CHAPTER 9 2/4

1 0 1
                                    

CHAPTER 9 2/4: BLOODSHED

"Wag!!" Sigaw ko at lalapit na sana ako para agawin ang punyal ngunit huli na ang lahat.. tinarak niya ang talim ng punyal sa gitna ng leeg niya. Napaluhod nalang ako sa ginawa niya.. nagpakamatay siya..

Lumabas ang maraming dugo sa kanyang leeg at mas lalo pa niyang diniin ang pagtarak ng talim.. natalsikan ako ng dugo niya dahil malapit lang kami sa Isa't isa. Ang punyal ay nababalot na ng dugo.. tumatagas ang maraming dugo mula sa leeg niya.

Napa atras ako dahil nandiri ako sa sobrang daming dugo.. nakaka suka.. hindi ko na kayang tignan pa. Mga ilang segundo ay nawalan na siya ng buhay at nanatiling naka sandal sa puno at doon siya namatay.

Bakit koba nakita yun! Tang Ina! Tumakbo nalang ako palayo sa pinangyarihan ng malagim na patayan ng magkakapatid. At binulsa ko ang pulang bato.. tinatahak ko ngayon ang gubat na walang katiyakan kung saan papunta.

Naguguluhan na ako kung ano ang gagawin ko.. sundin ang bilin niya o alamin kung sino ako. Sino ba kasi ako.. bakit ba ako napunta dito sa gitna ng gubat sa oras ng gabi.

[ End of Mateo's Flashback ]

Habang tumatakbo si Mateo sa gitna ng gubat ay biglang may nag tabon ng kanyang mukha at dinukot siya.. pumipiglas siya ngunit apat na tao humahawak sa kanya. Nawalan narin siya ng malay at isinakay sa malaking karwahe na hinihila ng kabayo.

Ginapos ng dalawang lalaki ang paa at kamay ni Mateo. Sa loob ay may mga katulad din ni Mateo na dinukot at ginapos at halos lahat ay mga kalalakihan. Lumapit ang Pinuno ng mga mandudukot sa kinahihigaan ni Mateo.

Pinagmasdan ng Pinuno ang matipunong katawan ni Mateo at natuwa siya "Naka bingwit tayo ng pating. Magaling. Haha" tuwang saad ng Pinuno at humalakhak pati din ang mga tauhan niya.

"Ayo pergi!.. patakbuhin muli ang kabayo" sigaw niya sa mga nakasakay sa kabayo at pinatakbo nga nila ang mga kabayo. Tumatakbo na ang malaking karwahe at ang distinasyon nila ay sa hilagang-kanluran.

Kina umagahan ay dumating sila sa bayan ng mga Indonesian, ginising ng mandudukot si Mateo dahil siya ang isasalang sa laban sa arena. Malakas ang pakiramdam ng Pinuno nila na magiging kampyon si Mateo.

Pinatayo siya at pinalakad papunta sa tarangkahan ng arena.. dilim lang ang nakikita ni Mateo dahil may takip ang mukha niya pero rinig na rinig niya Ang mga naghihiyawan at nag iingay na mga tao na dahilan ng kanyang tuloyang pagkapukaw.

Pinapunta si Mateo sa stage ng arena at kinalasan sa pagkakagapos. Doon ay tumakbo palabas ang mandudukot na naghatid sa kanya sa loob. Sinarado na ang tarangkahan upang hindi makatakas si Mateo.

Inalis na ni Mateo ang nakatakip sa kanyang mukha at nasilaw sa liwanag ng araw.. nakita niya ang maraming mga tao na pumapaligid sa arena sa itaas.. parang isang Gladiator arena ang lugar na kinaroroonan ni Mateo.

Napa tingin nalang sa kanyang paligid si Mateo at hindi alam ang gagawin.. "Sa kaliwang sulok.. Ang naghahamon.. Diego!" Pagpapakilala ng anunsyador kay Mateo. Doon ay naliwanagan na si Mateo kung nasaan siya..

Sa kasalukuyang oras, natahimik at natigilan ang lahat nang marinig Ang yabag na nagmumula sa isang tarangkahan na nasa harap ng paningin ni Mateo. Habang papalapit ang mga yabag ay mas bumibilis na parang tumatakbo.

Nagulantang ang lahat ng sinira ng isang malaking lalaki ang tarangkahan sa pamamagitan ng pag bangga. Napa atras nalang si Mateo dahil sa lakas ng salpok ng pagkasira ng tarangkahan at pinangalagaan ang sarili.

[ Mateo's Point of View ]

Parang hinampas ng malakas na bagyo ang tarangkahan na kina atras ko dahil sa impact.. naging maalikabok nalang ang paligid. Nahagilap ko nalang ang malaking lalaking pumaparoon dito sa stage ng arena.

Ramdam ko ang bawat yabag ng paa niya na parang haligi ng bahay. Ang lahat ng tao ay tahimik lang "Sa kanang sulok.. ang Kampiyon!.. Bakari!!" Pagpapakilala ng anunsyador sa halimaw ang laki na lalaki. Tahimik lang mga tao at natatakot kay Bakari.

Hindi maari! Siya ang makakalaban ko.. paano.. hindi ito patas. Anong laban ko sa Goliath nayan.. kung isa lang akong David. Paano ko matatalo yan kung isang suntok lang niyan baka madurog mga buto ko..

Naglaho na ang mga alikabok at naging maaliwalas na ang paligid. Kasing tangkad at laki siguro ng wrestler ang kalaban ko.. napansin kung kanina pa ako naka pose ng pang depensa.. bakit ba ganito!?

Kalmado at hindi kabado lang ang kalaban at hindi nag wa-warm up. Posible kayang marunong makipaglaban ang dating ako.. bakit pa kasi kailangan mawala ang ala-ala ko. "Simulan na ang laban!" Sigaw ng anunsyador at tumunog ang wrestling bell ring.

[ End of Mateo's Point of View ]

Nagsimulang mag seryoso si Bakari at minamatyagan ang bawat galaw ni Mateo.. habang si Mateo ay lumalayo kay Bakari. Naka depensa lang si Mateo kung sakaling aatake si Bakari.

Ang madla ay hindi masyadong nag iingay at nag fokus nalang sa laban. Doon ay tumatakbo si Bakari na akmang aatakihin si Mateo.. bigla nalang umilag at lumipat ng kinaroroonan. Susuntok sana si Bakari pero hindi niya naabutan si Mateo.

Nagulat nalang si Mateo kung paano niya natunugan ang mabilis na pag-atake ni Bakari. Doon ay naniwala si Mateo sa kanyang na diskubring kakayahan niya. Si Mateo naman ang umatake kay Bakari.

Nagulat nalang si Bakari sa pinapakitang pakikipaglaban ni Mateo. Ang fighting style na ginagamit ni Mateo ngayon ay Karate habang si Bakari ay wrestling. Sa bawat sipa at suntok ni Bakari ay naiiwasan ito ni Mateo.

Hanggang sa ginamit ni Mateo ang Tornado kick na nagpa atras kay Bakari.. namangha ang mga madla sa husay ni Mateo. Nahilo si bakari dahil sa pagsipa ni Mateo sa kanyang mukha.

Nanatiling naka tayo si Bakari at pinupukaw ang sarili sa pagkahilo sa pamamagitan ng pag sampal sa sarili. Habang si Mateo ay umatras at naka depensa lang at naghahandang umatake kung sakali.

Maging ang Pinuno ng mandudukot na si Rasman ay namangha kay Mateo at dahil dun ay maraming pumusta sa kanya. Parang malapit nang mapuno ng pera ang sumbrero niya habang kumukulekta ng pusta ng madla.

Habang sa kabilang panig ay marami ding pumusta kay Bakari dahil Kampiyon siya at walang nakakatalo sa kanya. Umatake ulit si Bakari pero ngayon ay naging agrisibo na siya.. biglang nasindak nalang si Mateo.

Naging patas na ang laban.. ang isa't isa ay tumanggap ng suntok at sipa. Umiinit ang arena dahil sa kanilang pambihirang labanan.. hindi na maka ilag si Mateo dahil bumilis na ang pag atake ni Bakari.

Hanggang sa sinakal ni Bakari si Mateo gamit lang ang isang kamay at binagsak sa lupa, Choke slam ang ginawa ni Bakari kay Mateo. Namilipit sa sakit ng likod si Mateo dahil sa pagbagsak niya sa lupa.

Nakita nalang ni Mateo na aapakan siya ni Bakari habang naka higa.. gumulong si Mateo upang maiwasan ang pag apak sa kanya ni Bakari. Tumayo kaagad si Mateo at inatake si Bakari ng pagsipa sa tiyan.

Ngunit naging alisto si Bakari at nahawakan ang paa ni Mateo na tatama sana sa kanya. Gumawa ng Counter attack si Mateo at ginamit ang isa pa niyang paa upang pataas na masipa ang panga ni Bakari.

Napa atras si Bakari na dumudugo ang ilong dahil sa impact ng malakas na pag sipa ni Mateo. Ginawang pang counter attack ni Mateo ang move na Flash kick.. parang nag back tumbling siya nang sinipa ang panga ni Bakari.

Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon