CHAPTER 7 1/4: BREAKTHROUGH
Kina tanghalian sa bayan ng Tribo Mantul, nagluto si Indah at Cipta ng Rendang na baka na kilala bilang sikat na putahe ng mga Indonesian. Naging paborito narin ito nila Gemma, Ligaya at Yami sa tinagal tagal nilang magkasama.
Hinain na nila ang Rendang na baka sa hapag kung saan naghihintay sina Jeremy, Gemma, Ligaya at Yami na kanina pa may nalalanghap na masarap. Umupo narin sila Indah at Cipta sa upuan at magsisimula nang magdasal si Gemma.
Nagkrus sina Gemma, Ligaya at Jeremy at pikit ang mata "Panginoong Diyos, Ama sa Langit, Salamat sa pagkain na naka hain sa aming hapag at salamat sa mga pang araw araw na pangangailangan na natatanggap namin, sa pamamagitan ni Hesukristo, aming panginoon. Amen." Mataimtim na pagdadasal ni Gemma.
Doon ay nagkrus na sina Jeremy, Gemma at Ligaya at minulat na ang mata. "Bismillah" tuwang saad ni Indah at Cipta "Itadakimasu" tuwang natatakam na saad ni Yami. Doon ay masaya silang nagsalo-salo habang nag uusap usap.
Bago sa panlasa ni Jeremy ang Rendang pero nagustuhan niya ito, dahil parang curry daw. Nilagyan ni Indah ng kaunting anghang ang Rendang habang niluluto kanina dahil mahilig siya sa maanghang. Makalipas ang ilang minuto ay tapos na silang kumain at naubos ang kanin at Rendang.
Uminom na sila ng tubig at si Jeremy ay nagbuluntaryo na maghugas ng pinagkainan pero kusang loob si Ligaya na maghugas kaya walang nagawa si Jeremy at nilinis nalang ang hapag.
Pumunta naman sina Indah at Cipta sa kanilang kwarto. Habang si Yami ay binigyan sina Jeremy at Gemma ng pagkakataon makapag usap ng sarilinan at lumabas siya ng bahay. "Aalis muna ako at mamamalengke ako sa bayan" tuwang naka ngising paalam ni Yami.
Nagpaalam din si Gemma sa kanya at sinabihan na mag ingat at ganun din si Jeremy. Doon ay umalis na si Yami na naka ngisi at masaya. Pinupunasan ni Jeremy ang hapag at inayos ang mga upuan. Habang si Gemma ay nagwawalis walis at may naiisip na kinatuwa niya.
Naghuhugas ngayon si Ligaya ng pinagkainan sa hugasan. Habang sina Indah at Cipta ay nagkakasiyahan na nagbibihis. Si Cipta ang nakababatang kapatid ni Indah. Makulit si Cipta at inaasar si Indah pero sinasabayan naman ni Indah dahil gusto niya na laging masaya ang kapatid niya.
Nang tapos na magwalis si Gemma ay lumapit siya kay Jeremy at kinalbit. Napa lingon naman si Jeremy na abala sa pag tatali ng kurtina. "Ah. May kailangan ka?" Tuwang saad ni Jeremy. "Pwede ba tayo sumama kina Indah at Cipta sa mosque?" Tuwang nahiyang saad ni Gemma habang ang kamay ay nasa likod.
"Oo. Sige ba." Tuwang at galak na saad ni Jeremy. Doon ay lumabas na si Indah at Cipta na nagbihis ng kurtah at paijamah na kasuutan para sa pagsamba sa mosque. Natuwa si Gemma sa tugon ni Jeremy.
Doon ay nagpaalam na sila kay Ligaya na kakatapos lang maghugas ng pinagkainan. Ang bayan ay dagsaan ng mga tao at abala sa pag ta trabaho ang iba nang pumunta sila. Si Jeremy ay ngayon lang nakita ang bulwagan ng bayan kung saan maraming mga palapag.
Nakita narin ng haring araw si Jeremy dahil nakaraang araw ay hindi siya lumabas ng bahay. Papunta sila sa Mosque kung saan nagtitipon ang mga Muslim na Indonesian. "Ngayon ay Jumah o araw ng pagtitipon na sinasagawa tuwing biyernes sa mosque" tuwang saad ni Indah kay Jeremy at naging interesado siya.
Naglalakad silang apat papunta sa mosque at namangha si Jeremy sa Mosque na nakikita niya dahil malaki ito. Nasa harapan na silang apat sa pasukan ng mosque at tumingin tingin sa Jeremy sa natatanaw sa loob.
"As-salamu alaikum" bati ng mga Muslim na nakakasalamuha nila. "wa-Alaikumussalam wa-Rahmatulla" pabalik na bati ni Indah at Cipta.
"mari kita mulai berdoa" Saad ng umam o nangunguna sa panalangin sa lahat ng ummah o grupo ng mga Muslim kasama na sina Indah at Cipta.
"Sampai jumpa lagi" Saad ni Indah "Selamat tinggal" Saad ni Cipta at nagpaalam kina Jeremy at Gemma. Hinubad na ni Indah at Cipta ang kanilang sandal at iniwan sa lalagyan ng sapatos at pumasok na sa loob ng Mosque. Pumunta muna sila sa hugasan upang maghugas ng kamay. Doon ay nagpaalam din sina Jeremy at Gemma na nasa labas lang.
Sa loob ng mosque ay umupo na sa sahig sina Indah at Cipta at sinimulan ng lahat ang Tahiyatul Masjid o pagbati sa mosque. Pagkatapos ng pagbati sa mosque ay sinagawa ng umam ang pang unang dasal. Ang kasunod ay simula ng umam ang Khutbah o sermon at ang lahat ay nakikinig. Si Indah at Cipta ay magkatabi.
Maraming mga muslim ang dumalo sa Jumah at mataimtim na nagdarasal. Ang ibang nahuli ay may nakareserbang mauupuan sa likod. Ang lahat ay nakaupo sa banig na ginagamit sa pagdadasal.
Kasalukuyang magkatabing naka upo si Jeremy at Gemma sa tabi ng kahoy na tulay at pinagmamasdan ang pag agos ng tubig sa ilog. Ang lugar ay hindi masyadong matao at maingay kaya naisipan ni Gemma na dalhin si Jeremy sa ilog.
Nag uusap usap sila ng kahit anong mga bagay at kinikwento naman ni Gemma ang kanyang mga di malilimutang alaala dito sa ilog. Pati din si Jeremy ay nagbahagi ng mga alaala kay Gemma at nalibang silang dalawa na pinakikinggan ang kwento ng isa't isa.
"Tayo lang dalawa ang magkasama. Parang nag da date na tayo" tuwang saad ni Jeremy. "Ano ang Deyt" takang tanong ni Gemma. "Ahm. Namamasyal. Hehe" tuwang saad ni Jeremy at naginhawaan dahil hindi yun alam ni Gemma.
"Pwede tayo mag deyt minsan. Ipapasyal kita kahit saan" tuwang saad ni Gemma na naka ngisi at masaya. Hindi naman naka sagot agad si Jeremy at nailang bigla. "Oo. Sasama ako kahit saan payan" tuwang saad ni Jeremy. Sila ay nagngisihan at nagpatuloy na pagmasdan ang ilog at dama ang presensya ng isa't isa na masaya at maligaya.
Ang likuran nila ay may mga matatayog na punong na tumatakip sa kanila at sinisilong sila mula sa init ng araw. Mahangin ang paligid at payapa at kalmado ang alon ng tubig ng ilog.
Tahimik lang silang dalawa na pinagmamasdan ang ilog at biglang naisipan ni Gemma na pumulot ng maliit na bato mula sa mababaw na bahagi ng ilog. Tumayo si Gemma at napatingin si Jeremy sa kanya.
Hinagis nya ang bato sa tubig at hindi ito lumukso at lumikha lang ng ripple. "Paano ba pa laktawin ang bato sa tubig" takang tanong ni Gemma at dismayado at iniisip kung paano. Naghanap naman si Jeremy ng patag na bato sa ilalim ng tulay na inuupuan nila sa mababaw na bahagi ng ilog.
Hanggang sa nakahanap nga si Jeremy ng patag na bato at umakyat na siya sa tulay. "Ang kailangan mo ay isang patag na bato" tuwang saad ni Jeremy at binigay kay Gemma. Tinanggap ni Gemma at napansing magaan at manipis lang ito.
Madali lang hawakan at kasya sa kamay ni Gemma ang bato. Pumwesto naman si Jeremy sa tabi ni Gemma at pinawakan ng mahigpit ang bato sa pagitan ng hinlalaki at gitnang daliri. Ngayon ay interesado si Gemma na matuto kung ano ang dapat gawin.
Pagkatapos ay pinabalut ng mahigpit ni Jeremy ang hintuturo ni Gemma sa paligid ng bato. Maingat at malumanay na sinasa ayos ni Jeremy ang paghawak ng kamay ni Gemma sa bato upang maiwasan ang pagkabali ng buto.
Pumwesto si Jeremy sa isang tabi at nakaharap sa tubig sa bahagyang anggulo na nakababa ang braso sa lupa. "Panatilihing magkalayo ang iyong mga paa sa lapad ng balikat at bahagyang ibaluktot ang iyong mga tuhod" Seryosong saad ni Jeremy. Seryoso lang din ginaya naman ni Gemma ang ginawa ni Jeremy.
Makikita sa mata ni Gemma ang determinasyon na matuto sa isang bagay at ngayon ang pagpapalukso ng bato sa tubig. Hinahanda na ni Gemma ang kanyang paghagis ng bato sa tubig sa posisyong sinasadula ni Jeremy.
Naka postura ang katawan nila na parang maghahagis ng baseball at hinahanda na ang bato sa paghagis..
BINABASA MO ANG
Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)
Mystery / Thriller1st installment of Dread Series. Group of teenagers sailed the sea and their destination is Japan, but a huge typhoon wreck their yatch and they get stranded in an unknown island. They need to survive to be alive... not knowing they conveyed in a bi...
![Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)](https://img.wattpad.com/cover/307705227-64-k898412.jpg)