CHAPTER 2 4/4: GREENHORN
[ Gemma's Point of View ]
Tahimik na naka upo si Indah sa tapakan ng hagdan at malayo ang tanaw. Bumababa ako sa hagdan upang tumabi sa kanya at binigyan ko siya ng tubig na maiinom. "Kamusta na pakiramdam mo" alalang saad ko.
Uminom siya ng kaunti at nag saad "Heto. Hindi maka limot." malungkot na saad niya. "Kung maari huwag hayaang mamuno ang iyong emosyon. Maging matatag ka." Seryosong saad ko. "Madali lang sabihin. Pero mahirap gawin. Pano mo nasasabi yan? Nagmahal kana ba?" Seryosong saad niya.
"Aaminin ko.. hindi pa" Saad ko. "Magaling kayo magbigay ng payo. Pero kung Ikaw ang nasa sitwasyon ko? Sapat ba ang payo.. upang sakit ay maglaho" seryosong saad niya na nasasaktan. "Hindi.. hindi ko alam. Indah. Marami pang isda sa dagat!" Seryosong saad ko.
Pigil ang galit niya at umalis sa tabi ko at umakyat sa balconahe. "Cintai hidup yang Anda jalani. Jalani hidup yang Anda cintai. sebelum kamu mencintai seseorang lagi" Tumayo ako at seryosong nag saad sa malakas na boses. Napahinto si Indah at binigyan ako ng seryosong tingin at pumasok na sa loob ng bahay.
[ End of Gemma's Point of View ]
Pagkapasok ni Indah sa bahay ay may narinig siyang nabasag na gamit at nagmadali siyang hinanap, doon narin napa akyat nalang si Gemma sa taas. Pumunta sila pareho sa hugasan at nakita nila ang nabasag na plato.
Si Yami at Cipta ay lumapit at nagtataka. "Anong nangyari?" Takang saad ni Cipta "Nasaan na siya?" Alalang saad ni Yami. "Sa inyo ko dapat e tanong yan" Seryosong saad ni Gemma "Bakit siya ang naghuhugas? Dapat kayo gumagawa niyan" naiinis na saad ni Indah.
"Ngunit nagboluntaryo siya. wala nakong nagawa kundi hayaan siya" Seryosong saad ni Yami "Pero kahit na. Bisita parin siya.. at isang dayuhan" Naiiritang saad ni Gemma. "Wag na kayong mag talo at hanapin nalang natin siya." Saad ni Cipta.
"Teka. Nasaan ba si Ligaya?" Takang saad ni Indah. "Akala ko ba magkasama kayo?" Naguguluhang saad ni Gemma. May narinig nalang silang ingay at nagmadaling bumaba at pumunta sa silong kung saan galing ang ingay.
"Ligaya!?" Mga saad ng lahat at kinakatok ang nakasaradong pintuan. Pinipilit nilang buksan ngunit naka kandado, kaya naisipang ni Indah na sipain ang pinto at nabuksan nga. Pumasok na sila at nakita nila ang bagay na ikinagulat nila.
[ Jeremy's Point of View ]
Kanina habang binabanlawan ko na ang mga pinggan at baso ay bigla nalang hinablot ni Ligaya ang siko ko at tuwang tuwang nag saad na "Halika. Sumamaka sakin hehe". Ang nabitawan ko nalang ang hawak kong plato at nabasag sa sahig.
Wala akong nagawa dahil sobrang higpit ng pagkaka hawak niya at dahil din babae siya. Sinundan ko siya at umalis kami sa bahay hanggang sa makarating kami dito sa lugar na hindi ako pamilyar.
Hindi ko narin matandaan ang dinaanan namin dahil halos mga kahoy ang gubat. Dinala niya ako sa lawa at katabi ko siya na pinagmamasdan ang napaka gandang lawa. Ngayon ko lang siya nakitang naka ngisi at masaya, samantalang nang pinapaypayan niya ako kanina ay bahagyang nakangiti lang.
"Dito ako pumupunta pag malungkot ako" tuwang saad niya. "Kaya pala parang wala ka sa mood kanina hehe" tuwang saad ko. Naka upo kami sa damuhan at nakatitig lamang siya sa lawa.
Bigla siyang tumayo at lumalapit sa lawa at huminto nang naka layo na.Napatakip nalang ako ng mata dahil naghubad nalang siya bigla at bumilis ang kabog ng puso ko. Hinubad niya Ang suot na duster dress na sleeveless. dahan dahan ko ding binuksan ang mata ko at tinitigan ang katawan niya habang naka talikod siya.
Kinalas niya ang tali sa buhok niyang nakapusod o pony tail. Tumalbog ang mahaba at makintab niyang buhok nang kalasin ang tali. Kitang kita ko ang maputi at maumbok niyang pwet. Hindi ko ma sara ang mata ko sa sobrang init.
Lumapit pa siya sa lawa hanggang sa nabasa na ng tubig ang paa niya hanggang sa lumapit pa ay hanggang dibdib na. Humarap siya sa akin na masaya at naka tago ang dibdib at kalahating ilalim niyang katawan.
Masaya siyang nagtatampisaw "Samahan mo ako maligo. Haha" Saad na nag e-enjoy at basang basa na. Masaya din ako pag masaya siya kaya hindi ako naka-ayaw at hinubad ang damit at shorts lang ang suot.
Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan niya at binasa ang katawan sa maligamgam na tubig ng lawa na nangingibabaw ang lamig. Nagkasiyahan kami na nagtatampisaw sa tubig hanggang sa lumapit ako sa kanya at nagkatitigan at naka ngisi.
"Ang saya ko. Sobra. Hehe" tuwang saad niya habang hawak niya ang magkabilang balikat ko. "Ako din. Hehe" tuwang saad ko sa kanya habang hawak ang bewang niya. Kami ay naka lutang sa lawa na sobrang tahimik.
Nagsisimula nanaman akong mailang at hindi maging kumportable dahil sa titig niya. Hindi ko namalayang dumampi Ang malambot niyang labi sa labi ko. Bigla nalang niya akong hinalikan at bumilis pa lalo ang kabog ng dibdib ko at hindi paipaliwanag ang nararamdaman.
Siya ang pinaka unang babaeng nahalikan ko.. gusto ko sabihin Kong bakit niya ginawa yun. Nasobrahan ba ng kaligayahan si Ligaya kaya niya ako hinalikan.
Nanatili siyang tahimik na nagpapakita ng pagkatakam sa akin. Nais kong mag saad ngunit nilapat niya ang panturong daliri sa labi ko at nag saad "Maghanda ka. Nagsisimula palang tayo. Sumisid tayo. Hehehe" nakaka tunaw na saad niya sa akin at dahan-dahang sumisid sa ilalim ng tubig.
Huminga ako ng malalim at nag ipon ng hangin at sumunod na sumisid sa ilalim.
[ End of Jeremy's Point of View ]
Sa kabilang dako, ang bagay na ikinagulat ng mga babae ay tumambad si Ligaya na naka gapos sa haligi at nakatali ang bibig.
Kumuha ng kutsilyo si Indah at kinalasan si Ligaya sa pagkaka gapos pati narin ang bibig na may tali. Kumuha ng upuan si Cipta at inilapit, inalalayan ni Yami at Gemma si Ligaya na maka upo. Si Ligaya ay pinapakalma dahil kita sa mata ang pagkatakot.
END OF CHAPTER 2 GREENHORN
BINABASA MO ANG
Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)
Misterio / Suspenso1st installment of Dread Series. Group of teenagers sailed the sea and their destination is Japan, but a huge typhoon wreck their yatch and they get stranded in an unknown island. They need to survive to be alive... not knowing they conveyed in a bi...