CHAPTER 7 2/4: BREAKTHROUGH
"E bato mona" tuwang senyas ni Jeremy at hinagis na ni Gemma ang bato sa ibabaw ng tubig ng ilog ngunit hindi ito lumukso at gumawa lang ng malawak na ripple. Nadismaya nalang si Gemma dahil hindi niya nagawa.
Sumunod na hinagis na ni Jeremy ang bato sa ibabaw ng tubig ng ilog at napa lukso niya ito ng apat na beses. Nakita nalang ni Jeremy ang pagka dismaya ni Gemma dahil hindi niya napa lukso ang bato.
Lumapit naman si Jeremy kay Gemma at hinawakan ang balikat "Okay lang yan. Ganyan din ako nung una. Sinubukan ko ng paulit ulit hanggang sa napa lukso ko narin ang bato ng tatlong beses. Lahat ng bagay ay may proseso.. ang mahalaga ay wag kang sumuko" pang- uudyok na payo ni Jeremy kay Gemma.
"Salamat sa payo" tuwang saad ni Gemma at ngumisi na at nawala ang pagkadismaya. "Pwede natin gawing libangan ito paminsan minsan. Sasamahan kita mag ensayo" tuwang saad ni Jeremy at hindi namalayan na parang na akbayan na niya si Gemma.
"Magandang ideya yan" masayang tugon ni Gemma at napatingin nalang dahil inakbayan siya ni Jeremy. Pinagmasdan nila ulit ang ilog na masaya at nalugod sa magandang tanawin.
[ Jeremy's Point of View ]
Sobrang saya ng pakiramdam pag kasama siya.. hindi ako nahihiya at takot ipakita ang tunay na ako. Nakaka relax ang katahimikan at tanawin sa ilog. Parang gusto kuna manatili dito habang buhay kasama si Gemma at sila Ligaya, Yami, Indah at Cipta.
Binabagabag parin ako sa nangyari nang napadpad kami ng mga kaibigan ko sa Isla na ito. Napapa isip ako kung nasaan na kaya sila.. may tinutuluyan ba sila katulad ko. Sana ay ligtas lang sila lagi at malayo sa panganib.
Ano ba itong mga bulong na naririnig ko.. hindi ko maunawaan at pabalik balik na sinasambit. Parang nanunuot sa utak ko ang mga boses na pumapasok sa tenga ko. Si Gemma lang naman ang kasama ko pero bakit parang nasa tabi ko lang ang bumubulong.
"May problema ba? Ayos ka lang ba" alalang saad ni Gemma sa akin. Nababahala na ako sa nangyayari sa akin. Mahina ang pagkadinig ko sa saad ni Gemma sa akin pero ang mga bulong ay parang naka ear phones ang lakas ng tunog.
[ End of Jeremy's Point of View ]
Hindi lang si Jeremy ang nakakarinig sa bulong kundi pati sina Dale at Zelda. Nararanasan nila ngayon ang pag sakit ng ulo dahil sa matinis at magulong ingay. Sa silid na pinagkulungang ni Dale ay umabot rin ang bulong sa kanya.
Sumisigaw si Dale sa sobrang sakit ng ulo niya at sa sobrang ingay na bumubulong na naririnig niya. Pinipilit niyang pumiglas sa pagkakagapos at inuntog niya ang likod ng ulo niya sa pader na sinasandalan. Narinig ng mga Japanese na kawal ang hindi karaniwang sigaw niya kaya nagsipasukan sila sa silid at pinatigil siya sa pagsigaw.
Habang nagbubuhat ng package si Zelda ay nabitawan niya ito at napa upo nalang sa lupa dahil sa sobrang sakit ng ulo niya na parang binibiyak ng mga bulong sa tenga. Sa bulwagan ng bayan ay napatingin ang mga tao dahil sa kanyang pagsigaw at nagtataka.
Nabahala din si Gemma dahil sa masamang nangyayari kay Jeremy at inalalayan dahil parang matutumba kahit anong sandali. Sumigaw at biglang tumingin nalang si Jeremy sa isang direksyon at nakabulagta.
Tumakbo nalang bigla si Jeremy papunta sa direksyon na tinignan niya at hindi niya sinasadyang natulak si Gemma na ngayon ay napa upo sa sahig ng tulay. Tinahak ni Jeremy ang daan pa alis sa tulay.
Tumayo si Gemma at sinundan si Jeremy na parang wala sa sarili. Sa silid naman na pinagkulungan kay Dale, pinapatigil ng mga Japanese na kawal ang pag sigaw niya ngunit hindi nila ma awat. Nang itatali na sana ng kawal ang bibig ni Dale ay kinagat niya ito.
Sa bulwagan ng bayan ng Tribo Mantul ay may naglakas loob na lumapit at tinulungan si Zelda. Tinatahak ni Jeremy ang daan papunta sa pitong sagradong statwa at ngayon ay sinusundan siya ni Gemma.
Makalipas ang ilang oras ay nakarating na si Jeremy sa pitong sagradong statwa at nakaharap siya dito. Napukaw nalang bigla si Jeremy at napagtanto lahat ng kanyang ginawa at nagtaka kung bakit nagkaganun.
Lumapit si Gemma sa kanya "Ano bang nangyayari sayo? Sabihin mo?" Alalang nababahalang saad ni Gemma at doon hinawakan niya ang kamay ni Jeremy. Tumingin naman si Jeremy na pinagpapawisan at hindi mapikit ang mata na parang natatakot.
"H-hindi ko a-alam" nauutal at takang saad ni Gemma "May mga bulong na naririnig ko at sumakit bigla ang ulo ko" dugtong niya. Nang nakarating na siya sa mga sagradong statwa ay naglaho na ang mga bulong at naging payapa na ang pandinig niya.
Si Zelda ay dinala ng babaeng tumulong sa kanya papunta sa pinakamalapit na klinika. Bumangon siya sa pagkakahiga sa kama nang naglaho nalang bigla ang mga bulong. Kasalukuyang kinakausap ng babaeng tumulong sa kanya ang doktor.
Natatakpan ang kinaroroonan ni Zelda ng kurtina.. nang buksan na ng doktor ang kurtina ay wala na silang dinatnan kundi kama na walang naka higa. Naka bukas ang bintana na nangangahulugang tumakas si Zelda.
Nagtaka nalang ang doktor nang naglaho ang isang pasyente bagaman narinig pa niya si Zelda na sumisigaw kanina lang. Ang babaeng tumulong pala sa kanya ay si Yami na may dalang groseri. Sa silid na pinagkulungan naman ni Dale, Ang kawal na kinagat ni Dale ang kamay ay nasuntok si Dale.
Naglaho narin kay Dale ang bulong na naririnig at nagtataka. Nagkaroon ng marka ng kagat ang kamay ng kawal dahil sa pagkagat ni Dale. Gumanti ang kawal na yun at sinuntok si Dale at nawalan ng malay. Doon ay umalis na ang mga Japanese na kawal at naiwan si Dale na putok ang labi dumugo at nakatulog dahil sa suntok.
Sa pitong sagradong statwa, nagtataka si Jeremy at Gemma sa nangyari. Umupo sila sa tumbang kahoy sa lupa "Kamusta na ang pakiramdam mo " Takang tanong ni Gemma "maayos na. Naglaho na ang mga bulong nang dumating na ako dito sa mga statwa" Saad ni Jeremy na kalmado na at bumalik na sa katinuan.
"Ano ang sinasabi ng mga bulong?" Takang tanong ni Gemma "Wala akong naintindihan dahil magulo at hindi ako pamilyar sa wika" Saad ni Jeremy. Si Gemma ay napapa isip sa kakatwang nangyayari kay Jeremy.
"Patawad sa nagawa ko kanina. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa yun" dalisay na saad ni Jeremy. "Ayos lang. Bakit dinala ka ng paa mo dito.. dahil din ba ito sa bulong" takang saad ni Gemma. "Parang inuudyok ako ng bulong na pumunta dito" seryosong nagtatakang saad ni Jeremy.
"Hindi maari ito." Nababahalang saad ni Gemma. "Bakit?" Takang tanong ni Jeremy. "Wala. Mas mabuting umuwi na tayo. Baka napag laruan ka ng masamang elemento" Saad ni Gemma at hinawakan ang kamay ni Jeremy at tumayo na nag aaya nang umuwi.
Doon ay tumayo na din si Jeremy at napa tingin sa pitong sagradong statwa. "Umuwi na tayo" Saad ni Gemma "Tara na" pagsan-ayong saad ni Jeremy at sumama kay Gemma at umalis na sila sa lugar.
Natapos na ang Jumah at ang lahat ng Muslim sa mosque kabilang si Indah at Cipta ay binati at nagkamayan ang iba sa mga isa't isa. Naging maayos ang Jumah sa mosque. "semoga allah mengabulkan doamu" Saad ni Indah at Cipta sa mga katabi at ngumisi pabalik ang iba.
Nang naka uwi na silang lahat sa bahay ay nais ikwento ni Yami ang nangyari sa bulwagan ng bayan. Nilapag ni Yami ang pinamiling groceri sa lemesa at nakitang naka upo sina Jeremy at Gemma at masinsinang nag uusap.
"Kamusta ang lakad mo?" Tuwang saad ni Gemma at tinignang umupo si Yami at nagtaka kung bakit parang malalim ang iniisip "Anong nangyari?" Takang dugtong ni Gemma. "May babaeng sumasakit ang ulo kanina sa bulwagan at dinala ko siya sa klinika subalit naglaho nalang siya bigla nang nasa kilinika na siya" takang inilahad ni Yami ang lahat.
Nagtaka nalang si Gemma dahil sabay na nangyari ang dalawang insidenti kung saan may kakaibang nangyari kay Jeremy at ngayon isang babaeng sumasakit ang ulo na sinasabi ni Yami. "Kakatwa.. nakilala mo ba kung sino siya" takang tanong ni Gemma.
"Hindi ko nakita ng buo ang mukha niya dahil naka balatkayo siya" seryosong saad ni Yami "Yun lang ang alam ko. Puntahan ko lang si Ligaya" dugtong ni Yami at kinuha ang groceri sa lamesa at pumunta sa kusina kung saan nandon si Ligaya at may niluluto.
Tumitig nalang si Gemma kay Jeremy na nagtataka sa lahat ng nangyari sa tanghaling ito.
BINABASA MO ANG
Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)
Misterio / Suspenso1st installment of Dread Series. Group of teenagers sailed the sea and their destination is Japan, but a huge typhoon wreck their yatch and they get stranded in an unknown island. They need to survive to be alive... not knowing they conveyed in a bi...