CHAPTER 2 1/4

7 0 0
                                    

CHAPTER 2 1/4: GREENHORN

Sumikat na ang araw at Sina Dale,Zelda at Jeremy ay di namalayang nakatulog kagabi na naka sandal lamang. Sa kinaroroonan ni Jeremy ay dinagsa ng mga tao dahil sa halimaw na napatay sa bitag.

Ipinag bigay alam ng isang kawal Ang insidenti sa pinuno ng tribo upang mailibing ng maayos ang bangkay ng halimaw. Ang mga kababaihan ay natagpuan si Jeremy na natutulog at madumi ang katawan.

"Isang dayuhan. Maaring naliligaw siya at naka sagupa ang halimaw" Saad ng isang dalaga na dinadampi  ang basang tela ang mukha ni Jeremy upang malinis. "Hindi kaya.. siya ang naglakas loob na palapitin ang halimaw sa bitag." Humangang Saad ng ikalawang dalaga.

"Sana ay wala pa siyang nobya haha" kinikilig na saad ng ikatlong dalaga na dahilan kung bakit tumili ang mga dalaga "Shh! Baka magising bigla at mataranta. Dapat gigising siya na kalmado lang" pang-awat na saad ng ikaapat na dalaga na pinapaypayan si Jeremy.

Sa kabilang dako pumunta ang pinuno ng tribo sa pinangyarihan ng insidente. "Dahil sa masangsang amoy na umabot sa bayan ay nag madali akong ibalita sa inyo" Saad ng kanang kamay ng pinuno.

Ang mga taong tumitingin sa halimaw ay naka takip ng panyo ang ilong at ang iba ay naka sipit.

"Mga kawal! Alisin ang Halimaw sa bitag. Mag ingat kayo." Utos ng Pinuno sa anim na kawal. Napaka bigat ng Halimaw kaya't pinagtulongan na nilang lahat na ihiwalay sa pagkaka tusok sa bitag. Nang natanggal na ay bumagsak Ang Halimaw sa kalupaan at may nadaganang kawal at napa sigaw nalang sa sobrang bigat.

Hinila nila ang Halimaw upang maka alis sa pagkaka ipit sa ilalim ng Halimaw ang isang kawal. Inalalayan ng isang tauhan ang kawal na sumasakit ang buo niyang katawan. "Sabi ko kanina mag ingat. Dalhin siya sa klinika" dismayadong saad na saad at utos ng Pinuno sa kawal at tauhan.

Hinarang ng kawal ang mga tao na nais lumapit dahil mapanganib at tanging ang pari lang ang pinalapit upang dasalan ang halimaw, sinabuyan din ng banal na tubig. Ganito lagi ang ginagawa nila sa mga hayop, tao o kahit anong nilalang kapag pumapanaw upang mabigyan ng maayos na libing nang matahimik at hindi manggulo ang kaluluwa.

Pagkatapos ng pagdasal ng pari ay sinimulan ng  itali ng mga kawal ang halimaw at hinila ng buong lakas papunta sa hukay. Ang kalupaan na binagsakan ng Halimaw ay nilinis ng mga tauhan. Gamit ang tubig ay binasa nila ang mga damo upang matanggal ang dumikit na dugo. Habang tumatagal ay naglalaho na ang mabahong amoy.

[ Jeremy's Point of View ]

Pagkadilat ng aking mga mata ay malabo.. nasan ang salamin ko? May naaninag akong tao malapit sa akin. Humikab ako at kinusot ang mata upang matanggal ang muta. Sa malapitang tingin ay nakita ko na inabot sakin ang salamin at ngayon sinuot kuna.

Mga babae? Panaginip ba ito? Naiilang ako dahil sa suot nila na naka di gaanong maikling palda at korset top.. pero may isa na naka suot ng scarf, Yung parang sa Muslim. May mga tao din palang nakatira dito sa Isla.. at para silang sari-sari, iba iba ang kanilang suot.. posible kayang nakita niya din ang mga kaibigan ko.

"A-hello.. A-are you speaking F-Filipino?" Na uutal na saad ko sa kanila.. sino bang hindi. "Oo naman. Haha." Para silang model. Tumawa nalang sila bigla.. maliban sa isa sa kanila.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Takang tanong ng babaeng pumapaypay sa akin. "May nobya kana ba? Ehehe" naka ngising saad ng isa pang babae na pinupunasan ako. "Maayos naman. Salamat sa inyo" saad ko sa kanila.

"Mabuti nalang at naka ligtas ka sa halimaw. Mag ingat ka sa pagpunta sa gubat" alalang Saad ng isang babae. "Oo. Pero san na yun dinala?" Takang tanong ko. Ang nakikita ko nalang ay mga taong nililinis ang talahiban o ang damong kalupaan. Maging ang bitag ay wala na sa kanyang kinalalagyan.

"Pinaligpit na ng Pinuno. Ngayon ay nililibing na sa gubat. Malayo mula dito sa bayan." Saad ng isang babae. Patuloy parin nila akong pinagsisilbihan. Teka?. Ba't ginagawa nila yan. Bat sobrang bait nila.. dapat ba akong mag tiwala sa kanila.

"Wow. Mga Filipino din pala kayo. Haha. doon naman sa may nobya na ako.. wala pa" Saad ko sa kanila at tumili sila maliban sa babaeng pumapaypay sakin. "Bakit parang ngayon ka lang naka kita ng Filipino haha." Saad ng isang babae.

Naguguluhan ako. Bahagi parin ba ng pilipinas ang Isla nato. Posible kayang karamihan sa kanilang Lahat ay pilipino. Hindi. Impossible.. sa Pag layag namin kahapon ay nakalayo na kami sa pilipinas at malapit na sa Japan.. hmm..

"Marami paba kayong naka tira dito sa Isla?" Seryosong saad ko.  "Oo naman. Dito na kami lumaki at nagka isip. Kaisa namin ang inang kalikasan." Tuwang saad ng isang babae.

"Salamat sa pag aalaga nyo. Mga binibini" Saad ko at umayos ng pag upo "Hehe. Ganyan din ang sinabi niya." Saad ng nagpapaypay sakin kanina.

"Sinabi niya? Sino tinutukoy mo?" Takang tanong ko. Hindi kaya isa sa kanila ay sina Dale at Zelda at ang iba.. hmm. "Ang pinaka unang banyaga na napadpad dito sa Isla at ngayon ay hindi na siya nagpakita kailanman" Saad ng isang babae.

Gusto ko itanong sa kanila lahat lahat ngunit dadahan dahanin ko muna. Hindi ko tiyak kong totoo ang pinapakita nila o huwad. Hindi ko mandin alam ang kanilang mga pangalan.. pati narin sa sinasabi nilang unang banyaga.

[ End of Jeremy's Point of View ]

Ang mga babae ay may na langhap sa hangin na mabahong amoy.. na parang patay na isda. "Parang amoy na kinakain ko dati.. di ko alam kung ano yun" takang tanong ng isang babae habang umaamoy.

"Nalinis na nila ang talahiban at niligpit ang halimaw .. pero bumalik ang masamang amoy" Saad ng isang babae. Kanina pa nagtataka ba't basa Ang boxer shorts ni Jeremy at sinilip ng bahagya ang pribadong parti at nanatili nalang siyang tahimik at kalmado.

Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon