CHAPTER 8 3/4

1 0 2
                                        

CHAPTER 8 3/4: ENDOWMENT

Umaga sa bayan ng Tribo Mantul, kasalukuyang nasa balconahe ng bahay ni Filsuf Gunadi sina Jeremy, Gemma, Ligaya, Yami, Indah at Cipta. Si Gunadi ay isang matalino at tanyag na pilosopo at isa din siya sa mga konseho ng ministro ng agham.

Naka upo lamang sina Jeremy at ang iba sa sahig ng balconahe at hinihintay na lumabas si Gunadi sa kanyang bahay. Ang matandang babae din na sumugod sa bahay ni Gemma kahapon ay kasama din nila at tinitignan ang bagong cutics na kulay lila(violet) sa kuko ng kanyang mga daliri sa kamay.

May isang maliit na kahoy na lamesa na nasa harapan nila at may nakalagay na Abacus o abako, ay isang kagamitan sa matematika na ginagamit sa pang-tuos at pagtantiya, binubuo ito ng mga abaloryo(beads) na pinapadulas sa mga kawad.. ang mga parti na nabanggit ay naka-kabit sa kuwadrong kahoy.

Habang naghihintay si Jeremy kay Filsuf Gunadi ay may naalala siya bigla mula sa nakaraan..

[ Start of Jeremy's Flashback ]

Noong bata pa ako hanggang sa nag binata na ako.. ayoko talaga sa math kasi napaka hirap at tingin ko wala akong pag-asa sa subject nayan. Bobo talaga ako sa math.. hindi ko nga kabisado ang multiplication table eh. Tamang tingin lang ako sa kodigo habang nasa exam.

Ewan ko ba kung bakit hindi ako nagmana sa side ng mama ko na matalino.. kahit sa side man lang ni papa na malalakas. Minsan napapa isip ako kung ampon ba ako kasi ibang iba ako sa mga kapatid ko. Pakiramdam ko hindi ako belong sa kanila.

Mga nakakatanda kong kapatid ay mga matagumpay na ngayon. Si Ate Emily kumita na ng isang milyon sa restaurant na tinayo niya.. hindi kami masyadong close ng ate ko pero binigyan niya ako ng 60K. Ayos din ang ate ko kasi hindi madamot hehe.

Habang nasa dinner kami nang nag celebrate kami dahil naka first 1million si Ate Emily sa restaurant niya, masaya silang nag-kwekwentuhan sa mga achievements ni ate habang ako ay tahimik lang na kumakain ng beef steak.

"Uy? Bat ang tahimik mo?" Kinalbit ako ni Ate at takang nag saad "Ah. Wala lang.." kalmadong saad ko. "Kaya ka walang mga kaibigan eh.. Kasi hindi ka marunong makisama. Haha" pagmamayabang na saad ni Kuya Henry. Simula nang naging piloto ng eroplano si kuya ay pumangit na ang pag uugali niya. Haystt.

Ang taas ng tingin ni kuya sa sarili niya.. kagaya ng eroplano na pinipiloto niya sa himpapawid. "Kuya! Stop teasing him.. pwede ba?" Pagtatanggol ni ate sa akin.

"Stop, defending him Emily.. totoo naman kasi.. eh hanggang ngayon wala parin siyang na-uuwing babae dito sa bahay.. lalaki kaba talaga? Haha" pang tutukso ni papa sa akin na kinatigil ko.

Pinalo bigla ni mama ang braso ni papa dahil magkatabi lang sila. "Isa kapa!.." sigaw ni mama habang pinalo si papa.. "Wag mo seryosohin ang sinabi ng papa mo.. ang amin lang ay matuto ka sanang makipag kaibigan sa iba" alalang dugtong na saad sakin ni mama.

Si papa naman ay hindi sang-ayon sa sinasabi ni mama at may mahinang binubulong na hindi ko marinig. Ngumingisi naman si kuya na halatang natatawa sa akin.. habang si ate ay pinapagaan ang loob ko.

Tumayo ako sa kina-uupuan ko "busog na po ako.. pupunta na ako sa kwarto ko" Pagpapaalam ko sa kanilang lahat at umakyat na sa hagdanan papunta sa kwarto ko. Tagos sa dibdib ang mga katagang sinabi ni papa at kuya sa akin.

Mahina.. oo.. mahina ako. Binuksan kuna ang pintuan ng kwarto ko.. napaluha ako.. dahil nakita ko ang bagay na nagpapasaya sa akin.. ang Computer ko. Nang nakita ko ang Computer ay nawala ang kalungkutan ko at napalitan ng pagka tuwa.

Kaagad ako nag punas ng luha at ni-lock ang pintuan.. doon ay pumaroon ako sa gaming chair ko at umupo. Sinimulan kong e saksak ang power cord ng system unit sa socket. Pagkatapos ay pinindot kuna ang power button at umandar na ang computer.

Sinuot kuna ang head phone ko at ini-strech ang kamay at leeg bago ako sumabak sa laro. Nagsimula na akong maglaro ng Dota o Defense of the Ancients kasama ang squad ko.. si Juggernaut ang main hero ko at ginagamit ngayon dahil sa mga astig niyang abilities gaya ng Blade dance at Omnislash.

Naglaro ng naglaro lang ako at nag-eenjoy ako.. nalilimutan ko ang lahat ng mga masasakit na salitang sinasabi ng mga tao sa akin.. "Ayan nanaman ang weirdo. haha" "Wag ka lumapit diyan.. may virus yan" "may sakit siguro yan Kasi lagi nalang nag ja-jacket" yan palagi kong naririnig sa mga kaklase at ibang tao.

Pakiramdam ko malakas ako.. kaya ko maging hari dito sa larong Dota. Haha.. mga video games nalang mga nagiging kaibigan ko dahil sa mga quest at mission na binibigay nila sa akin. Ito ang nagbibigay sa akin ng kasiyahan na hindi ko mahanap sa buhay. Playing video games is my escape from this wicked world.

[ End of Jeremy's Flashback ]

Hinagayway nalang ni Gemma ang kamay sa mukha ni Jeremy na tulala.. bigla nalang napukaw si Jeremy at nakita nalang ang isang payat na matandang lalaki na si Filsuf Gunadi. Habang tulala pala si Jeremy ay kanina pa naka upo si Filsuf Gunadi at humaharap sa kanila.

"Ayos ka lang ba eho?" Alalang saad ni Gunadi. "O-opo.. ayos lang" napukaw na saad ni Jeremy at umayos ng pag-upo. Silang lahat ay bumati kay Filsuf Gunadi at nag bigay galang. "Makasih Banyak.. Simulan na natin ang eksaminasyon" tuwang saad ni Gunadi.

Magkatabi si Filsuf Gunadi at ang matabang babae habang nasa panig ni Jeremy sina Gemma, Ligaya, Yami, Indah at Cipta. "Pinapaki usapan ko sana ang mga binibini na lumayo at wag tabihan ang sasalang sa eksaminasyon.. maari ba?" magalang na saad na Gunadi.

"Galingan mo." saad ni Gemma "Chepret" saad ni Indah. Doon ay nagpaalam ang mga dalaga at lumipat ng mauupuan na malayo kay Jeremy pero pwede parin maka manood na bahagi. Hinahanda ni Jeremy ang kanyang isipan sa isasagawang eksaminasyon sa kanya.

"Let's begin with a warm up.." seryosong saad ni Gunadi na kinagulat at kinamangha ni Jeremy dahil marunong pala ang pilosopo mag English. "Wow! S-so you can also speak numbers?" Manghang saad ni Jeremy.

"Of course.. numbers are very easy to memorize as I study this language called English" tuwang saad ni Gunadi. Naginhawaan si Jeremy dahil hindi siya mahihirapan mag solve dahil english.. hindi kasi niya kabisado ang mga numero kapag sa tagalog... minsan naguguluhan pa siya.

"I'm ready sir Gunadi.. let's start" nagagalak at masayang saad ni Jeremy at kinuha na ang abacus sa lamesa.. nag uumpisa nang uminit ang paligid. May mga nanonood din na tao mula sa labas at hindi na makapag hintay na mag umpisa sila.

Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon