CHAPTER 4 2/4

2 0 0
                                    

CHAPTER 4 2/4: GRATITUDE

Nang itatarak na ni Jeremy ang talim ng sibat sa dibdib ng bruha ay bigla nalang itong naglaho.
Nagulat nalang si Jeremy at sa lupa na tarak ang sibat. Maging si Dimarumba at Kalpa at ang mga kawal ay nagulat sa nangyari.

Nagtataka silang lahat kung nasaan na ang bruha napunta. Sa tingin ni Dimarumba ay tapos na ang laban kaya't pinag utos niya sa mga kawal sa panig niya na sagipin ang mga sugatang kawal na bumagsak.

Lumapit si Kalpa kay Jeremy "Hindi mo man tuloyang nagapi ang bruha. Humahanga naman kami sa kabayanihan mo" tuwang saad ni Kalpa. "Bakit bigla siyang naglaho?" Takang tanong ni Jeremy.

"Ang katangian niya ay kagaya sa Hunyango kung saan kaya niyang maglaho. Maaring nasa paligid lang siya o tumakas na" paliwanag ni Kalpa. Ang ibang kawal ay sinisigurong wala na sa paligid ang bruha.

Tumakbo si Gemma at mga babae papunta kay Jeremy "Bakit bigla kang sumugod. Pinag alala mo nanaman kami" naaasar na saad ni Gemma. "Patawad. Hindi ko magawang iwanan sila na binubuwis ang buhay. Ito ang pasasalamat ko sa pagligtas nila sa akin" tuwang saad ni Jeremy.

"Sino itong lalaking nagpabagsak sa bruha?" Saad ni Dimarumba na papalapit sa kanila. Yumuko sina Gemma at ang kasamang babae at kinabahan na lamang si Jeremy. "A-ah. A-ako puba?" Kinakabahan at nauutal na saad ni Jeremy.

Pinayuko ni Gemma si Jeremy at bumulong "magbigay galang ka". "magandang hapon po. Ako po si Jeremy...ah." naputol na saad ni Jeremy. Bumulong ulit si Gemma "Pinunong Dimarumba" mahinang bulong.

"Pinunong Dimarumba" Saad ni Jeremy at tumungo. "Haha. Gusto ko Ang isang ito. Umuwi na tayo sa bayan" Saad ni Dimarumba. Pinagtipon lahat ng kawal at ang iba ay inalalayan o binuhat ang sugatan.

Umalis na silang lahat sa tabing-lawa at pinagliyab ang tanglaw dahil malapit nang dumilim. Sa isang puno sa malayo ay nagpakita ang bruha sa likod ng puno at pinagmamasdan silang umalis.

Ang mata ay dilat at bukas. Ang matalim na ngipin ay may dugo dahil kumagat ng mga kawal kanina at ng matalim na kuko ay may dumikit na laman at balat sa loob dahil sa pagkalmot ng kawal. Sugat ay dahan dahang naghihilom.

[ Gemma's Point of View ]

Hinawakan ko siya upang hindi na mahiwalay sa akin ngunit siya ay tumakbo pabalik sa labanan sa tabing-lawa. Ano ba ang gusto niyang patunayan.. bakit nagpapaka bayani siya. "Babalik ako" sinabi niya kanina at hinaplos ang buhok ko at dun siya tumakbo palayo.

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko. Parang ang puso ko ay nasa lalamunan kuna.. ang hirap huminga. Sa tuwing nakikita ko ang mga sugatang kawal ay nag aalala nalang ako, paano nalang kung mangyari sa kanya yun.

Ngayon ay gabi na at sinasamahan ko siya papunta sa tahanan ni Dimarumba na protektado ng kawayan na pader at mga bantay na kawal. Pinagbuksan kami ng malaking tarangkahan at pumasok na sa loob ng hardin na bulwagan.

[ End of Gemma's Point of View ]

Kaluskos ng tanglaw na naka tarak sa lupa at ang iba ay naka kabit sa sementong pader na nagsisilbing liwanag sa bulwagang hardin. Mga kawal ay nakatayo ng matuwid at hawak hawak ang sibat na nag babantay sa paligid.

[ Jeremy's Point of View ]

"Bakit nga pala ako pinatawag dito?" Takang tanong ko kay Gemma. Wala akong ideya kung ano ba ang sasabihin ng pinunong.. hindi ko makabisado ang pangalan. "Malalaman mo rin pag naka harap mo na siya" tuwang saad ni Gemma at hinawakan ang balikat ko.

Nasa harap na kami ng hagdan at umaakyat sa taas. Pagdating namin sa taas ay nakita ang lalaking nagpakilala sa akin bilang Kalpa at sinasalubong kami. Kaagad kaming nag bigay galang kay Kalpa. "Halikayo at pumasok sa tahanan ni Dimarumba" galak na saad ni Kalpa.

Pumasok kami ni Gemma sa bulwagan na parang templo at namangha ako sa desinyo dahil yari sa kawayan at pawang kahoy lahat ng ginamit. Sa gitna ng bulwagan ay may malaking lamesa na may maraming pagkain.

Sari-sari ang mga prutas at may lechon din. Nakakatakam dahil mukang masarap ang pagkain nila. Naka upo si Dimarumba sa malaking upuan. "Maupo kayo" Saad niya sa amin.

Iniusog ko ang isang upuan upang maka upo si Gemma at umupo ako sa katabi niyang upuan. "Mga kawal. Kalpa. Iwan nyo muna kami" Saad niya sa mga kawal at lumabas sila sa silid. Ako ay naka ngisi lang kay Gemma at ganun din siya at nag usap usap ng mahina.

"Kumain kayo. Dito na kayo maghapunan" Saad niya at kinagat ang hawak na hita ng manok. Narinig ko nalang ang malutong na pag kagat niya. Nais kong kumain pero nahihiya ako.. ganun din kaya si Gemma.

Tinignan ko si Gemma at mukhang kalmado lang at hindi natatakam sa mga pagkain at naka lagay ang kamay sa kandungan. "Ipagpaumanhin nyo ngunit busog pa ako" tuwang saad ni Gemma.

"Ganun ba. Ikaw. Kumain ka" Saad niya at tinignan ako. Sasagot na sana ako kaso bigla nalang kinirot ni Gemma ang bewang ko. "A-ako din. Busog pa" nautal na saad ko at napilitan nalang bigla. Hindi ko alam kung ano ang pinapahiwatig ni Gemma sa akin.

"Ah. Saan ka galing eho? Paano ka napadpad dito sa isla" Seryosong tanong ni Dimarumba. Bakit kaya niya tinatanong yan. "Galing ako sa pilipinas at papunta sana kami sa Japan..ngunit" Saad ko at sumapaw siya "teka. Kami? May mga kasama ka?" Takang tanong niya.

"Oo. Ngunit nagkahiwalay kami nang hinabol kami ng mga halimaw" saad ko sa kanya. "Anim ba kayong lahat?" Nililinaw niyang tanong. "Oo. Paano nyo nalaman?" Takang tanong ko. "May nag ulat na may nakitang damit ng dayuhan sa tabing-dagat.. sabihin mo. Isa kaba sa kanila?" Direktang saad sa akin.

"Oo. Mga kasama ko sila. Alam mo ba kung nasaan sila" tuwang saad ko sa kanya. "ikinalulungkot ko ngunit. Hindi pa sila nahahanap ng mga kawal" seryosong saad niya sa akin.

Natahimik nalang ako at hindi na nag tanong. "Wag kang mabahala. Sinusuyod na ng mga kawal ang buong Isla" Saad niya sa akin at uminom ng serbesa. "Gemma. Alagaan mo siya ng mabuti at ayoko nang maulit Ang nangyari. Malinaw ba?" Saad ni Dimarumba.

"Masusunod po." Tumango si Gemma. "Bakit? kailangan niya ako pagsilbihan. abala lang ako" takang tanong ko. "Hehe. Maiintindihan mo rin sa takdang panahon eho" tuwang saad ni Dimarumba at nabubuay na sa serbesa.

"Tinatapos kuna ang ating pag uusap. Maari na kayong umuwi. Kalpa!. Ihatid sila sa labas" saad niya sa amin at nag utos kay Kalpa. Nagbigay galang at nagpaalam kami ni Gemma at sumama kay Kalpa.

Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon