CHAPTER 6 2/4: AFTERMATH
Nakita nalang niya ang mga naka kulong na tumatanda na at naawa siya.
Sinuyod niya ang buong sulok ng kulungan hanggang sa nakita niya si Dale na kinakaladkad at pinipilit patayuin ni Daisuke. "Pakawalan mo siya!" Sigaw ni Nabau at aatake ngunit napa hinto siya nang tinutukan ni Daisuke ng talim ng punyal ang leeg ni Dale.
"Subukan mong lumapit. Nang makita mo ang katapusan niya" tawang seryosong kinakabahang saad ni Daisuke at pumaparoon sa pader habang hawak si Dale at pinagtatangkaang patayin.
Natigilan si Nabau at lumayo kina Daisuke at Dale. "Ililigtas karin namin kapatid" galit at alalang saad ni Nabau. Pumaroon ang mga kawal sa kinaroroonan ni Nabau at dinakip siya at mahigpit na hawak ang magkabilang braso.
Bumagsak ang machete ni Nabau sa sahig nang dakpin siya ng mga kawal. Doon ay kinarate chop ng kawal ang batok ni Nabau at nawalan siya ng malay. Doon ay lumabas na si Daisuke sa kulungan kasama si Dale na hinahawakan ang leeg.
Patuloy parin ang labanan at kaguluhan sa bayan ng Japanese sa biglaang pag atake ng mga mananabas. Samurai laban sa mananabas.. pareho lang magaling at mahusay. Umakyat sa entamblado si Daisuke kasama si Dale na pumipiglas.
"Magsitigil kayo! Kung hindi ay kikitilan ko siya ng hininga!" Sigaw ni Daisuke at tumigil ang mga mananabas at samurai sa pakikipaglaban gamit ang machete at katana. Nakita nalang ng mga mananabas si Dale na nasa panganib.
[ Dale's Point of View ]
Ginawa niya akong hostage at nadadama ko ang pagdampi ng talim ng punyal sa leeg ko. Hindi kuna maintindihan.. sino ba ang kakampi at kalaban sa kanila. Ang mga Japanese ba o mga Mananabas.
Pilitin ko man sumigaw ay hindi ako maka salita dahil sa nakatali ang bibig ko. Nakita ko nalang na umaabente ang mga mananabas papunta sa entamblado na kinaroroonan ko ngunit natigilan nalang sila bigla at huminto.
"Wag kayong lumapit. Umatras kayo!" Sigaw ng lalaki na ginawa akong hostage. Diniin niya konti ang talim sa leeg ko na at doon na sumakit bigla. Parang malapit na mahiwa pero tinigil niya din nang tumigil ang mga mananabas.
"Nandito kami para iligtas siya. Isuko mo nalang siya ng maayos sa amin!" Matapang na sigaw ng isang mananabas. Humalakhak ang lalaki na rinig na rinig ko dahil malapit lang siya.
"Isusuko ko lang siya sa isang kondisyon." Seryosong saad ng lalaki. "Anong kondisyon?" Seryosong saad ng lalaki kanina. "Wag na kayong manggulo sa bayan namin kahit kailan. Pag sinunod nyo yun. Iuuwi ko siya sa inyo ng buhay. Pagkatapos ng sampung taon" Seryosong mungkahi ng lalaki sa lahat.
Sinali nila ako sa isang kasunduan para sa kapayapaan. Ano na kaya ang mangyayari sa akin.. magiging bilango parin ba ako o magiging alipin nila. Sampung taon bago ako papakawalan.. kakayanin ko kaya yun.
Napa tingin ang mga mananabas sa isa't isa habang ang iba ay inaalalayan at tinulungan ang mga sugatang mananabas. Ang iba rin ay pinapasan ang mga napaslang na mananabas.
"Pumapayag na ako. Siguraduhin mo lang na tutuparin mo ang kasunduan" seryosong saad ng isang mananabas at nilagay ang machete sa lalagyan."May isang salita ako" Saad ng lalaki na ginawa akong hostage at sinali sa kasunduan. "Hanggang sa muli kapatid." "Magkikita din tayo paglipas ng sampung taon" "uminom tayo pag naka uwi kana sa kampo natin" tinignan ako ng mga mananabas at nag papaalam sila sa akin.
[ End of Dale's Point of View ]
Kanina lang habang gumawa ng kasunduan si Daisuke ay napukaw si Nabau sa pagkaka gising at naka takas sa mga kawal at kinuha ang kanyang machete at dinatnan nalang niya na tumigil na ang lahat sa paglalaban.
Nakinig siya sa sinasabi ni Daisuke at naabutan pa niya ang naganap na kasunduan ni Hikban at Daisuke. Maging Siya ay sang ayon din sa kasunduan dahil Ang pakay lang naman talaga nila ay maligtas si Dale ngunit nabigo sila.
Nag tipon lahat ng mga mananabas at umalis na sa bayan ng mga hapon. Nagtapos ang laban sa isang kasunduan na kasali si Dale. Umalis sila na pinapasan ang mga napaslang na kapatid at ang iba ay inaalalayan maka lakad ang sugatan.
Sa bayan ng mga Japanese, ginagamot na ang mga sugatang kawal at samurai habang ang mga napaslang na kawal at samurai ay nilatag ang mga bangkay sa bulwagan ng bayan upang mabigyan ng pagkilala at paggalang.
Pagkauwi ng mga mananabas sa kanilang kampo ay ibinalita nila ang insidenti at tungkol sa kasunduan sa kanilang mga kapatid. Doon ay nilatag din nila ang katawan ng mga kapatid na mananabas at nagluksa at sumigaw ng malakas.
Sa bayan ng mga Japanese, pinagluksaan ng mga mahal sa buhay ng napaslang na kawal at samurai habang nagtatalumpati si Daisuke "Bigyan natin ng pagkilala at pagpapasalamat ang mga matapang at mahuhusay nating mga kawal at samurai na binuwis at ang kanilang buhay upang makamit ang inaasam na kapayapaan at kaayusan sa ating bayan" seryoso at naglukuksang saad ni Daisuke.
May nagbabantay ding mga kawal sa paligid upang masigurong ligtas ang ginagawang pagkilala sa mga pumanaw. Magkasama ding nagluksa sina Akihiro at Yumi at pati si Kairo sa entamblado. Yakap ni Hiro si Yumi na umiiyak dahil sa sinapit ng mga kawal at samurai.
"Karera wa watashitachi ni 10-nenkan tsudzuku jiyū o ataete kuremasu" nalulungkot at naglukuksang saad ni Daisuke at hindi napigilang maluha na kaagad niyang pinunasan.
"Sayōnara. Anata no rei ga rakuen de yasumu koto ga dekimasu yō ni" seryosong saad ni Daisuke at tumungo at bumaba na sa entamblado kasama sina Akihiro at Yumi at Kairo.
Kasalukuyang lumulubog na ang araw na may matingkad na dilaw na liwanag. Patuloy parin ang pagluluksa ng lahat sa mga napaslang na kawal at samurai. Nagluluksa din ang mga mananabas sa mga pumanaw nilang mga kapatid.
BINABASA MO ANG
Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)
Misteri / Thriller1st installment of Dread Series. Group of teenagers sailed the sea and their destination is Japan, but a huge typhoon wreck their yatch and they get stranded in an unknown island. They need to survive to be alive... not knowing they conveyed in a bi...