CHAPTER 8 1/4

1 0 0
                                    

CHAPTER 8 1/4: ENDOWMENT

Ang tatlong lahi na Japanese, Filipino at Indonesian ay hindi na makapaghintay at nais nang makita ang mukha ni Jeremy.. maging si Zelda ay napa hawak na sa lubid na harang. Tinanggal na ng kawal ang piring sa mata ni Jeremy at natuwa at namangha ang taong bayan.

Malabo ang paningin ni Jeremy dahil wala siyang salamin bagaman naaninag naman niya ang maraming tao at liwanag ng mga tanglaw. Nagulat at nabigla si Zelda nang makitang si Jeremy pala ang lalaking naka piring.

"Ang bagong kasapi ng Tribo Mantul.. Jeremy!" Tuwang sigaw ni Dimarumba at sumunod na isinalin ni Kalpa sa wikang Japanese at Indonesian. Ang taong bayan ay binati si Jeremy  at binato ng magagandang salita.

[ Zelda's Point of View ]

Kaya pala pamilyar dahil siya si Jeremy.. wala ng iba. Naginhawaan at masaya ako dahil ligtas siya.. Malugod at mainit ang pagtanggap ng mga taong bayan sa kanya. Kailan kaya siya napadpad dito?

Halos napuntahan kuna ata lahat ng pasikot sikot at pook dito sa bayan ngunit hindi tagpo ang landas namin.. posible ring nagkasalubong na kami pero hindi namin namalayan. "Jeremy!" Paulit ulit na malakas kong sigaw ko sa kanya pero hindi niya mapansin dahil sumasapaw ang sigaw ng taong bayan.

Nais kong lumapit papunta sa kanya pero may humaharang na lubid at pinipigilan ako ng mga kawal na makapasok. Ito na sana ang pagkakataon ko para ipaalam sa kanya na buhay pa ako. Gusto ko lang naman itanong kung saan siya tumutuloy nang madalaw ko siya minsan.

[ End of Zelda's Point of View ]

Si Jeremy ay nakarinig ng pamilyar na boses na tinatawag niya pero hindi niya alam kung sino dahil malabo ang kanyang mata. Tumitingin tingin lamang siya sa taong bayan at hindi alam kung saan nanggagaling ang sigaw.

Si Zelda naman ay patuloy na sumisigaw at nais nang lampasan ang mga lubid pero hinaharang siya ng mga kawal.. pumaroon naman si Gemma sa sirkulo at sinukob sa balabal si Jeremy at itinakas sa mga taong bayan.

Hindi na nakapag timpi si Zelda at pumasok na siya loob at binangga ang mga humaharang na kawal at tumakbo papunta kay Jeremy na bigla nalang sinukob sa balabal. Nagsiksikan na lahat ng tao at napabagal ang takbo ni Zelda dahil siksikan ang mga tao.

Kanina ay natanaw pa niya si Jeremy na naka balabal pero ngayon ay naglaho na at hindi na makita. Nanghinayang nalang si Zelda dahil hindi niya naabutan. Doon ay nagsibalikan na ang mga tao sa kanilang tahanan at ang iba ang pinagpatuloy ang naudlot na ginagawa kanina.

Nagtapos na ang sinagawang ritual para kay Jeremy at ang kinalabasan ay hindi siya isang Sugo bagaman bahagi na siya ng Tribo Mantul. Doon ay pumunta na si Zelda sa shop na magsasara na at hinatid ang huling bayad para sa araw na ito.

Gabi na at tahimik at payapa na ang bayan ng Tribo Mantul, naka hawak ang kamay ni Jeremy sa pasimano ng bintana at naka tingin sa labas na malalim ang iniisip. Paglingon niya sa salamin ng kabinet ay nakita ang sarili na naka salawal at katawa'y nababalot ng tattoo.

Kinuha niya ang silya at lumapit sa salamin ng kabinet. Nilagay ang silya at umupo.. pinagmasdan ang sarili sa salamin ang mga tattoo at mga baybayin na naka tatak sa katawan niya.

[ Jeremy's Point of View ]

Naka uwi narin ako at nagpapahinga na ngayon sa aking silid. Naka upo ako sa silya at nakaharap sa malaking salamin ng kabinet ngayon at tinitigan ang tattoo sa katawan ko. Napaka detalyado ng bawat tinta at parang mga professional ang mga lalaking nagtatu sa akin.

Ano ba ang Sugong sinasabi nila?.. bakit nila tinadtad ng tattoo ang buong katawan ko mula ulo hanggang paa. Parang kinakagat ako ng mga langgam nang tinusok tusok nila ang pako sa balat ko.

Madaming sumasagi sa aking isipan at lalo na ang sigaw na narinig ko sa mga tao.. hindi ko lang nakita kung sino ang sumisigaw dahil wala akong salamin ng oras na yun kaya malabo ang paningin ko.

Napukaw nalang ako sa pag iisip nang marinig ang mahinang pag langitngit ng pintuan at pumasok si Gemma na may dalang rolyo ng bendahe. Lumapit siya sa kinaroroonan ko na naka ngiti at mukhang natutuwa.

"Mabuti at gising kapa dahil bibihisan ko ang mga tatu mo" tuwang saad niya at tumayo sa harapan ko. Nilapatan niya ng bendahe ang noo ko at inayos niya ang hibla ng buhok sa kanyang noo. Pagkatapos ay binalot niya ng bendahe ang katawan ko sa harapan at likod.

Gusto ko ang pag aasikaso ni Gemma sa akin dahil parang totoo ang pinapakita niya. Naka titig lang ako sa kanya habang binibihisan niya ang mga tattoo sa katawan ko. Sunod niyang binihisan ang magkabilang braso at punyos ko.

Nang tapos na bihisan ang braso at punyos ko ay bumalik siya sa harapan ko at tinali niya ang kanyang buhok.. lumuhod nalang siya bigla sa harapan ko at lumalapit konti at doon ay nailang ako. Nagsimula na siyang maglapat ng bendahe sa binti ko.. nang na lapat na niya ay nakiliti at naiilang parin..

[ End of Jeremy's Point of View ]

Nakaluhod at nakaharap sa pagitan ng mga binti ni Jeremy si Gemma. Paikot na binabalot ni Gemma ang bendahe sa tattoo sa kaliwang binti ni Jeremy. Maingat na hinimas ni Gemma ang bendahe sa tattoo para kumapit ito ng mahigpit.

Doon ay mas lalong nakikiliti si Jeremy dahil hinahawakan ni Gemma ang binti niya. "A-ah ako nalang.. maari ba?" Nauutal na saad ni Jeremy. "Malapit nang matapos eh.. ako nalang" pagpigil ni Gemma at nag lapat ng bendahe sa kanang binti ni Jeremy.

Pinigilan nalang ni Jeremy ang kiliti at humarap sa kisami na naka pikit.. habang si Gemma ay pina-ikot ang bendahe sa binti ni Jeremy. Pagkatapos ay binihisan na ni Gemma ang magkabilang taas ng bukung-bokong ni Jeremy.

Tinignan ni Jeremy ang sarili sa salamin ang katawan na nababalot ng bendahe at ganun din si Gemma. Ramdam ni Jeremy ang higpit ng pagkaka bihis ng mga bendahe sa katawan niya na parang lumpia siya.

Nagpawis ng konti si Gemma at pinunasan ang pawis sa kanyang noo. Naka luhod parin si Gemma sa harapan ni Jeremy.. hindi alam ni Jeremy kung paano pakikiusapan na tumayo si Gemma dahil nagpawis na siya dahil sa pagka ilang at higpit ng benda.

Nagkatitigan nalang sila Jeremy at Gemma.. hanggang sa humawak si Gemma sa magkabilang tuhod ni Jeremy at dahan dahang tumatayo at napahawak si Jeremy sa magkabilang bewang ni Gemma na ngayon ay naka tayo na.

Humawak din si Gemma sa magkabilang balikat ni Jeremy at nagkakatitigan sila na hindi maunawaan ang nararamdaman.. isang masidhing damdamin. Naka tingala sa taas si Jeremy habang si Gemma ay naka tingala sa baba.

Ang paligid ay nagsimulang uminit at mga damdamin nila ay nagliyab bigla na parang tanglaw.. mahinang hinahampas ng hangin ang mga kurtina.

Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon