie kay Dale at Jeremy.

Naka tingin lamang sa kanila si Zelda at Megan na naka halukipkip at nakangisi.. habang patuloy na umiinom ang mga lalaki ay umaawat naman si Valerie.

"Alam mo? Hindi ko talaga alam kung ano ba nakukuha nila diyan sa alak.. eh sobrang pait at weird ng amoy" naguguluhan na tanong ni Zelda kay Valerie

"Haha.. Ang alam ko ay may health benefits din ang alak.. kini cleanse nito ang respiratory system natin laban sa mga harmful toxins. Pero dapat drink in moderation lang" paliwanag ni Megan kay Zelda.

"Ahh.. lumalabas na pagiging doctor mo ah haha." Naliwanagan si Zelda at birong nag saad at inakbayan si Megan.

Natawa nalang si Megan kay Zelda.. habang rinig na rinig na pinapagalitan ni Valerie ang mga lalaking barkada na nag iinuman.

Pumunta si Mateo sa sentro at nag saad "Alam nyo?.. Ang saya ko, kasi graduate na tayong lahat... heto na tayo ngayon.. one step closer na tayo sa pangarap natin" talumpati ni Mateo sa lahat.

Habang nag talumpati si Mateo ay pumaroon si Zelda kay Dale at tumabi at nag saad "akala ko ba.. hindi ka umiinom". "Huh? Ice tea lang to haha.. gusto mo?" Birong saad ni Dale at inabutan si Zelda ng Ice tea.

"Gusto ko mag propose ng toast sa inyong lahat" kumuha na din si Megan at Valerie ng Cocktail at nag cheers silang lahat. Naka tayo si Mateo habang naka upo sa couch ang iba.

"Malapit na tayo sa Japan! Haha" sigaw ni Mateo at tinuro ang timog na direksyon. Naghiyawan naman ang lahat dahil natatanaw na nila ang pangarap nilang destinasyon.

"At habang nasa bakasyon tayo dapat walang maging estorbo.. labas nyo mga phones nyo" Saad ni Mateo at kinuha ang phone mula sa bulsa niya.

"Wag mo sabihing.. itatapon natin. Haha" birong saad ni Dale. "Tama. Ganun nga. Para wala ng dahilan ng problema natin. E enjoy dapat natin ang bakasyon sa Japan" Saad ni Mateo.

"Pero.. baka tumawag pamilya ko at mahalaga ang sasabihin nila" Agam-agam na saad ni Zelda. "Ikaw naman Zeil, masyado kang KJ.. minsan lang to mangyari. Sige na" lumapit si Valerie kay Zelda at hinikayat siya.

Tumayo naman si Jeremy "Naisip ko din. Gusto ko ma ranasan ang buhay na walang internet.. kahit isang buwan lang" nakapag desisyong saad ni Jeremy.

"Zel. Maiintintihan din ng pamilya mo. Hindi kana bata. Palayain mo din ang sarili mo kahit ngayon lang" Saad ni Megan kay Zelda.

Ang lahat ay hinihikayat si Zel hanggang sa nakapag desisyon na siya. "Sige na nga" tuwang saad ni Zelda na ikinatuwa ng lahat.

Doon ay tinapon nila ang phones nila sa dagat at pinagmasdan ang pag lubog ng araw. Magkaka akbay at masaya sa isa't isa. Pinalaya nila ang kanilang sarili mula sa pagkabihag sa responsibilidad at tungkulin sa pilipinas upang maging malaya at masaya.

[ End of Flashback ]

Hindi maiiwasan sa bawat aksyon na gagawin kung magiging mabuti o masama ang kahihinatnan dahil naka depende lamang ito sa takbo ng panahon at swerte.. ngunit maituturing ba itong kamalasan o nagkataon lang lahat?

Isang pala-isipan sa akin ang nangyari.. habang nag iisip ako ay nagulantang nalang ako dahil may malaking ahas na gumagapang ng mabagal papunta sa akin habang nilalabas labas nito ang dila na nagpapakita ng pagka takam.

Hindi ko alam ang gagawin ko at napatayo na lamang ako at pinipilit na kumalma ngunit natatakot at kinakabahan na ako. Habang bumibilis nanaman ang kabog ng dibdib ko ay unti unti namang palapit ng palapit ang ahas.

Bumilis na ang pag gapang ng ahas at nilabas nito ang matalim nitong pangil. Napatakip nalang ako ng aking mata sa takot na ma tuklaw ako ngunit.. bigla itong tumigil.. dahan dahan kong binubuksan ang aking mga mata.

Nakita ko nalang na may tama ng palaso ang ulo ng ahas at dumanak ang dugo nito na mapula at sariwa pa. Ang katawan ng ahas ay pumipilipot dahil sa natamong sugat sa ulo.. sa tuktok ng haligi ng gusali ay may naka tayong tao.

Hindi ko siya makita ng malinaw dahil sa liwanag ng kabilugan ng buwan.. nakatitiyak ako na lalaki siya dahil sa tindig niya. May hawak siyang pana at ngayon nilagay na niya sa kanyang likuran. Niligtas niya ako sa mabangis na ahas.

Tumalon siya papunta sa kinaroroonan ko at hinugot ang kanyang itak mula sa kaliwang bewang niya. Natakot ako baka ako ang hampasin niya ng itak kaya napa yuko ako habang naka takip ang mukha sa braso.

Tinaga niya ang leeg ng ahas gamit ang matalim niyang itak at doon na dumanak ang maraming dugo. Nakita ko nalang siya malapit lapit sa akin at kumuha ng dugo gamit ang vial.. "salamat po" tuwang saad ko sa kanya.

Astig dahil para sya'ng ninja dahil naka takip ang mukha niya at naka suot ng kalasag. Suplado, hindi siya nag sasalita kahit umiimik lang. Hinugot niya ang palaso mula sa ulo ng ahas at tinanggal ang stick nito.

Nangangahulugang kinabit niya ang kunai shuriken sa stick upang maging talim ng palaso.. nilagay niya ito sa lalagyan na holster bag. gayun din ay ibinibigay niya sa akin at tinanggap ko naman. Tumayo nalang ang aking balhibo dahil sa biglang pag lamig ng bugso ng hangin.

Tumalikod na siya at umalis.. nang dumaan ang makapal na hamog ay naglaho na siya kalayuan at hindi ko na natanaw. Nagpasalamat ako sa taong yun kahit napaka suplado. Mukhang mahalaga ang kunai shuriken na binigay niya kaya't iingatan ko ito.

Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon