CHAPTER 6 3/4

1 0 0
                                    

CHAPTER 6 3/4: AFTERMATH

Sumapit na ang Gabi at napaka tahimik na ng paligid. Sinasarado na ng isang tindero ng panaderya ang mga bintana nang bigla nalang may narinig siyang barya na lumapag sa lamesa at kaagad niyang tinignan.

Nakita niya ang supot na may lamang tatlumpung(30) barya. Naalala niya Ang babae na nagnakaw sa panaderya niya nakaraang araw. "Salamat. Kasi binayaran mo ang kulang.. kahit na nagnakaw ka. Pinapatawad na kita" sigaw ng tindero sa labas.

Sa likuran pala ng haligi ay nagtatago si Zelda at siya pala ang naglapag ng supot ng salapi sa tindero upang maka bayad siya. Hindi na nagpakita si Zelda dahil wala siyang tiwala. Doon ay naglaho ulit si Zelda na parang isang misteryo.

Sa bahay ni Gemma, bumangon sa kanyang pagkakahiga si Jeremy dahil hindi siya makatulog dahil maraming bumabagabag sa kanyang isipan. Nang papunta siya sa sala ay nakita niya si Gemma na nagbabasa ng libro at naka upo sa sahig at sandal sa pader.

"Hindi karin makatulog?" Takang tanong ni Jeremy na naalampungatan. "Oo. Nagpapa antok lang ako. Ikaw? Bakit hindi ka makatulog?" Ngising saad ni Gemma at bumuklat ng pahina sa Libro na binabasa.

"Ano ang binabasa mo? Pwede ba kitang tabihan?" Interisadong saad ni Jeremy at naka tingin sa pabalat ng libro. "Oo. Halika. Tabihan mo ako" tuwang saad ni Gemma at binigyan ng ispasyo na mapuupuan ni Jeremy.

Umupo si Jeremy sa tabi ni Gemma at tinignan ang pahinang binabasa ni Gemma. "Ano ang kwento ng binabasa mo? Nobela ba yan? Hehe" tuwang saad ni Jeremy. "Tumatakbo ang estorya sa isang babae na nais baguhin ang mundo ngunit nagdulot lamang ng kaguluhan at digmaan ang mabuti niyang layunin" Saad ni Gemma kay Jeremy.

Naging interisado na lang si Jeremy nang nalaman ang kwento ng binabasa ni Gemma. "Nagbabasa karin ng mga nobela?" takang tuwang saad ni Gemma. "Hindi eh. Pero pinapanood ko ang mga live action ng mga nobela.hehe" tuwang saad ni Jeremy.

Naguluhan nalang si Gemma sa sinabi ni Jeremy at sinusubukang bigkasin ang salitang live action. "Huh? Ano ang layb aksiyon" naguguluhang saad ni Gemma. "A-ang ibig kong sabihin.. tinatanghal sa totoong buhay ang kwento mula sa nobela. Makikita sa mga teatro at minsan sa Tv" paliwanag ni Jeremy.

"Ahh. Nakapanood din kami ni Ligaya ng pagtatanghal sa teatro.. pero anu yung Tb?" Tuwang saad ni Gemma at nagtaka nalang bigla kung ano ang Tv. "Ah. Isa itong malaking kahon na nakaka-aliw dahil may mga imahe na gumagalaw sa loob at para ka ding nanonood ng teatro" paliwanag ni Jeremy at sinusubukang gawing malinaw para kay Gemma.

Si Gemma ay nakikinig kay Jeremy at namangha at iniisip kung ano kaya ang itsura ng Tv. "Kahon? Anong uri ng teknolohiya yan. Wala pa akong nakitang ganyan sa tanang buhay ko" manghang saad ni Gemma. "Maari mo bang iguhit para sa akin?" Interisado at namamangha paring saad ni Gemma at kinuha ang balahibo ng manok at lalagyan ng tinta.

Nasiyahan nalang si Jeremy dahil napaka makaluma ng mga gamit nila at parang nasa panahon siya ni Rizal. "Pano ba gamitin ito" nasisiyahang at galak na saad ni Jeremy at hinawakan ang balahibo ng manok.

Binuksan ni Gemma ang takip ng lalagyan ng tinta. "Pisilin mo ang ilalim at ilapat ang dulo sa tinta at wag nang pisilin" paliwanag ni Gemma. Sinubukang gawin ni Jeremy at namangha siya nang kusang hinigop ng ilalim na dulo ng balahibo ang tinta at napuno ito.

"Wow. Ang galing. Ganito pala yun" hindi makapaniwala at napa nganga si Jeremy na namamangha sa ginawa niya. Si Gemma naman ay natuwa kay Jeremy sa pinapakitang kulit. Kumuha ng papel si Gemma at nilapag sa sahig.

Naka indian sit silang dalawa at nasa gitna nila ang papel. "Ngayon ay iguhit mona ang Tv" tuwang saad ni Gemma na naka ngisi. "Parang ballpen lang pala to hehe." Mahinag saad ni Jeremy at hindi narinig ni Gemma.

Doon ay gumuhit na si Jeremy ng parisukat na may parisukat din sa loob. Nilagyan din ng parang mga button sa baba ng parisukat. Nilagyan niya rin ng linya na nagsisilbing wire at maliit na kahon na nagsisilbing socket na naka konekta sa isa't isa.

Tinignan na ni Gemma ang kabuuan ng guhit ni Jeremy at nahumaling. Tumabi si Jeremy kay Gemma at silang dalawa ay naka sandal sa pader na naka upo. "Ngayon ipapaliwanag ko naman kung paano gumagana ang Tv" tuwang saad ni Jeremy.

Doon ay pinaliwanag ni Jeremy ang lahat ng alam niya tungkol sa Tv. "Kuryente ang pangunahing pinagkukunan ng buhay ng Tv. Kaya kailangan e pasak ang linyang ito sa kahon para dumaloy ang kuryente papunta sa makina ng Tv. Kung gusto mo nang buksan o patayin ay pindutin ang bilog na ito. Sa mga button na ito makakapili ka ng iba't ibang palabas na gusto mo. Yan ang Tv o Telebisyon." Paliwanag ni Jeremy na tumuturo turo sa guhit.

"Sana makakita ako ng Telebisyon kahit isang pagkakataon lang." Masayang saad ni Gemma habang naka tingin sa guhit ni Jeremy. Ngayon lang napansin ni Gemma na naka akbay pala sa kanya si Jeremy. Napukaw nalang si Jeremy at tinigil ang pag akbay kay Gemma at nahiya bigla "Paumanhin" Saad ni Jeremy.

Ngumisi naman si Gemma kay Jeremy "ayos lang." Nakita nalang ni Jeremy ang masayang ngiti ni Gemma habang minamasdan ang guhit niya. "Papayag kaba kung isasama kita sa pilipinas." tuwang saad ni Jeremy.

Tumingin naman si Gemma at hindi alam ang isasagot. Sasagot na sana si Gemma nang biglang may mahinag katok sa pintuan na kina tigil nalang nila at napatingin sa pinto.

Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon