CHAPTER 8 4/4

1 0 2
                                    

CHAPTER 8 4/4: ENDOWMENT

Handa na si Jeremy.. doon ay nagsimula na si Filsuf Gunadi sa pag-tatanong, "Thirty seven plus twenty six? (37+26)" Seryosong tanong ni Gunadi at nagsimulang magtuos gamit ang abacus. "eighty three! (83)" Tiyak na saad ni Jeremy at namangha si Gunadi sa bilis niya mag-tuos at napa kamot ng balbas sa baba niya.

"Minus fifty three?.. (-53)" seryosong tanong ni Gunida at nagsimula ulit si Jeremy mag tuos. "Thirty!?.. (30)" tiyak na saad ni Jeremy na walang kahirap hirap. "Tapos na ang warm up.. seseryosohin kuna to. Maghanda ka" seryosong saad ni Gunadi.

Ang lahat ay tahimik lang na nanonood sa eksaminasyon at sina Gemma din ay kinakabahan. "Seven hundred twenty four plus Five hundred eighty nine?.. (724+589)" Seryosong saad ni Gunadi.. biglang naguluhan si Jeremy at inaalala ang mga numero at nagsimulang mag-tuos.

Naka focus at determinado si Jeremy na maka sagot siya sa tanong na halatang pinahirap ni Gunadi. Natagalan si Jeremy mag-tuos at ginamit na ang tatlong kawad ng Abacus at pinadulas ang mga Abaloryo(beads) habang sa isipan niya din ay nag-tutuos din sya.

"One thousand.. three hundred.. three? (1,313)" udlot udlot na saad ni Jeremy dahil hindi niya tiyak kung tama ang pag-tuos niya. "Mahusay.. gusto ko ang pinapakita mo." Tuwang manghang saad ni Gunadi.

Naginhawaan nalang si Jeremy dahil tama ang pag-tuos niya. Sina Gemma ay naginhawaan at namangha sa pinapakitang talino ni Jeremy. Naiyak nalang bigla si Ligaya sa sobrang paghanga niya kay Jeremy.

Doon ay naging seryoso ulit si Gunadi. Ang mga tao din na nanonood ay nagsitahimik din.. nanonood din pala ang mga katulong ni Gunadi na may hawak na mop. "Minus six hundred seventy three?..  (-673)" seryosong saad ni Gunadi at nag-tuos ulit si Jeremy.

"Six.. hundred forty? (640)" seryosong tiyak na saad ni Jeremy. "Times.. fifty three.. (x53)" seryosong saad ni Gunadi at ngumisi.. nang nakita ni Jeremy ang kakaibang ngisi ni Gunadi ay bigla siyang kinabahan. Habang tumatagal ay pahirap ng pahirap.

Ginamit na lahat ng pitong kawad ng Abacus at pinagulong na lahat ng mga Abaloryo(beads).. rinig na rinig ang pag dikit at hiwalay ng mga aboloryo. Nahihirapan na si Jeremy dahil napaka taas na ng tinutuos niya.

Nakita nalang ni Gemma kung gaano mag focus si Jeremy at nag aalala at nababahala. Natagalan si Jeremy sa pag-tuos at pinagpawisan na.. pumapaypay nalang ang matabang babae dahil naiinip na kahihintay.
Binubuhos ni Jeremy ang buong lakas ng isipan niya sa pagtutuos..

Ang mga tao ay pinapanood parin ang tumitinding eksaminasyon na ngayon lang nila nakita sa tanang buhay nila. Ang iba ay nakiki tuos din gamit ang kamay nila. Dahil may iilang estudyante lamang na naka pasa sa eksaminasyon ni Filsuf Gunadi.

"Thirty four thousand three hundred fifty six!!(34,356)" nasigaw ni Jeremy ang sagot na kina gulat ng lahat. Nalapag niya Ang magkabilang kamay kasama ang abacus at pagod na humihinga at naka bulagta ang mata.

Hindi na nakapag pigil si Gemma at akmang lalapit kay Jeremy pero sumenyas si Gunadi na tumigil siya at tumigil nga siya. "Tama na.. hindi na niya kaya" alalang saad ni Gemma. "Sapat na siguro ang pinakita niya Fariya.. tanggapin mo na siya" sumunod na tumayo si Ligaya at nag saad kay Fariya.. ang matabang babaeng inutangan niya.

"Tama puba ang sagot ko?" Ngayon ay kalmado nang saad ni Jeremy at ngumisi kagaya ng pagngisi ni Gunadi kanina lang. Manghang mangha ang ekspresyon ng mukha ni Gunadi. "Oo.. L-luar biasa.. Ikaw palang ang taong naka pasa sa eksaminasyon ko" manghang saad ni Gunadi at dahan-dahang tumatayo.

Nang naka tayo na siya ay pumapalakpak.. ang mga taong nanonood din ay napapalakpak dahil sa tunay ngang kahanga hanga ang pinakitang talino ni Jeremy. Si Gemma ay napa yakap kay Jeremy at binati sa pag-pasa sa exam.

Lumapit din sina Ligaya, Yami, Indah at Cipta kay Jeremy at binati siya sa kanyang pagka-panalo. Si Jeremy naman ay nagpapasalamat sa lahat. "Maari kanang magsimula bukas.. ang galing mo" naiyak dahil sa pagkatuwa na saad ni Fariya at nalusaw Ang make up sa kanyang mata dahil sa luha.

Tuwang tuwa ang lahat kay Jeremy.. maging si Filsuf Gunadi na hindi parin makapaniwala. Dahil si Jeremy palang ang naka pasa sa kanyang matematikang eksaminasyon. May kinukuha si Gunadi sa kanyang bulsa habang lumalapit papunta kay Jeremy.

Nagsitabihan sina Gemma at ang iba nang lumalapit si Gunadi sa kinatatayuan nila. Isinuot ni Gunadi ang Gintong Medalya sa leeg ni Jeremy at humawak sa kanang balikat.. "Semoga Pandaku yang agung memberkati Anda" tuwang saad ni Gunadi.

Nagpasalamat at nagbigay galang si Jeremy kay Gunadi.. humarap si Jeremy sa mga tao na binabati siya at binabato siya ng mga matatamis na papuri.

Sa tahanan ni Dimarumba, nagbigay ng ulat si Kalpa kay Dimarumba patungkol sa nagawa ni Jeremy. "Totoo ba ito? Haha.. Matalinong pilosopo si Gunadi.. at may tao palang makaka pasa sa matematikang eksaminasyon niya hehe... at ang nakaka tuwa pa ay si Jeremy ang taong..yun" Galak at tuwang saad ni Dimarumba at ngayon ay napalitan ng pagtataka.

"Ano pong bumabagabag sa inyo. Hindi ba magandang balita ang hinatid ko?" Takang tanong ni Kalpa. Naka upo si Dimarumba sa malaki niyang upuan at naka lapat ang baba sa kamao niya at nag-iisip.

"Maganda naman Kalpa.. pero nagtataka parin ako kung bakit hindi siya naging Sugo.. gayong Meron siyang talento.. bakit hindi siya nagliwanag? Hmm" nagtatakang saad ni Dimarumba at ngayon ay hinahawakan ang ibabaw na dulo ng tungkod niya.

"Habang minamatyagan ko ang paligid habang sinasagawa ang ritual ay wala naman akong nakitang kakaiba.. maliban lang sa mga babaylan at mananayaw na parang nasaniban" seryosong saad ni Kalpa.

May nabuong plano si Dimarumba "Kung may oras ka.. mag imbistiga ka sa sentro ng bayan.. parang may mali talaga eh" nagtatakang saad ni Dimarumba. "Opo. Masusunod po" yumukong nagbigay galang si Kalpa at nag-saad.

Sa sentro ng bayan, Ni libre ni Ligaya sina Jeremy, Gemma, Yami, Indah at Cipta ng pagkain sa kalye o Street Foods. Kasalukuyang masaya silang nakatayo at kumakain ng isaw, paa at ulo ng manok, betamax at iba pang street foods na kinain nila.

"Jeremy.. gusto ko magpasalamat sayo. Salamat ng marami.. makukulong dapat ako kasi hindi ako nakapagbayad ng utang.. pero niligtas mo ako. Salamat ulit" masayang saad ni Ligaya. "Naku, wala ito.. kumpara sa pagligtas mo sa buhay ko." Tuwang saad ni Jeremy.

"Pwede mo ba e kwento lahat? Bakit umabot ka sa puntong umutang ka ng sampung libo? Saan mo ginamit yun?" Takang tanong ni Gemma. "Hmm.. mahabang salaysayin.. sa susunod nalang. Hehe" tuwang saad ni Ligaya at kumain ng isaw.

"Anu bayan. Sige sa susunod nalang.. " nabitin si Gemma at nag saad. Lahat sila ay gusto malaman ang kwento ni Ligaya. Si Indah at Cipta ay hindi kumain ng barbeque dahil baboy ito at Haram. Isaw at ulo ng manok lang ang kinakain nila ngayon dahil Halal ito. Kumakain sila habang nag kwe-kwentuhan..

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ni Indah at Kalpa ang isa't isa at nagkatitigan at natigilan.. malamig ang pagtitinginan nila at pagkatapos ay hindi na tinignan ang isa't isa. Sinusuyod ni Kalpa ang Sentro ng bayan gaya ng pinag-utos ni Dimarumba.. habang si Indah ay ibinalin ang atensiyon kina Gemma.

END OF CHAPTER 8 ENDOWMENT

Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon