CHAPTER 4 1/4

3 0 0
                                    

CHAPTER 4 1/4: GRATITUDE

[ Dale's Point of View ]

Nasubukan ko din at namin na mag hiking sa gubat ng magkasama ngunit ngayon ay hiwalay sa isa't isa. Ang lugar na tinatahak ko ay ibang iba sa pilipinas dahil napaka maaliwalas at walang makikitang mga basura o kahit ano.

Mga tuyong dahon at mga piraso ng kahoy ang natatapakan ko simula pa kanina. Wala akong ideya kung saan ako patungo, kung ano kaya ang naghihintay sa pinupuntahan kong direksyon.

May nakita akong malaking puno na naiiba sa lahat kaya nagmadali akong lumapit hanggang sa may makita akong mga naka higang tao sa lupa sa paligid ng puno. Lumapit ako at tiningnan.

Siguro sila ay walang habas na pinatay at ninakawan dahil nakalabas ang tela ng bulsa nila. Hindi na ako lumapit sa kanila at pinagmasdan lang. Ang dugo nila ay matigas na dahil hindi na pumapatak at dumikit na sa balat.

Tumingin naman ako sa malaking punong sinasabi ko kanina at may nakita akong symbolo na nakaukit. Lumapit ako sa puno upang mas mabasa ng pulido. "Isang letra.. Z.. Zelda?" Saad ko at kaagad pumasok si Zelda sa isipan ko.

Ikinatuwa ko nalang ang nakita ko dahil maaring sinadya niyang mag ukit upang magbigay ng palatandaan kung buhay pa siya. Nais kong e ukit ang letrang D ngunit wala akong matalim na bagay. Saan kaya siya naka kuha ng talim.

May kasama din palang espadang bagay ang mga bangkay nasa paligid lang. Susubukan ko sanang kunin ang sandata kaso naisip ko na baka masugatan lang ako. Dahil kutsilyo o punyal naman kase talaga ang gamit pang ukit.

Napag isip isip Kong bumalik dito.. bakasakaling magtagpo kami ni Zelda at kung hindi man ay mag uukit din ng letra. Kakailanganin ko padin ng sandata sa paglalakbay kaya't kukunin ko ang sandata nila pati narin ang lalagyan.

"Ipagpaumanhin mo sana ang gagawin ko. Hihiramin ko muna ang sandata mo. Pangako iingatan ko" pagbibigay galang ko habang naka yumuko sa bangkay na may saksak sa pulso niya. Kahit patay na siya ay ari arian parin niya ang kukunin ko kaya ginagalang ko siya.

Nilagay ko ang sandata sa kanyang lalagyan. Isiningit kuna ang sandata sa sinturon. Pagkatapos ay nag paalam na ako sa kanila "Mamahinga nawa kayo sa paraiso" at doon na ako umalis at tumakbo papalayo.

[ End of Dale's Point of View ]

Nang naka alis na sa malayo si Dale ay may dumating sa kinaroroonan ng mga bangkay at malaking puno. Isang grupo ng mananabas ang nakita ang kapwa nilang mananabas na nilalangaw na bangkay na.

Nagalit silang lahat pinagluksaan ang napaslang na kapwa gamit ang pag sigaw ng malakas na parang umaabot sa langit na dahilan ng pag alis ng ibon sa mga puno. Ang kanilang pinuno ay tinuro ang symbolo gamit ang machete.

"Pagmasdan. Ang pumaslang sa kapatid natin. Dapat mahanap siya!" Saad ng pinuno nila sa lahat. Ang lahat ay sumisigaw na parang kaluluwa'y natutupok sa nagliliyab na apoy.

[ Jeremy's Point of View ]

Hindi ko naiintintihan ang nararamdaman ko.. bakit parang may kulang. Naligtas naman ako at okay na pero.. parang hindi magaan sa loob. Parang ang mga sigaw ng kawal ang humihila sa akin at nagsasabing may dapat akong gawin.

Hindi pa kami nakakalayo sa lawa at naglalakad palang pauwi. Kasama ko si Gemma na katabi ko.. si Ligaya, Indah, Yami at Cipta. May apat ding kawal na naka bantay sa amin at sumasabay sa paglalakad.

"Pag uwi natin ipagluluto kita ng sinigang. Alam mo. Naku. Magugustuhan mo yun. Hehe" tuwang saad ni Gemma at ngumisi. Hindi ko siya masagot dahil magulo ang isipan ko.

Tumigil nalang ako bigla sa paglalakad at natahimik. Nagulat nalang si Gemma "May problema ba?" Takang tanong. Napatingin nalang sila sa akin. Tinitigan ko si Gemma at Dahan dahang inalis ang kamay niya sa braso ko.

[ End of Jeremy's Point of View ]

Tumakbo papalayo si Jeremy at hindi napigilan ng mga kawal dahil mabilis siya at biglaan ang nangyari. Hindi kinaya ni Jeremy na makita ang mga kawal na nasasaktan at namamatay dahil sa pakikipag laban sa bruha.

Nagkaroon siya ng lakas ng loob at nais niyang tapusin na ang labanan at magapi ang bruha. Sinundan ulit ng mga babae si Jeremy ngunit hinarang ng mga kawal. Hindi parin magapi ng mga kawal ang bruha.

Tumakbo papunta sa tabing-lawa si Jeremy at kinuha ang sibat sa bumagsak na kawal. Tumulong si Jeremy makipag laban hanggang sa siya na ang natira. Ang mga kawal ay sugatan at tumakas nalang.

Nagsimulang umatake ang bruha at tumalon at hinahanda ang kamay sa pag kalmot. Naging alerto si Jeremy at gumulong sa lupa papunta sa likuran ng bruha at ginalusan ang likurang tuhod
gamit ang sibat.

Nahihirapan ang bruha na maka tayo ng maayos dahil sa natamong pinsala. Humarap siya at nagpatuloy na kumakalmot gamit ang kuko niya na dumudugo. Nagpatuloy din si Jeremy sa pag hampas sa kanya ng sibat.

Nakakita ng maaring makatalo sa bruha hanggang sa itinarak niya ang talim ng sibat sa sugat sa braso ng bruha. Namilipit sa sakit ang bruha at pinipilit tinitanggal ang talim sa braso niya.

Itinulak pa ni Jeremy ang sibat sa sugat ng bruha. Si Dimarumba at Kalpa at ang mga sugatang kawal ay nagulat sa ipinapakitang katapangan ni Jeremy dahil wala siyang takot na kinakalaban ang mabangis na bruha.

Tinadjakan ni Jeremy ang puson ng bruha at natumba. Ang suot na robe ng bruha ay punit-punit at maraming dugo. Itatarak na ni Jeremy ang talim ng sibat sa dibdib ng bruha.

Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon