CHAPTER 7 4/4: BREAKTHROUGH
[ Zelda's Point of View ]
Hanggang ngayon ay tumitindig parin ang balahibo ko at kakaiba ang nararamdaman ng katawan ko. Iuuwi ko sana ang huling bayad para sa huling costumer para sa araw na ito pero parang sinasabi ng diwa ko na pumunta doon.
Hindi ko malalaman kung hindi ko titignan. Nagsimula na akong tumakbo papunta doon at dinatnan ko ang mga nagsisiksikang mga tao. Gusto ko lang makita kung ano ang nasa gitna dahil parang nakabuo sila ng sirakulo.
Sinubukan kong sumiksik sa maraming tao hanggang sa dumating na ako sa dulo kung saan may naka harang na tali at nagbabantay na kawal. Naririnig ko na ng malinaw sa malapitan ang mga matandang nagdarasal ng salitang hindi ko nauunawaan.
May mga grupo din ng kababaihan na sumasayaw na parang katutubo o mga traditional na sayaw.. malakas ang hangin at nakakakilabot ang paligid dahil parang nakakaramdam ako ng di pangkaraniwang presensiya.
May isang tao sa gitna na natatakpan ng mga lalaking tinatatuan ang katawan niya.. umalis na ang grupo ng kalalakihan nang tapos ng mag tattoo sa kanya at nakita ko narin siya. Nabalot ng tinta ang bahagi ng katawan niya mula ulo hanggang paa.
Kapansin pansin rin na parang pamilyar siya.. hindi ko lang masabi kung sino dahil naka piring ang mata. Natakpan na din ang ilong niya dahil sa laki ng tela na piniring.. hindi ko rin Makita ng malinaw dahil malayo siya sa pagitan ko.
Lumakas ang hangin habang ang mga babaylan ay parang nawawala na sa sarili at kakaiba na ang kinikilos. Parang nasasaniban ng masamang ispirito. Hindi gumagalaw ang lalaki at naka upo lang sa silya.
Hindi ko maunawaan kung bakit excited ang mga tao habang ako ay natatakot. May mga tao rin akong nakita sa itaas ng mga balconahe na nanonood ng parang ritwal na ginagawa.
[ End of Zelda's Point of View ]
Sa silid na pinagkulungan kay Dale, pumasok si Yumi sa silid na may dalang bimpo ng malamig na tubig at gamot. Nilapag ni Yumi ang tray na may palanggana na may malamig na tubig at gamot sa maliit na lamesa.
Nagsimulang basahin ni Yumi ang bimpo sa malamig na tubig at pinugaan. Si Dale ay tahimik lang na naka tingin kay Yumi sa ginagawa niya. Lumapit si Yumi sa kinaroroonan ni Dale dala ang basang bimpo na malamig.
Dinampi ni Yumi ang bimpo sa pisngi ni Dale na may pasa dala ng pagsuntok sa kanya ng kawal na kinagat niya kaninang tanghali. "Ah! Masakit!" Pagpigil ni Dale at nasaktan dahil sa lamig. Namaga ang pisngi ni Dale at ang labi ay putok.
"Haha. May pakiramdam ka pala" birong tawang saad ni Yumi na diniin pa lalo ang bimpo sa pisngi ni Dale. Napasigaw si Dale sa sakit at pinipilit pumiglas sa pag kakagapos habang humahalakhak si Yumi.
"Tama na, ahh!" Pagpigil na sigaw ni Dale at doon ay inalis na ni Yumi ang bimpo sa pisngi niya. "Haha. Anong pakiramdam ng nagmamakaawa?" Tuwang tawang seryosong pigil ang galit na saad ni Yumi.
Napaluha si Yumi at pinunasan ang luha "Paumanhin.. nadala lang ako ng aking emosyon" natauhang saad ni Yumi at dahan-dahan at malumanay na dinadampi ang basang bimpo sa pisngi ni Dale.
"Anong nangyari sayo kanina, sumisigaw ka daw sabi ng isang kawal" takang tanong ni Yumi. "Nakarinig ako ng mga malakas na bulong at sumakit ang ulo ko pagkatapos" seryosong saad ni Dale. "Marahil sila ang mga kaluluwa ng taong pinatay mo.. dinalaw ka ng konsiyensya mo" seryosong saad ni Yumi.
Nang nalinis na ni Yumi ang mukha ni Dale ay bumalik siya sa maliit na lamesa at kinuha ang gamot. "Sinasabi ko sayo.. wala pa akong napapatay pwera lang sa mga lamok na pinag-pepistahan ako" seryoso at dalisay na saad ni Dale.
BINABASA MO ANG
Stranded: Dread Island [Wattys2022] (PUBLISHED)
Mystère / Thriller1st installment of Dread Series. Group of teenagers sailed the sea and their destination is Japan, but a huge typhoon wreck their yatch and they get stranded in an unknown island. They need to survive to be alive... not knowing they conveyed in a bi...