CHAPTER 2 3/4: GREENHORN
Kasalukulang pinatuloy ng mga dalaga si Jeremy sa kanilang tahanan at hinatid sa isang silid para sa bisita. Kasalukulang sinasabayan ni Yami at Cipta si Jeremy sa pag kain "Nasaan na kaya yun.. hmm" Saad ng babae na tumitingin tingin sa labas ng bintana at may hinihintay pa kanina.
[ Start of Flashback ]
Noong nakaraang isang oras ay may ginagawang plano ang mga dalaga tungkol kay Jeremy sa balconahe. "Ipaalam mo Indah at Ligaya sa kawal ni Dimarumba ang balita" Saad ni Gemma kay Ligaya, Yami ,Cipta at Indah.
Habang nag uusap sila sa labas ay nasa loob ng bahay nila si Jeremy na tumitingin tingin sa mga palamuti. "Wag nyo ilahad ng buo ang lahat. Upang dito na mapag usapan" seryosong saad ni Cipta. "Mag-ingat kayo." Saad ni Gemma at niyakap si Indah at Ligaya.
"Kami na magbabantay sa kanya. hehe" tuwang saad ni Yami. Bumaba na ng hagdan si Indah at Ligaya at nag paalam. "Bakit mo naisipang.. hindi ipaalam sa lahat?" Takang tanong ni Cipta kay Gemma. "Dahil magiging magulo.. ayokong magaya siya sa unang banyaga" seryosong saad ni Gemma.
"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ni Yami. "Dahil baka gawin siyang sugo ng pandaku. Katulad ng ginawa niya sa unang banyaga" naiinis na saad ni Gemma. "Gema?.. wala tayong magagawa kung yan ang naka tadhana para sa kanya" seryosong saad ni Cipta.
"Hindi nyo Kasi ako naiintindihan eh! Wag na natin to pag usapan pa!" Galit na saad ni Gemma at pumasok na sa loob ng bahay at umupo na naka halukipkip. Si Yami at Cipta naman ay nag aalala kay Gemma.
Siksikan nang pumunta si Indah ngunit hindi kasama si Ligaya. Si Indah ay isang Indonesian na marunong magsalita ng tagalog dahil tinuruan siya ni Kalpa. Kasalukulang may anunsyo sa bulwagan ng bayan nang pumunta si Indah.
[ Indah's Point of View ]
Isa na si Jeremy sa tinutukoy ni Dimarumba.. nasan kaya ang mga kasama niya. Habang nag pa plano kami ay sinabi ni Gemma na palabasing kamag-anak namin si Jeremy.. at laging hindi nagsasabi ng dahilan.
Masakit parin kapag nakikita ko ang aking dating kasintahan na si Kalpa.. aaminin kong mahal ko parin siya ngunit mas pinili nalang palayain ang isa't isa. Matagal na ang nangyari ngunit bumabalik pag nakikita ko siya.
Hindi ko nalang siya titignan at tatakpan nalang ang mukha ng suot na Shayla. Lalapit na ako sa aisang kawal at sasabihin ng pabulong ang balita. Pupunta na ang kawal sa kay Dimarumba nang tinapos na ang anunsyo.
Nag dagdasaan na ang mga tao at sa di sinasadya ay nagka titigan kami ni Kalpa at parang gusto niya akong puntahan ngunit pinili kong humalo sa mga tao upang mawala ako sa paningin niya.
Habang papunta ako sa pader na matataguan ay hindi ko namalayang lumuluha na pala ang aking mata habang sumandal sa pader.. "bakit mahal parin kita! Bakit!" *Sob* hindi kuna napigilang umiyak.
[ Jeremy's Point of View ]
Pinatuloy nila ako sa kanilang bahay.. na parang bahay bakasyonan. Kasabay kong kumakain ang mga babae na nakilala ko kaninang umaga na si Yami at Cipta ayon sa pagpapakilala nila.. kahit nakatakip ang mukha ni Cipta at kita lamang ang mata ay alam kong naka ngiti siya.
Sa tingin ko muslim si Indah at Cipta.. Inaangat ni Cipta ang kanyang Niqab sa tuwing susubo siya. Sobrang hirap ng ginagawa niya.. pano pa kaya pag iinom ng tubig. Hmm. "Ngayon ka lang siguro naka kita ng ganyan no?" Saad ni Yami.
"Ah Oo. Karamihan kasi sa amin ay mga Kristyano. Wala din akong kaibigang mga Muslim. hehe." Tuwang saad ko. "Kung doon sa lugar mo hinati ang tao dahil sa relihiyon at mga pagkakaiba. Dito kahit iba't iba ang paniniwala ay nirerespeto ng isa't isa kung kaya't nagkaka isa kaming lahat" Saad ni Gemma na diko namalayan ay nasa likuran ko pala.
"Ako ay Shintoista" tuwang saad ni Yami. "Ako ay Muslim" tuwang saad ni Cipta. "Ako naman ay Kristyano." tuwang saad ni Gemma. Totoo ba itong nakikita ko? Tatlong lahi at tatlong relihiyon ay nagkaka isa hindi bilang individual kundi bilang tao.. na hindi ko nakita sa pilipinas.
Dahil hindi ako makapaniwala ay binigyan ko sila ng palitan na tingin "Doon sa pilipinas ang mga tao ay nag aaway away dahil sa mga pagkakaiba. Haha. Kung nakita nyo. Sobrang gulo ng pilipinas. Walang pag kaka-isa" manghang saad ko.
"Ahh. Lahat naman ng bagay may problema. Pag usapan natin yan" tuwang saad ni Cipta. At nagpatuloy kaming nag kwentuhan habang kumakain.
[ End of Flashback ]
[ Jeremy's Point of View ]
"Nabusog ako sa adobo. Nabusog din sa kwento. Haha" tuwang saad ko kay Cipta at Yami at natuwa sila. Tapos na kaming kumain at umiinom ngayon ng tubig. Si Cipta nanaman ang tinitignan ko kung paano siya iinom. Hmm.
Kumuha si Cipta ng straw at ginamit upang uminom. "Ako na maghuhugas ng pinagkainan natin" tuwang saad ko at nililigpit ang baso at pinggan. "Hindi. Ako na. Dapat magpahinga ka" pag pigil sakin ni Yami.
"Okay lang. Isipin mo nalang na ito ang paraan ko ng pagpapasalamat" Saad ko at pinagpatong patong ang mga pinggan at nilagay ang kutsara at baso sa ibabaw. Pinulot ko din ang kaunting butil ng bigas na nagkalat sa lamesa.
"Nasan ang hugasan?" Saad ko habang dala ang patong na plato. Tumayo si Cipta "sumunod ka sa akin" Saad niya at papunta sa isang lugar at sinundan ko siya. Nakita ko ang bakal na lababo at gripo.. at doon umagos ang tubig nang buksan ni Cipto at sinabihan ng mga tagubilin.
Napansin kong parehong pareho ang lugar nila sa probinsiya kung saan payak at simple lang.
Ang sarap ng tubig na humuhugas sa kamay ko.. ang sabon bareta nila ay may kakaibang halimuyak. Nagsimula na akong maghugas.[ Gemma's Point of View ]
Hinihintay ko si Indah at Ligaya na maka balik. Sa malayo ay tanging si Indah lang ang natanaw ko at hindi niya kasama si Ligaya, siguro ay may pinuntahan lang.
Pag tingin ko sa labas ay nakita ko si Indah na balisa at naglalakad ng mabagal. Malapit lapit na siya kaya't sasalubongin ko. Kahit itago niya ay alam kong umiiyak siya.
Niyakap ko si Indah at doon ay humikbi at nag saad "Ang sakit.. mahal ko parin siya". "Iiyak mo lang lahat. E labas mo lahat-lahat." Saad ko sa kanya at hinihimas ang likod niya.
BINABASA MO ANG
Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)
Mystery / Thriller1st installment of Dread Series. Group of teenagers sailed the sea and their destination is Japan, but a huge typhoon wreck their yatch and they get stranded in an unknown island. They need to survive to be alive... not knowing they conveyed in a bi...