CHAPTER 3 1/4

1 0 0
                                    

CHAPTER 3 1/4: SKIRMISH

[ Zelda's Point of View ]

Ipinagpatuloy ko ang pakikipagsapalaran kahit magulo ang isipan bagaman umuusad parin ang mga paa. Binabaktas ang daan kahit hindi tiyak ang patutunguhan. Naglalakbay ako sa masukal na gubat.

Gamit ang kunai shuriken ay umukit ako ng letrang Z sa malaking puno na naiiba sa lahat sa isang pook. Sinadya kong gawin ito upang malaman nila na buhay pa ako. Sa sobrang talas ng talim ng kunai shuriken ay pwede nang makahiwa ng hininga.

Sa tingin ko ay nasa gitna ako ng gubat kung saan huni ng mga ibon at kaluskos ng mga dahon ang maririnig. Nang natapos na akong mag ukit ay may narinig nalang akong mahinang yabag na papalapit.. at hindi lang isa.

Habang nakatalikod ako ay pinakiramdaman ko ang paligid hanggang sa pahalang kong inandayog ang kunai shuriken at napa atras ang apat na taong tinangka akong saksakin patalikod gamit ang machete.

Tinutukan ko sila at binabantayan ang galaw nila. Naka suot sila ng bandana at napaka tuso ng tingin. Naghanda ako ng depensa kung sakaling aatake sila ulit.

[ Indah's Point of View ]

Sino ang gumawa nito kay Ligaya? Kanina nang nag usap kami ay maayos naman siya. Pinapaypayan ko siya at nag aalala dahil may mga maliliit siyang sugat at at pasa na ngayon ay ginagamot na ni Yami gamit ang mga herb.

Ano ba Ang nangyari at naging magulo ang silong bahagi ng bahay.. nagsikalat ang nga gamit sa sahig. "Maayos kana ba ngayon? Ano ba ang nangyari habang wala kami" alalang saad ni Gemma at hawak ang kamay ni Ligaya.

"Masakit ang ulo ko. Kinailangan kong e untog ang ulo ko sa nakasabit na istante sa dingding upang bumigay at mahulog ang mga kahon sa taas at maka gawa ng ingay" nahihirapang saad ni Ligaya at minamasahe ang ulo.

Sinubukang maingat na hinawakan ni Yami ang buhok ni Ligaya "Ah! Aray. Masakit! Anu ba!" Nasasaktang saad at iwinaksi ang kamay ni Yami. Si Cipta ay umakyat sa taas ng bahay at may kukunin lang.

"Nakapag usap pa tayo kanina ah. Mukhang maayos ka naman at sinabing susunod ka pero hindi ka sumunod. Bakit" Takang tanong ko. "Hindi.. hindi ako yun" nahihirapang saad ni Ligaya. "Ano? Anong hindi Ikaw. Na-alog naba utak mo kaya ganyan?" Naguguluhang saad ni Gemma.

[ Start of Indah's Flashback ]

Nang oras na inutusan kami ni Gemma na pumunta sa bayan ay bumaba na kami ng bahay ngunit bigla nalang sinabi ni Ligaya na "May kukunin muna ako" at pumunta sa silong at sinarado ang pintuan.

Hinintay ko siya ng ilang apat na minuto at dahil hindi na nakapaghintay ay tinawag ko siya "Ligaya? Bakit antagal mo? Tulungan na nga kita" Saad ko malapit sa pinto. "Ah. May tinatapos pa ako. Mauna kana at susunod nalang ako" saad niya sa akin.

Nag paalam na ako at pumunta na sa bayan at nang naka rating na ako ay hindi ko siya kasama dahil hindi naman siya sumunod sa akin.

[ End of Indah's Flashback ]

Kinikilabutan kami sa nangyayari. Isang kababalaghan ang dinaranas namin. Dumating na din si Cipta na may dalang palanggana na may bimpo at malamig na tubig.

"Ang naka usap mo kanina ay hindi ako. Hindi ko siya kilala. Bigla nalang niya ako sinaktan at ginapos at.. may kakaibang nangyari" Seryosong nangingilabot na saad ni Ligaya.

[ Start of Ligaya's Point of View ]

Nang inutusan kami ni Gemma na pumunta sa bayan ay may naalala ako at nagpaalam ako kay Indah na pupunta sa silong. Natapos kuna ang proyekto na iniatas sa akin. Kukunin ko sana ang natapos kong dress at ihahatid sa Shop upang e benta.

Pagkapasok ko ay ni-lock ko ang pintuan dahil baka makita ni Indah at ng iba ang ginagawa ko at ipagkalat. Sa ibaba ng panahiang makina ko itinago ang naka kahong dress at kukunin na.

Masaya akong humarap sa pintuan at handa ng umalis.. subalit may babaeng naka tayo sa harap ng pintuan at naka robe ng mangkukulam. Nabitawan ko nalang ang kahon at bumagsak sa sahig dahil sa pagkatakot.

Sisigaw na sana ako ngunit tinakpan niya ang bibig ko. Nakita ko ng bahagya ang itsura niya at mukha siyang bruha. Mukha siyang matanda pero malakas.. nanlaban ako ngunit hinampas niya lang ako ng tungkod niya.

Hanggang sa matumba ako at nanghihina.. nadama ko nalang na sinandal niya ako sa pader at ginapos sa haligi pati din ang bibig ko ay tinali niya. Hindi ako maka galaw sa di malamang dahilan at nanghihina.

Naaninag ko ang mukha at nakita ang kakaiba niyang pag ngiti.. natatakpan ng makapal niyang buhok ang mukha niya. Naramdaman ko nalang na dumanpi ang malamig niyang kamay sa ulo ko at may mahina siyang binubulong.

Habang bumubulong bulong Siya ay unti unti at Dahan dahan nalang nagbabago Ang kulay ng balat niya mula sa kayumanggi ay pumuti. Nagbabago din ang hugis ng katawan niya, mula sa pagka kuba ay nagiging tuwid.

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Para akong nananalamin dahil ang itsura ko ay katulad ng kanya. Ang mukha at katawan ko ay ginaya niya. Tumigil na siya sa pag bulong bulong.

Inalis na niya ang kamay sa ulo ko at namangha sa kanyang pakiramdam. Narinig ko nalang si Indah na sinigawan ako "Ligaya? Bakit antagal mo? Tulungan na nga kita" Saad ni Indah at nakinig ang babae at naka ngisi.

"Ah. May tinatapos pa ako. Mauna kana at susunod nalang ako" Nag saad siya na parang ako.. nagaya niya ang boses ko. Paano nangyari yun? Isa ba siyang maligno. Sumilip siya sa butas ng bintana ng matagal.

Binalikan niya ako at sinaktan hanggang sa malipasan na ako ng lakas ay nawalan na ako ng malay at humahalakhak lang siya ng mahina habang humahakbang siya papalayo at binuksan ang pinto, doon ay pumikit na ang mga mata ko.

[ End of Ligaya's Point of View ]

Nilapatan na ni Cipta ng basang bimpo na malamig ang ulo ni Ligaya. Sa pagka lapat ay nanlamig siya at napapikit nalang ng mata.

Mas lalo kaming kinilabutan nang isiniwalat ni Ligaya ang lahat ng nalalaman. Hindi kami makapaniwala at natahimik nalang. "Tao po! Residenti ni Gemma" Saad ng kawal sa labas. Nagulat nalang kami at napukaw. Nasa labas si Dimarumba at mga kawal niya.

Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon