CHAPTER 2 2/4

9 0 0
                                        

CHAPTER 2 2/4: GREENHORN

Kasalukulang tinatabunan na ng lupa sa hukay ang bangkay ng halimaw ng mga kawal. Si Dimarumba na pinuno ng Tribo Mantul ay pinapanood ang paglilibing kasama ng kanang kamay niyang si Kalpa at ibang kawal.

"Ayon sa ulat ng mga kawal na naka destino sa kanluran ay namataan ulit ang di matukoy na lumilipad na bagay" seryosong saad ni Kalpa. "Hmm. Higit na mataas ang uri ng kanilang teknolohiya. Ipagbigay alam ito sa ministro ng agham" saad ni Dimarumba.

"Ang mga mangingisda naman ay may nakitang malaking sirang kargamento na may mga kalmot" saad ni Kalpa.

[ Dimarumba's Point of View ]

Parehong nangyari ang insidenti ng halimaw at nasaksihan ang lumilipad na bagay na laganap noon at hanggang ngayon. Hindi ako nakatitiyak at naguguluhan parin. Isang malaking pala isipan na hindi malutas.

"Magsugo ng mga kawal upang siyasatin ang nasabing kargamento at iligpit pagkatapos" utos ko kay Kalpa. "At isa sa pinaka kagulat-gulat ay may nakitang apuyan at damit pang banyaga.." manghang saad ni Kalpa.

Na bigla ako sa sinabi niya dahil nakaraang dalawang pu't apat(24) na taon nang may isang banyagang dumating dito sa Isla at piniling tumira dito. "Ilan ang damit na nakita?" Galak na saad ko. ".. Anim.. Anim silang lahat.." pigil na pagkasabik na saad ni Kalpa.

Haha. Maaring sila ang pinadala ng bathala upang magbunyag at tumuklas sa mysteryo at hiwagang bumabalot sa Isla.. magiging katulad kaya sila ng isinugong banyaga?..

[ End of Dimarumba's Point of View ]

Nang natapos ay itinarak na ang malaking krus sa kalupaang pinaglibingan sa halimaw at bumalik na si Dimarumba at Kalpa kasama ang mga kawal papunta sa bayan ng Tribo Mantul.
Pinatawag ni Dimarumba ang mga mamamayan dahil may nais siyang imungkahi.

Nang natipon na lahat sa bulwagan ng bayan ay nakatayo siya sa entamblado at magsisimula na "Magandang tanghali mga Mantul at ibang lahi..   may magandang balita akong ibabahagi sa inyo. Isang bagay na matagal na nating hinihintay at ngayon dumating na" malakas ang boses na saad ni Dimarumba sa mga tao.

Umabente naman si Kalpa katabi si Dimarumba at nag saad "Selamat siang warga Indonesia.. Ada kabar gembira yang ingin saya sampaikan. Sesuatu yang sudah lama kita nantikan dan kini telah datang" Pag wika ni Kalpa at ganun din ang kahulugan ng sinabi ni Dimarumba.

"Kon'nichiwa nihonjin.. Tsutaetai yoi nyūsu ga arimasu. Watashitachi ga nagaiai matteita mono ga imakoko ni arimasu" kasunod na winika ni Kalpa at umatras siya. Ang mga Japanese at Indonesian ay naunawaan na kung bakit sila pinatawag.

Filipino, Japanese at Indonesian ang mga lahi sa populasyon ng bayan at pinili nilang maging bahagi ng Tribo Mantul at ang iba ay hindi. Isang Multilingual si Kalpa kaya't nakakapagsalita siya ng dalawang wika o higit pa.

Dahil sa narinig at nalaman nila ay natuwa ang lahat at nag bulungan.. sari-saring mga boses ng tatlong lahi ang naririnig na nag halo-halo. "Bigyan natin ng mainit na pag tanggap ang mga bagong dating na dayuhan!" Tuwang sigaw ni Dimarumba at nagpahiyaw sa lahat ng Filipino.

Nagulat nalang Ang mga Japanese at mga Indonesian kung bakit nag iingay Ang mga Filipino. Umabante ulit si Kalpa at nag saad "Mari kita sambut hangat pendatang baru asing!" wikang Indo at naghiyawan Ang mga Indonesian.

Pinatapos muna Ang paghiyaw at pinatigil sila "Atarashī gaikoku hito o atatakaku kangei shimasu!" Wikang Hapon at naghiyawan ang mga Japanese. Pinatigil ang pag hiyaw at nagsaad si Dimarumba.

"Ang masamang balita ay naliligaw sila sa gubat.. o di kaya.. napahamak na.. kung kaya't sinasamo ko kayo na buksan lagi ang inyong tahanan para sa kanila" Seryosong saad ni Dimarumba sa lahat. Nabahala ang mga Filipino at nag uusap usap.

"Kabar buruknya adalah mereka tersesat di hutan.. atau tidak begitu. mendapat masalah. Jadi saya mohon Anda untuk selalu membuka rumah Anda untuk mereka" Salin ni Kalpa na kinabahala ng mga Indonesian at nag uusap usap.

"Warui nyūsu wa karera ga mori no naka de maigo ni natta to iu kotodesu. Matawa sōde wanai. Toraburu ni makikomareta. Itsumo karera no tame ni anata no ie o aite kudasai" Salin ni Kalpa na kinabahala ng mga Japanese at nag uusap usap.

Ang lahat ng lahi ay nag uusap usap.. Napaka gulo sa tenga dahil pinagsama Ang tatlong wika ng sabay. "Kung may makakita sa kanila ay ipagbigay alam sa akin. At dito na nagtatapos ang anunsyo. Paalam at maraming salamat." Seryosong saad ni Dimarumba at umalis na ang mga Filipino

"Jika ada yang melihat mereka, beri tahu saya. Dan di sini berakhir pengumuman. Sampai jumpa dan terima kasih banyak" Salin ni Kalpa at umalis na ang mga Indonesian.

"Darekaga sorera o mitara, oshietekudasai. Soshite, kore de happyō wa owaridesu. Sayōnara, arigatōgozaimashita" Salin ni Kalpa at umalis na ang mga Japanese.

Nang maka baba na si Dimarumba ay may lumapit sa kanyang kawal at bumulong.. hindi narinig ni Kalpa ang sinabi ng kawal. Naging seryoso nalang si Dimarumba. Ang bulwagan ng bayan ay wala ng tao at bumalik lahat sa kanina'y ginagawa.

Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon