CHAPTER 9 1/4

2 0 0
                                        

CHAPTER 9 1/4: BLOODSHED

Kina umagahan sa bayan ng Tribo Mantul, nagsimula na ang trabaho ni Jeremy bilang isang Kahero ni Fariya na isang mangangalakal. Napakadaming mga alahas at palamuti na naka display sa shop ni Fariya na talaga namang dinarayo ng mga taong bayan.

Manghang mangha si Jeremy habang naglalakad lakad sa shop ni Fariya.. may mga alahas at palamuti na yari sa ginto, pilak, tanso at bakal. May mga kawal din na nagbabantay sa paligid upang masigurong walang mangangahas na magnakaw.

Si Gemma ay naka harap sa salamin at sinusuot ang Gintong kuwintas na may hugis buwan na palawit. Sa paglilibot ni Jeremy ay nakita niya si Gemma na nananalamin at lumapit. "Ang ganda.. bagay sayo.." tuwang saad ni Jeremy.

Ngumisi naman si Gemma at humarap kay Jeremy ".. maganda ka kasi" mahinang bulong ni Jeremy na kinatigil ni Gemma. "Huh? May sinasabi ka?" Takang tanong ni Gemma na nag papanggap na hindi yun narinig.

"Wala.. sabi ko maganda ka pumili. Hehe." Tuwang saad ni Jeremy at natawa si Gemma. "Pinili ko.. pero di naman mapapasakin" tuwang seryosong saad ni Gemma na hinubad ang kuwintas at binalik sa pinagkuhaan.

"Jeremy? Kailangan kita dito.. bilisan mo!" nagmamadaling sigaw ni Fariya. Doon ay nagpaalam na si Gemma at Jeremy sa isa't isa. Doon ay pinuntahan ni Jeremy si Fariya at tinuos kung ilan ang mga sukli ng mga bumibiling costumer.

Gamit ni Jeremy ngayon ang Abacus ni Fariya na may sampung kawad.. doon ay na tuos na niya lahat at binigay na niya ang mga sukli ng mga costumer mula sa kaha ng pera. Doon ay nagpatuloy na siya sa kanyang trabaho.. nasa counter siya ngayon.

Si Fariya naman at mga tindera ay abalang ini inganyo ang mga panauhin na bumili ng alahas at mga palamuti.. inaaliw nila ang mga costumer upang makumbinsing bumili..

[ Mateo's Point of View ]

Isinabak ako sa isang laban ng lalaking dumukot sa akin.. maraming mga manonood na naghihiyahan mula sa itaas ng arena na kinaroroonan ko. Napapaligiran ako ng mataas na sementong pader.

May isang anunsyador at pinakilala ako bilang "Ang naghahamon.. Diego!" Yan ba talaga ang pangalan ko. Bigla nalang akong napadpad sa lugar na ito.. ni wala akong alam tungkol sa sarili ko. Naghiyawan naman ang mga madla sa akin.

Binibigyan ko nalang sila ng seryosong tingin habang wina-warm up ang katawan ko.. bakit ko ba ginagawa ito. Naka upo ang taong dumukot sakin at kinukolekta ang mga pera ng madla.. sinusugal niya ba ako.

Tang Ina! Sasakalin ko talaga siya sa oras na maka alis ako dito.. teka! Nasaan naba ang kakalabanin ko.. ba't ang tagal naman.. sana magbigay ng swerte ang bato na nakuha ko...

[ Start of Mateo's Flashback ]

Gumising nalang ako sa isang masukal na gubat sa oras ng gabi, maliwanag ang paligid dahil sa liwanag ng kabilugan ng buwan ngunit magulo ang aking isipan. Bakit ako napunta dito.. pagbangon ko ay sumakit nalang bigla ang ulo ko.

Maraming mga matataas na puno at mga halaman.. nasa gubat ako. Bakit puno ng pawis ang katawan ko.. ano ba ang nangyari sa akin. Naguguluhan ako sa nangyayari.. "sino ba ako?" Takang bulong ko.. sino nga ba ako?..

Napa tago ako sa talahiban nang biglang may narinig akong mga yabag na parang dalawang taong nagtatakbuhan.. nagtago ako at nagmasid sa pinag gagalingan ng mga yabag. Nanatili akong tahimik.

Bigla nalang tumambad ang dalawang taong naka suot ng bandana, Sila ay nagkakasakitan at naglalaban.. kahit bumagsak na ang sandata nilang dalawa ay nagpatuloy silang naglaban. Ano ba ang problema ng mga gunggung nato.

Naglalaban sila dahil parang may pinag aagawan silang bagay.. maliit na parang pulang bato. Hindi ko alam ang kanilang dahilan bakit nagpapatayan sila sa lintik na bato nayun. Hanggang sa dumanak na ang dugo sa lupa.

"Ibigay mo sa akin.. isinumpa ang bato nayan" galit na saad ng lalaki habang inaagaw ang bato sa kamay ng ikalawang lalaki.. narinig ko ang sinabi niya dahil nasa harapan ko lang sila. Habang pinapanood ko lang sila ay hindi na ako makiki-alam dahil baka mapahamak lang ako.

Anong sinasabi niya.. isinumpa ang bato. Napa isip ako kung bakit kaya kinuha ng yun ng ikalawang lalaki. "Magiging mayaman tayo kuya kapag na benta natin to sa malaking halaga" Saad ng ikalawang lalaki.. magkapatid pala sila!?

Bakit hindi nila magawang magkasundo.. hanggang sa nag laban sila ulit. Marami na ang dugo na nasasayang nila.. para lang sa isang piraso na bato nayan. Sa hindi sinasadya ay nasaksak ng
nakakatandang kapatid ang
nakababatang kapatid niya.

Kita ko sa mukha niya ang pagkasindak at pagka-kunsensya.. napa atras nalang ang kuya niya habang tinitignan ang punyal na may dugo ng kapatid niya at pumapatak patak pa sa lupa. Nakakabahala ang eksena na pinapanood ko.

Napaluhod nalang ang kapatid na nasaksak habang sumusuka ng dugo.. doon ay bumagsak na sa lupa at hawak hawak parin ang bato. Binitawan ng kuya ang punyal at lumalapit sa bumagsak niyang kapatid.

Iniharap ng kuya ang kapatid na nakadapang bumagsak.. nagluksa ang kuya sa sinapit ng kapatid niya. Sa palad ng kapatid niya ay kinuha niya ang bato at ipinikit ang mata ng kapatid na naka bulagta.

Pumunta siya sa puno at sumandal at nagpapakita ng pagkasira ng sarili. Nakaka awa ang kapatid niya dahil nagdurugo ang tiyan. Bigla nalang sumigaw ng malakas ang kuya na kina atras ko.. parang nanuot sa utak ko ang sigaw niya.

Habang umatras ako ay nagtakip ako ng tenga dahil nakaka bingi ang sigaw niya.. hindi ko namalayan na naka gawa ako ng yabag sa pag apak ko sa damo. Tumigil siya sa pagsigaw at tumingin sa kinaroroonan ko.

"May tao ba diyan? Lumabas ka.." Saad niya na ako ang tinutukoy. Lalabas ba ako o hindi.. ".. wag kang matakot." Dugtong niya. Doon ay nag desisyon ako at sinubukang ipakita ang sarili ko sa kanya.

Bigla nalang siyang ngumisi "isang dayuhan haha.." Saad niya sa akin. Anong dayuhan pinagsasabi niya?.. halatang napapagod na siya. ".. halika lumapit ka" saad niya sa akin. Lumapit nalang ako.. kahit walang katiyakan kung ligtas.

"Nakikiramay ako sa.. pagkamatay ng kapatid mo" pagbibigay galang ko at hindi na lumapit sa kanya. Sapat na siguro na lumapit ako ng bahagya at ipakita ang sarili ko. ".. at ako ang dahilan ng maaga niyang kamatayan" seryoso na saad niya.. na parang nasira ang sarili niya.

Pinakita niya sa akin ang pulang bato na parang kumikinang na kumikisap na parang tumitibok na puso. Lumapit ako ng bahagya upang makita ng malinaw ang bato.. sa malapitan ay napagtanto ko na isa pala siyang kayamanan.

"Kunin mo.. ikabit mo ito sa isa sa mga sagradong statwa.. ipangako mo na gagawin mo" Saad niya sa akin at akmang inaabot niya sa akin. Lumapit ako at tinanggap ang pulang bato na kulay dugo.

Saan ba matatagpuan ang sagradong statwa na ito.. ano ang mangyayari kung magawa ko yan. Dapat ko bang sundin ang bilin niya sa akin.. ang ibig bang sabihin nito ay maglalakbay ako.. ngunit saan ako magsisimula.

Tinignan ko ang bato at napaka ganda niya.. ".. pagmasdan mo ang katapusan ko.." dugtong niya na akmamg kinukuha ang punyal na ginamit sa pagsaksak niya sa kapatid niya.. at nilalapit sa leeg niya. Teka.. A-anong gagawin niya!!..

Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon